"Aiven Villegas." Hindi mo mababahiran ng kung anong masama ang awra nya, katulad ni Silas at palagi rin itong nakangiti at minsan lang sumeryoso ang mukha.
"Atticus Nuñez." Sya iyong lalaking may salamin kanina. May kakaiba sa awra nya maliban sa lahat, parang may bumabalot na itim na enerhiya sa tuwing tititig ka sakanya. Mas umaangat din ang itsura niya kaysa sa lahat. Nakakaakit ang bughaw nyang mata kahit na walang emosyon ito kung tumingin.
"All of your surnames are familiar to me but I dont have any idea about Nuñez." Sambit ko habang nakating kay Atticus na abala sa libro ngunit ng marinig nyang sinabi ko ang kanyang apelyido ay napatingin ito sakin, nakaramdam ako ng pagkailang kaya umiwas na ako ng tingin.
"Si Danver?" Paglilipat ko ng topic. Ramdam ko pa din ang titig nya saakin kaya't kay Caleb na lang ako tumingin at hinihintay ang sagot nya.
"Wala pa samin ang nakakaalam sa apelyido nya."
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko, bakit hindi nila alam ang apelyido nito.
"Lahat kami ay walang ideya kung ano ang apelyido nya sa kadahilanan na ayaw nyang ipaalam ito sa amin." Napatango naman ako. Bakit ayaw nyang ipaalam?
Nang tumahimik ay Lumabas sa silid si Danver at tumingin ito saakin
"You can sleep in my room." Nagtaka ako ng umalis uli ito at pumasok sa isang kuwarto na katabi ng kuwarto nya.
"Woah, this is the first time that he agreed to let other people into the room, especially women." Ngingisi ngising ani ni Jailer habang kinakagat ang hiniwa nyang mansanas.
Napatawa naman ang mga lalaki maliban kay Atticus na seryoso pa rin hanggang ngayon, umangat ang ulo nito at saktong nagkatitigan kaming dalawa, dahil sa pagkakailang na naramdaman ko ay ako na ang umiwas sa aming dalawa.
"I'm sure there's something special about you." Muli na namang naghiyawan ang mga lalaki. Mga siraulo to.
"Tch." Napalingon ako rito, mahigpit ang pagkakahawak nya sa libro na binabasa nya, tinanggal na rin nya ang salamin na suot nya kaya mas lalong umapaw ang itsura nya.
Problema nito?
"Bakit dito ka nagaral? Marami pang mas maayos na skwelahan dito sa pilipinas." Tanong sakin ni Caleb
"I didn't know about La Nueba before, my mother decided that I should study here, because she said I would be safe here." Sumeryoso naman sila.
"This school are not like the other school. You cannot guarantee safety here." Atticus.
Nakaramdam ako ng unting pangingilabot pero mas lumamang ang kuryosidad ko sa mga sinasabi nila mula pa kanina. Napabuntong hininga na lamang ako at sinandal ang likod sa sofa at ipinatong ang ulo sa balikat ni Caleb pero binigyan ata iyong meaning ng mga lalaki kaya inalis ko kaagad.
Problema nila, pinsan ko naman to. Napairap na lang ako sa kawalan ng maalala kong wala pala silang alam.
"What's your name?"
"Eizlyn Ventajar." Kita ko ang paglingon saakin ni Caleb at Tadeo pero napatango na lamang sila marahil ay nakuha nila ang nais ko.
"Ventajar?" This Surname is not Popular here in Philippines but when you come to England, im pretty sure na sa bawat lakad mo ay bulong bulongan ang apelyido na iyan.
Hindi na muli sila nagtanong, napagpasyahan muna nilang manood, hindi medyo gusto ang pinapanood dahil ito ay isang patayan, sa tuwing pagsapit ng gabi ay may pinapatay at sa pagsapit ng umaga makikita ng mga tao ang Bangkay na nagkalat.
YOU ARE READING
La Nueba Unibersidad: Last Section
Mystery / ThrillerUpon returning to the Philippines the family's hidden secret will be discovered.
Chapter 3
Start from the beginning