"Nah, I won't judge you by your decision. Believe me, I did worse things than you can imagine because I was hurt too."
"Thank you, Ebony. I owe you a lot. Hindi ko makakamit ang hustisya sa pamilya ko at ibang tao na naagrabyado ni Alejandro at ng kaniyang grupo kung hindi dahil sa tulong niyo."
"If you are really thankful to me, you will follow my request to get your treatment abroad... for your son and yourself," paghahamon niya sa akin.
Hindi ako kaagad nakapagsalita.
Nawawalan na talaga ako ng pag-asa, sabi na rin kasi ng doctor ay bilang na lang ang buwan o kung suwerte ay taon ko rito sa mundo. Binigyan na ako ng taning lalo't tinuloy ko ang pagbubuntis ko imbes na magpagamot na kaagad.
Ngayon na nagawa ko na lahat ng dapat kong gawin...
Hinahanda ko rin ang sarili ko, kung anong kakalabasan ng operasyon.
Kung hindi man ako maka-survive, panatag akong alam na ni Draco ang tungkol kay Dravis.
Alam kong hindi niya pababayaan ang bata. I know Draco; he's the most amazing man I've ever met. He's loving and caring. He'll love our son for sure; he'll be a great father.
"Paano kaya ako makakabayad sa lahat ng tulong mo?"
Humalakhak siya.
Bigla akong kinabahan dahil parang nakakaisip siya ng hindi maganda.
"Oh, kapag nagkaanak ulit ako, gawin natin mag-bestfriend ang anak natin. Iyon na ang bayad mo," sabi niya sa nakakalokong tono.
Tumaas ang aking kilay. "Si Dravis?"
Na-imagine ko kaagad kung magkaanak siya ng babae, nako... baka sobrang protective kuya ng Dravis ko.
"Masiyado ng matanda si Dravis no'n kapag magkaanak ulit ako. And besides we don't have plans for that yet, maybe five or four years from now. Sinusulit pa ng mag-ama ko ang muli nilang pagkikita... baka 'yong magiging anak niyo ni Lordgen ang magiging kasing edad ng baby ko," tukso niya.
Hindi ko alam pero may kakaibang emosyon sa kaniyang mata, para siyang naghahamon sa akin kaya nagsalubong ang aking kilay.
Kami ni Lordgen... magkakaanak.
Sasagot sana ako sa kaniya nang matanaw ko ang papadating na isang golf cart.
Napangiti ako nang makitang si Lordgen at Raim ang sakay no'n na nag-aagawan pa sa manubela kaya pagewang-gewang sila.
Ebony sighed.
Nang tuluyan silang huminto malapit sa amin ay kaagad kumaway sa akin si Lordgen, kaagad kong pinasadahan ang kaniyang suot.
He's wearing jeans and a black long sleeve. It was folded up to his elbow. I immediately realized why he dressed so well: we have a lot to attend today.
Ngumisi siya nang makita ang tingin ko na iyon.
"Oh, relax, ako lang 'to, Mavis!" bati niya saka yumukod upang halikan ako sa noo.
Hindi ko maiwasan magulat sa galaw niyang iyon kahit ilang beses na niyang nagawa sa ilang beses namin pagkikita.
Ginulo niya ang buhok ko pagkatapos kaya kaagad akong sumimangot.
Nilagpasan naman kami ni Raim para kulitin si Ebony sa kabilang lounge.
Tumingala ako kay Lordgen.
"Aalis na tayo? Magpapalit lang ako ng damit, I'll check Dravis before leaving."
Tumango siya't inalalayan akong tumayo, nagpaalam kami kila Ebony. Gamit namin ang golf cart pabalik sa mansyon ni Ebony kung saan ako tumutuloy.
"Napag-isapan mo na ang alok ko?" tanong niya habang nagda-drive.
BINABASA MO ANG
Conrad Series 2: The Preacher
General FictionConrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry. Ang mga patay ang dahilan kung bakit siya nabubuhay, dahilan kung bakit sila nakapagpatayo ng bahay...
KABANATA 35
Magsimula sa umpisa