"Opps! Kailangan makilala mo sila! Yan si Mika 10 years old pinakamatakaw sa lahat, ito naman si Jack 12 yrs old siya yung madalas magnakaw sakanila kaya kailangan mag ingat ka dyan, ito naman si Yeron pinakaburaot sa lahat 12 din siya! Ito naman si John pinaka assuming sa lahat at hindi pwedeng sabihan nang sekreto siya rin ang pinaka panganay sakanila 13 na siya.  And the last ang pinaka pabebe sa lahat si Sami 10 yrs old din." saad ni Ashly.

"I'm sorry, hindi ko talent mag memorize ng names o ages kaya sawreh! Useless yung efforts mo!" saad ko.

"Bahala ka! Kapag may magnakaw sayo huwag mo saakin itatanong kung sino yung nagnakaw!" pataray ni Ashly.

"It's okay, nandyan naman si Ash!" saad ko bago lumisan.

Fast-forward, muli akong nagtransform para bumalik muna ako sa aking condo.

Bumungad sa aking pintuan si Sunlight.

"Paano mo nalaman kong nasaan ako!?" sambit ko.

"Hindi na importante yun, sumama ka muna sa akin." sagot niya.

Sumama muna ako sakanya.

Dinala niya ako sa isang abandoned na building.

"Ano naman toh!?" tanong ko.

Hindi nagtagal ay naglabasan ang mga lalaking naka mask parang jabawakiz.

Napakulot noo ako at kinabahan.

"Ano toh!??" tanong ko muli.

"Simula niyo na." kalmadong utos ni Sunlight.

Inikot nila ako at umaksyon silang parang sasaktan nila ako hanggang sa pinatulan ako nung isa kaya napalaban ako.

Nung una nakakalaban ako pero naawa na ako sa self ko, sempre elementary pa ako nung nag-aral ng karate

"Huwag kang lampa Yuer! Kailangan palaban ka." sambit ni Sunlight.

Hindi nag tagal napaupo ako dahil sa talo ako.

"Tama na yan!" dagdag ni Sunlight.

Inutusan niya yung mga naka mask na umalis na.

Narealized ko na wala naman silang motibong patäyin ako. Parang sinusubukan lang ako ni Sunlight.

"Hoy! Sana nagtanong ka kung kaya ko sila!" palusot ko.

"Ang mga kalaban ay pabigla silang dumarating hindi mo yan madadahilan, 2 weeks nalang bago ang auctions to bid. Sa sunday pumunta ka muli rito mag isa, i-training kita." saad niya bago lisanin ako.

"Hoy saglit...!" pahabol kung salita para magtanong.

Kaso hindi na siya napigilan pa.

Afterwards, bumili muna ako ng makakain bago bumalik sa condo ko muli.

After kong kumain binalak ko muling bumaba para mag gym muna.

Habang patungo ako sa gym nakasalubong ko si Kaiza na patungo rin siya sa gym.

"Wow!? Thank you for choosing our hotel as your go to place to relaxing.  We're beyond grateful." sambit niya.

"Ano naman ang gusto mong palabasin!?" sambit ko.

"Miss Caryaños!" saad nung isang matandang lalaking paparating.

Nagulat naman ako.

"Caryaños!??? S-siya ata yung Ceo ng Roxela Luxury Corp." bulong ko sa sarili ko.

"Oh! Mr. Rodrigo!!" sambit ni Kaiza sa lalaking matanda.

Muling humarap saakin ito.

"I'm sorry, kung may natitira kang hiya sa sarili mo... pwedeng lumipat ka ng ibang hotels!? Cheap kasi ang hotel namin..." saad niya saakin bago lisanin ako.

The Billionaire Beggar. (De Verga Legacy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon