Chapter 30: Preparation

Start from the beginning
                                    

Mabuti nalang ay nakarating na rin ako sa aming silid. Pagewang gewang akong naglalakad dahil hindi ko masyado makita ang daanan dahil gumagabi na.

"Bakit hindi pa nila binubuksan ang ilaw? Gumagabi na ah." bulong ko sa sarili.

Hindi ko na nakayanan ang hilo at sakit ng ulo kaya napagdesisyunan ko munang humilig sa pader malapit sa aming silid. Ibinaba ko muna ang hawak hawak na kahon at sinubukang buksan ang pinto ng aming silid. Pero kapag minamalas ka nga naman ay naka-lock ito.

"Shit. Ba't naka lock ito?" sinubukan ko muling buksan pero talagang nakasara ito.

Halos gusto ko nang magmura dahil kailangan ko muling bumaba. Akala siguro ng janitor ay hindi na kami babalik sa mga silid namin kaya inilock niya. Ngayon, kailangan ko muling bumaba at iiwan nalang itong kahot sa booth namin.

Nakahawak ang kamay ko sa pader bilang suporta dahil talagang nahihilo na ako. Tila ba umiikot na ang buong paligid.

Sinubukan ko punang huminga ng malalim bago muling karagahin ang kahon pero wala pa isang hakbang ay nawalan ako ng lakas.

Akala ko ay matutumba ako pero isang katawan ang hindi ko inaasahang sasaluhin ako.

Tinulungan niya akong umayos ng tayo. Kahit na umiikot ang paligid ko ay sinubukan ko paring tignan ang lalaking sumalo sa akin.

"Thanks." saad ko habang sinusubukang tignan ang mukha niya.

Siguro ay dahil narin gumagabi na at walang ilaw kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha. Dagdag pa na sumasakit ang aking ulo. All I can see is his tall silhouette figure.

Hindi siya nagsalita at kinuha lamang ang nahulog kong kahon sabay lahad nito sa akin. Kaagad ko itong kinuha.

"Why is he letting you all alone here?" aniya.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

He lowered his gaze to match mine. Kahit na nakaharap na siya sa akin ay hindi ko parin magawang makita ang mukha niya.

"Nothing. You better go home now, lady." Iyon ang huli niyang salita bago bigla na lang nawala sa aking paningin.

I was left there dumbfounded. Tila pinoproseso kung ano ang nangyari. Marami akong katanungan pero isa lamang ang bagay na napansin ko.

That voice... Isn't that a bit familiar?

Even though my head hurts like crazy, I was still able to go back to our booth. Pagkadating roon ay iilan nalang ang mga kaklase ko na naroon. Binati ko sila pero hindi nila ako pinansin kaya inilapag ko nalang ang kahon na hawak ko.

Kung alam ko lang na naka-lock na pala ang room namin ay sana hindi na ako nagpagod na umakyat sa taas.

Nang makalabas ay kaagad na akong pumara ng taxi papunta sa bakery. Nakatanggap ako ng text mula kay Lizette na pwede na raw akong mauna na muna dahil medyo matatagalan daw sila.

Nang makarating ay binati ako nila Aya at Loren. I greeted them back before going to our locker room to change to my working clothes. Nang matapos ay lumabas na ako. Pumunta muna ako sa kusina para batiin na rin si Tita Viena.

There, I saw her talking to her son while kneading the dough. Nang mapansin ako ay lumingon siya sa akin.

"Celestia, hija. Mabuti ay nandito kana! Kasama mo ba si Lizette?" tanong niya. Huminto muna siya sa kaniyang ginagawa at lumapit sa akin.

Umiling ako. "Mamaya pa daw siya, Tita. May meeting kasi siya para sa darating na intrams namin."

Tumango tango siya. "Ganon ba? Pero teka, bakit ang putla putla mo? Ayos kalang ba?"

Silent Sinister ✔Where stories live. Discover now