"His Last Paper Crane"
Isang magandang araw nanaman ang bubungad saakin, sumoy ng hangin hmmmmm mabango. Binuksan ko ang bintana at nadisappoint ako sa nakita ko.
"Ang kulimlim pala." sabi ko sa sarili ko. Hmm ays lang yan para naman madiligan yung mga halaman na tanim ko dito.
"Good morning Ori, eto oh kain ka muna." bungad saakin ng maganda kong nurse na si Marie.
"Salamat Marie!" bago ako lumapit sakanya kumuwa muna ako ng isang paper crane na gawa ko at pinalipad ito sa labas kahit alam ko na sa lapag lang siya pupunta HAHAHA.
"Oh ano nanaman naka sulat dun?" tanong ni Marie saakin.
"Ginawa ko kasi yan kagabi tapos ang sinulat ko sa loob nun "sana pag handaan ako ni Marie ng masarap na pagkain. At eto na tupad kaya pinalipad ko na ulit yun." sabi ko sakanya at nag simula ng kumain.
"Eto nambola pa pero salamat." nakangiti niyang sabi saakin. "Kumain ka lang jan oki mag sabi ka sakin if gusto mo pa." tumango nalang ako kay Marie dahil masyado akong naaliw sa pinakin niya sakin hehe.
"Siya nga pala may bago ka nanamang kapit bahay kakalipat lang. Kaso masunhit eh." sabi naman ni Marie. Agad naman akong na excite kasi meron nanaman akong bagong magiging kaibigan dito.
"Talaga?! Saglit lang ha." binilisan ko ang pag kain ko upang makilala ang bago kong kapit bahay.
"Atsaka balita ko mag kaparehas kayung dalawa ng kondisyon." sabi pa niya pa. Hindi lang maganda si Marie chismosa pa. Charot.
"Sige na mauuna na ko ha, may pag hahatidan pa ako ng pagkain, bye pakabusog ka."
"BYE MARIE!"
Pag kaalis na pag kaalis ni Marie dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at nakita ko na ang katabi kong kwarto ay bukas ibig sabihin may bago na kong kapitbahay. Kaso antahimik ng kwarto niya, baka wala na yung magulang niya. Dali dali kong kinatok ang kwarto niya kahit na bukas na. Matagal siyang mag bukas, siguro hindi niya ko naririnig kasi mahina lang katok ko. Sinunod sunod ko ang katok sa pinto niya baka kasi nasa cr siya tapos hindi niya ko marinig diba? Nangangalay na din kasi yung kamay ko kakakatok-
"What is it?!" nagulat naman ako nang sumigaw siya. Jusme naman mamatay ako sa gulat eh. Teka? Siya ang kapitbahay ko?!
ANG GWAPO!!!!!!!!!!! ACKKKKKKKKKKKK! parang ka edad ko lanh siya pero baka kaedad ko nga, maputi mukhang rich tohh may sugar mommy kaya to? De charot.
"I said what is it?" uli niya pa. Sensya na ha natulala lang gwapo kasi eh kaso sungit.
"A-ahmm. Ako nga pala si Ori." nakangiti kong sabi sakanya. Seryoso lang mukha niya nanakatingin sakin.
"And?"
"A-and? And I'm your ano your new.... Kapitbahay hehe."sabi ko pa sakanya, jusme spokening dollars pala itong isang toh.
"So?" sungit naman tama pala si Marie.
"S-so we can friends, ganun?" tama ba yung grammar ko nako nose bleeding na ko mamaya.
"I don't talk to stranger okay, so get lost." sabi niya pa saakin, tama ba pag kakadinig ko get lost daw?
"Ay, dati pa kasi ako sa ospital na to kaya alam ko na pasikot sikot kaya di ako maliligaw hehe." lalo naman kumunot noo niya sakin.
"Alam ko na isa ka sa mga nurse na pumipilit sakin na inumin yung gamot ko,kaya umalis kana." sabi niya pa sakin.
"AKO nurse? Mukha ba kong nurse? Tignan mo kaya suot ko." sabi ko pa sakanya.