Oh? Mukhang nabasa niya 'yun
“ Sweet huh.” sarkastikong sabi neto
Hindi nalang ako nagsalita pa, oo nga pala, Nababasa niya kaya dapat shut up na.
Wala silang ibang ginawa kundi ang asarin ng asarin kame ni Thyroid. Hapon na nang umuwi sila, Ako naman Ay nagluto na ng hapunan ko, Matapos kong kumain ay Naligo na muna ako.
Wala dito si Thyroid, Nasa Meeting Siya dapat nga ay nandoon ako pero Nakiusap muna ako na kung pwedeng hindi ko muna siya masasamahan Tinanong niya yung kung bakit Pero nagsinungaling lang ako kahit na ang totoo ay Papasok na ako sa bar na pag t-trabahuhan ko. Pag sinabi ko kasing Mag t-trabaho na ako alam kong sasama lang si Thyroid, Napaka kulit pa naman non.
Matapos kong maligo ay Hinayaan ko mona yung Tuwalyang naka balot sa katawan ko at umupo sa Kama saka kinuha yung Litrato Namin, Ako, si Papa at si mama.
Sobrang saya pa namin dito.
“ Pangako po, Mahahanap ko rin ang kapatid ko, naniniwala akong buhay parin siya kaya hindi ako susuko. ”
Tinago kona ulit yung litrato at tumayo Saka nagbihis
Matapos kong magbihis ay umalis na ako ng bahay. Mukhang mamaya pa naman ang uwi ni Thyroid
Nakarating na ako sa bar na pagt-trabahuhan ko
“oh luna, narito kana pala, sige na marami nang kostomer ibigay mona Yung mga order nila. ”
Tumango nalang ako saka Lumapit na sa unang table nang tawagin ako
Habang sinasabi nila yung alak na gusto nila ay panay tingin pa rin ako sa ibang mga kostomer dito.
Madilim pero sakto na para makita ko ang mga mukha nila.
“ Miss beautiful Our beer Please.” binalik ko ang tingin ko sa kostomer nang magsalita ito ulit
“ ah yes sir.” yun nalang ang sinagot ko saka Iniwan Sila
Dinala kona yung beer nila saka kinuha na naman yung order ng Iba.
“ Hey pretty. ” papunta na Sana ako sa table ng nag order netong Alak pero may lalaking biglang humarang Sakin. Tinignan Ako neto mula ulo hanggang paa
“ Excuse me sir. ” kahit na babastusan na ako sa ginagawa niyang pag tingin sakin Ay Pinipilit kong balewalain 'yun dahil ayokong gumawa ng gulo saka isa pa baka matanggal ako dito sa bar.
Ako na sana ang iiwas pero Kung saan ako Dadaan ay hinaharangan niya ako
“ Sir dadaan po ako, Hinihintay ng mga kostomer yung alak nila. ” saad Ko. ngumisi lang Ito
Isa rin kaya siyang bampira?
“ Samahan mo ako sa Table ko.” saad Neto
“pasensya na sir, Pero hindi ko po trabaho ang samahan sa table Ang kostomer dito.” saad ko
“ Excuse me lang po.” Hinarangan pa rin ako neto kaya Muli ko itong tinignan. Eto talaga Yung problema kapag ka May makukulit na kostomer kagaya niya
“ Babayaran kita para samahan ako sa Table ko. ”
“ Pasesnya na, Pero hindi Ko kailangan 'yan. humanap kana lang Ng iba, excuse me Hinihintay na ng kostomer yung Alak nila.” inis na inis na ako pero hindi ko nalang pinahalata pa. Mukhang may tama na rin ang lalaking To
Nakadaan na rin ako kaya nakahinga ako ng maluwag. Pero ang akala Ko ay Tuluyan na akong makakalayo sakanya. May biglang Humawak Sa braso ko Kaya Napatigil ako
Nilingon ko ang gumawa non, alam kong ang makulit na lalaking 'yun parin 'to
“ Pakipot ka pa e.” saad Neto saka Lumapit sakin
“ Bitawan mo ako, sir. ” kalmadong sabi Ko kahit na ang totoo ay sobra na akong kinakabahan
Kahit naman kasi sobrang Daming tao dito ay Hindi kame mapapansin dahil nagsasaya sila dito at maingay.
Imbes na Bitawan yung kamay ko Nginisian lang ako neto
Dumikit ito sakin kaya nabitawan ko yung Bote ng alak na dala-dala ko. Walang nakapansin sa nangyari dahil sa sobrang ingay rito
“ ano ba!” hindi kona napigilan at sinigawan kona siya
“ Sasamahan molang ako sa table ko nagpapakipot ka pa, E kung inaya na pala kita sa Condo ko—”
Hindi na neto natuloy ang sasabihin niya Nang bigla nalang itong napalayo sakin. Nagulat ako sa nangyari, Nang tignan ko ang nasa likod niya ay isang madilim na mukha ni Thyroid ang nakita ko
“ Thyroid. ” Nasambit kona lang at biglang Tumakbo palapit sakanya
“ Who gave you permission To touch my Girl? ” Galit ang Tono ng pananalita ni Thyroid. Nakita ko ang takot sa mukha nang lalaking nangungulit sakin kanina
May mga ibang tao nang nakapansin samin, Yung iba ay abala parin sa kasiyahan nila at sa pagsasayaw
“ I'm sorry, I didn't know that she's your girl. ” halata ang panginginig sa boses neto, Kilala niya ba si Thyroid?
“ Not a valid reason. Now, I want an ash of yours. ”
Kita ko sa mga mata neto na lalo siyang natakot sa sinabi ni Thyroid
Ash? Kung ganon Ay isa rin itong bampira.
Umiling iling pa ito saka mabilis na lumuhod sa harap ni Thyroid na Ikinabigla ko
“ No, Prince, Please Forgive me. I wont Touch her again.” pagmamakaawa neto
“ Of course, Sisigurudahin kona kasing Abo kana bago ka man makalapit sakanya. ” namula ang mga mata ng lalaking nakaluhod nang ingat niya yung tingin samin
“ Thyroid tama na, hayaan Mona siya. ” saad ko
“ No frei, Hindi ko palalagpasin tong ginawa niya. ” galit parin ito. Ngayon ko lang siyang nakita na nagalit ng ganto.
“ Wala naman siyang ginawang masama, tama na, Umuwi kana lang muna.” saad ko, Binaling na neto yung tingin niya sakin pero hindi pa rin bumabalik sa pagka ITIL Yung mata niya
“ Anong ako? Tayo frei. Uuwi na tayo. Delikado ka dito.” saad neto
“ Hindi pa ako pwedeng Umuwi.” saad ko. Alam niya namang May kailangan pa akong hanapin dito
“ Can't you see Frei? Masyadong delikado tong ginagawa mo.” galit na sabi neto. Napatitig lang ako rito dahil sa inasta niya
Bakit ganto nalang siya kung makapag alala? Hindi naman siguro siya Natatakot na mawalan ng secretary
“ Hindi kona inaalala yung mga pwedeng mangyari sakin, Thyroid. Ang iniisip ko nalang ay kung papaano ko Mahahanap ang nawawala kong kapatid. ” saad ko
“ kilala ka ba ng karamihan dito? ” tanong ko. Napansin kong Yumuko sakanya ang karamihan dito kanina
Tumango lang ito bilang sagot
“ Kung ganon alam na Nilang Asawa mo'ko? Kaya Hindi na Nila ako masasaktan. ” saad ko
“ Hindi tayo makakasigurado dyan. ” saad neto
“ May naalala kabang pangalan ng bampirang hinahanap mo? ” tanong neto. Umiling iling ako kaya Napabuntong hinga ito
“ Umuwi kana muna. ” saad ko, masydo na akong nakakaabala sakanya
“ sinong nagsabi na nakaka abala ka? ” umupo ito sa Upuan
“ Iinom ako.” saad neto
“Iinom ka? ” ulit ko
“ yeah.”
Sinabi niya na yung alak na gusto niya kaya dinala kona 'yun sakanya. Tinuloy ko ang pag t-trabaho ko habang siya naman ay umiinom, Minsan Ay sinusulyapan ko siya at nahuhuli kong nakatitig lang saakin
Damn this boy, paano ako makakapag trabaho neto
Napailing iling nalang ako saka muling nagdala ng alak sa isang table.
YOU ARE READING
MY VAMPIRE HUSBAND [COMPLETED]
VampireSa mundong ating ginagalawan hindi natin alam kung sino sino pa ang Totoong tao ang ating nakakasalimuha. Hindi natin alam kung sino ang masama o mabuti. Maraming hindi naniniwala sa mga bampira pero hindi ako isa sakanila. Pagtatawanan ako ng ibang...
CHAPTER 9
Start from the beginning