Bumalatay ang gulat sa kanyang mukha pero agad din itong napalitan ng isang ngiti. A genuine one. Tumango ito sa amin bago dahan dahang isinara ang bintana. Bumusina pa ito bago tuluyang umalis. Tinanaw muna namin ang kanyang sasakyan papalayo bago namin napagpasiyahang umakyat na.
"You have so much to tell, Trev." Ani ni Aizen habang papalabas kami ng elevator.
" You can't wait? " sagot ko naman na may kasamang munting irap dito.
Malinis ang buong condo pagkabukas ko ng ilaw. Nasa ayos lahat at tila palaging nalilinisan.
"I called some of your maids to do the chores while you're gone." Saad niya habang binababa ang mga gamit ko at dali daling humilata sa sofa. Ako naman ay nanatiling nakapamaywang sa harap nito.
Idinilat naman niya ang kanyang kanang mata at tumingin sa akin. "What?"
Naiiling na tinignan ko siya bago humakbang palayo pero ilang hakbang pa lang ay agad niya akong hinila paupo sa tabi niya. "Hey, ano ba!"
" You have a story to tell, diba? "
"It's a long story."
" We have the whole night for that. " nakangising wika nito bago sumandal sa sofa at humarap sa akin.
" Teka nga, pupunta ba talaga tayong baguio? "
"I wanted to, but still depends on your story." Sagot naman niya.
Huminga ako ng malalim bago nagsimula.
"Okay, so this fiancé thing, the guy... I rented him -"
" WHAT? RENTED? " Nanlalaki ang kanyang mga mata na napabangong bumaling sa akin.
"Yeah. I rented him from the company that Kylen recommended. "
"Ha... Rented... What the hell?" Naguguluhang tumingin ako kay Aizen noong natatawang sumandal siya sa sofa. Tinakpan niya ang kanyang mga mata ngunit patuloy pa rin siya sa mahinang pag tawa. " I got....fuck...over a rented guy?...ha.. "
"Hey! Why are you laughing? Anong binubulong-bulong mo dyan? " naiinis na hinampas ko ang kanyang braso ngunit patuloy pa rin siya aa mahinang pag tawa. "Aizen! Nakakainis ka na!"
" Sorry,sorry...continue. " nakangiting humarap siya sa akin. His eyes were suddenly shining.
"Anong nangyari sayo?"
" Don't mind me. So technically, you're still single? And that fiancé is just for a show? " nakangiting tanong niya sa akin. Ako naman ay napatitig lang sa kanya at hindi agad nakapagsalita dahil sa biglaang pagbabago ng aura niya.
"What's with that smile? Ang creepy mo!" Binato ko siyang ng maliit na unan na agad naman niyang sinalo at niyakap.
Hindi ko na lang siya muling pinansin at nagpatuloy na sa pagkukwento. "And the night after you left, nakita ko si Amory sa harap ng Trevé."
" Uhuh, then? "
Napansin ko naman ang kanyang cellphone sa ibabaw ng lamesa kaya dali dali ko iyong kinuha at binuksan. Agad akong napangiti noong makita ang kanyang wallpaper. It's us, nasa beach kami non abroad. "Well, nagkasagutan kami. She's playing nice again in front of me kasi maraming nakatingin so I asked her to drop the act." Agad akong pumunta sa kanyang facebook at ni-log out iyon. I tried to open my account kahit hindi ako sigurado because I can't recall my password.
" Nag away kayo? Anong nangyari? " tanong nito then suddenly I felt a gentle stroke in my hair. Hinayaan ko na lang iyon at muling nagpatuloy.
"Hmmm, Craige showed up. " I suddenly felt him froze at the moment kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Are you okay? Sinaktan ka na naman ba niya? "
"They are together."
Muli siyang napabangon at tumingin sa akin. "Pardon?"
" Amory and Craige....they are together. Craige knows Dominic, my fiancé-"
"Rented fiancé." Kumunot ang noo ko sa diin ng pagkabigkas niya.
" Anyway, yeah. He knew Dominic, so I'm suspecting he's the one who told Amory that. " saad ko at muling bumaling sa kanyang telepono ngunit pintay ko na ito dahil hindi ko talaga mabuksan ang account ko. I wonder if Dominic messaged me.
"So, where is this Dominic?"
" Abroad. He said he'll take care of something. " binaba ko ang telepono sa lamesa at sumandal na rin.
"Something like?" Tanong nito ngunit nagkibit balikat na lang ako. Ilang minuto rin namayani ang katahimikan sa amin. Sinulyapan ko siya ngunit nakatngin lang siya sa ibaba at halatang malalim ang iniisip nito.
" it's late now-"
"What happened between the three of you that night?"
" Nagkasagutan lang kami. "
"To the point where you hurt yourself?" Nakakunot na ang noo nito kaya naman umusog ako palapit sa kanya at pabirong tinulak ang mga kilay niya.
" It's not my intention to hurt myself, it was an accident. "
"Masakit pa rin ba?" Nagulat ako noong hinawakan niya ang dalawang kamay ko at dahan dahang ibinababa ito ngunit hindi niya binitawan.
Why is he looking at me like that?
"H-hindi-"
"You're not a good liar, Trev." Naramdaman ko ang marahang paghaplos nito sa aking mga kamay. " please tell me if it hurts.. "
Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya habang unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Tila wala na akong marinig na iba kung hindi ang lakas ng tibok ng puso ko.
What the hell is this?
Isang pulgada na lamang ang layo niya sa akin kaya sa hindi malamang dahilan ay agad kong ipinikit ang aking mga mata. Ilang segundo ngunit wala akong naramdaman na kahit ano kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mata at nakitang nakatingin lamang siya sa akin. Agad akong nakaramdaman ng matinding init sa aking mga pisngi dahil sa labis na kahihiyan. Pinilit kong higitin ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Fvcking hell....." He whsipered before getting up at dali daling lumabas ng condo, leaving me alone, clueless of what really happened.
You almost kissed each other! Something echoed in my mind. Dali dali kong tinakpan ang mukha ko noong mapagtanto iyon. At pumikit pa ako!
Sana lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan.
YOU ARE READING
Husband For Rent
Teen FictionBeing a famous 29-year-old successful lady CEO like Trevhincy Salvedda is what every girl dreams of being. At a very young age, she built her name in the business world and modelling, and after years, it all paid off. Being her means being successfu...
Chapter Seventeen
Start from the beginning