I suddenly feel guilty. How can I hurt his family. They are all good to me. Lalo na si Tita Glenna who welcomed me to their family nung nalaman niya na kami na ni Matt.

"Maybe some other time, Tita. Please tell Pao, miss ko na rin siya and Georgie."

I choose to eat muna bago ko sabihin kay Tita Glenna ang sadya ko ngayong gabi. At least, hindi ko mapuputol ang maganda niyang mood.

We talked about random things. Their expansion sa Cebu and their relatives na naghihintay daw sa formal announcement ng wedding namin. I took it as my cue para sabihin na ang tungkol samin ni Matt.

"Tita, I hate to say this to you— you've been so good to me— and I am grateful po sa'yo— lahat po kayo— but— me and Matt— we are no longer together."

She immediately stopped eating. Binaba niya ang cutelries niya and tumingin sakin. I saw sadness in her eyes.

"Please tell me— its— not true—"

"Its true, Tita. Almost a year na."

"How— I mean— hindi niya nasabi, sa news, okay kayo— I don't understand— he's always telling me that you're too busy kaya hindi ka nakakadalaw."

"I thought— nasabi niya po sa inyo. He even told me na you were disappointed sa akin kaya nahihiya po ako sa inyong makipagusap—"

"Hindi— If I knew, pupuntahan kita agad— Of all her exes, alam mong ikaw lang ang nagustuhan ko. For me, anak kita. You know how much this family loves you kaya kung nalaman ko ito, kahit hindi sabihin ni Matt na tulungan ko siya sa'yo gagawin ko."

"I'm sorry, Tita."

Tita reached for my hand.

"May I know the reason? Nambabae ba siya?"

I told her everything. At gaya nang inaasahan ko, hindi rin siya makapaniwala. She was crying. I know she's hurting. Ganon din naman ako. She's like a mother to me. Kahit kailan hindi niya pinaramdam na iba ako sa family niya.

"And he's blackmailing you? Kakausapin ko siya pagdating ng bahay. Hindi ko mapapalampas to."

"And Tita— pwede po bang sa'yo ko na to ibigay?"

Nilapag ko sa lamesa ang isang red box kung saan nasa loob nito ang dalawang singsing na ibinigay ni Matt sa akin. She opened it at lalong naiyak nang makita ang laman.

"I never thought na makikita ko ang singsing na ito na wala na sa daliri mo. If I could turn back time, naitama ko sana ang mali ng anak ko."

"Wala naman pong dapat magayos nito kundi kami lang ni Matt, Tita. Pero nangyari na ang nangyari. Kahit ako po hindi ko naisip na kaya ni Matt gawin nang lahat nang yun. Kahit ako rin naman po may pagkukulang ako sa relationship namin. May kasalanan din po ako."

"I think we got him pressured, Sarah. At home, we're like we only like you to be our daughter in law. Siguro he thinks na hindi ko tatanggapin kung sakaling hindi ikaw ang makakatuluyan niya. And I must admit na malaki ang kasalanan ng anak ko sa'yo. Sana mapatawad mo siya."

"Hindi naman po imposible yun. May pinagsamahan kami ni Matteo but right now, parang bago lahat. Ngayon ko lang nalalaman ang mga ginawa niya. Okay lang po sana kung ako lang, kaso po, nadadamay na ang ibang tao. He can use me or my name as long as he wants, pero hindi ko na po kaya na pati ang mga taong walang kamalay-malay nadadamay. Sana po maintindihan niyo."

"I understand. He maybe my son but I will not tolerate him to do bad things."

There was silence. I know she wants to ask something.

"Are you— with someone right now—"

Dahan-dahan ako tumango hangang sa magtama ang tingin namin.

"Yes Tita— Hindi ko po sinasadyang mahulog sa iba. Hindi ko po sinasadyang maramdam ito. But He knows how much I loved your Son. Yung mga time na naghihintay akong magbago si Matteo, I met someone, I fell in love. I know it's not right— may kasalanan din po ako sa anak niyo."

She squeezed my hand saka ngumiti. "Are you happy?"

And then my tears fell.

"Very happy, Tita. I never planned this— but I hope maintindihan niyo po—"

Tumayo si Tita saka niyakap ako nang sobrang higpit.

"Don't feel guilty, Sarah. Naiintindihan kita. You have the right to choose."

Hinawakan ko ang braso niyang nakayakap sa akin. Nalulungkot ako na nagkaganito.

She looked at me at saka pinunasan ang mga luha ko.

"Don't worry about us. I want you to be happy. Kahit pa hindi sa anak ko. Yun ang mahalaga."

"Thank you po—"







"SARAH!!!"

Sabay kaming napatingin ni Tita Glenna sa taong kakapasok lang ng restaurant.

"What are you doing here?"

He asked habang papalapit sa amin. Tita Glenna immediately blocked her body to me para hindi ako malapitan ni Matteo.

"Mama, what's this ha? Don't believe her— She cheated on me—"

Nagulat ako when Tita Glenna slapped his face. Hard.

"You! There's no one to blame here but you! Stop messing with Sarah's life!"

"Pero Mama— Sarah!! what did you do?"

Tita Glenna held my hand saka ako tumayo. Nakuha ko ang gusto niyang mangyari. I hugged her tight saka nagpaalam.

"Sarah— don't leave! We need to talk! Mama! Stop her!

Susundan sana ako ni Matteo nang biglang sumigaw si Tita Glenna.

"Stay here, Gian Matteo or else hindi ka na makakabalik pa sa pamilyang ito!"

Hindi na ako lumingon. Dumiretso na ko at sumakay sa sasakyan ko.

Worth LovingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon