Chapter 18: Wounds

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yung tatlong tukmol?Ano katangahan ang inatupag nila at nasalisihan sila ni Karylle?"ani Vice.

"Tulog eh."

"Ano!?"sigaw ni Vice.

"Oo.Pina-check ko na sa tao natin,tulog yung tatlo.Mukhang pinatulog.Sinadya," paliwanag ni Jugs. "Walang makapagsabi kung saan pumunta si Angelito pero kagabi pa daw umalis.Pinapahanap ko na din."

Lalong tumindi ang kaba ni Vice sa narinig. "Saan naman pumunta yun?Bakit naman kailangan salisigan ni Karylle ang mga bantay niya?"sa isip niya. Napapakagat na siya nang kuko sa kaba. Para siyang di mapaanak na pusa, paikot-ikot sa kwarto niya.

Ano ang gagawin niya ngayon gayung napakalayo din niya. Kasalukuyan siyang nasa Davao para kitain ang isang mahalagang taong maaring makatulong para mahanap niya si Bob Lu.

"Baka naman nag-date lang yung dalawa,hindi kaya?"ani Vice.

"Pwede pero Chief, na-hacked ko na yung website ng mga mercenaries. Si John Lagalag, tinanggap niya ang trabaho para iligpit si Karylle."

Nanlamig ang mga kamay ni Vice sa narinig. Si John Lagalag ang isa sa mga pinakamahuhusay at pinakamatinik na mamamatay taong kilala niya. Halang ang kaluluwa nito at walang-kurap kung pumatay. Wala siyang pinipili. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang pera. Sa tamang halaga,kahit sino itutumba niya. Kapag tinanggap niya ang trabaho, sinisiguro nitong tatapusin niya ang dapat tapusin at di ito mangingiming durugin sinuman ang humarang. Wala pang sinumang target ang nakakaligtas sa kalupitan niya. Mahusay, tuso at walang awa si John Lagalag.

"Chief, any orders?"tanong ni Jugs.

"Book me a flight--"utos ni Vice ngunit agad siyang pinutol ni Jugs.

"Ah, I've sent a seaplane 15 mins. ago pa. I'll send you the details through e-mail pati yung mga files na hinihingi mo.Nasa baba na siguro yung sundo mo,"singit ni Jugs.

"Okay.Thak you," agad niyang ibinaba ang telepono at mabilis siyang nagligpit at naghanda. Kailngan niyang mapuntahan si Karylle bago pa mahuli ang lahat.

//

Kanina, maagang nagising si Karylle. Mabigat ang loob niyang bumangon. Gayunman pinilit niyang maligo at magbihis.

Naalala niya ang mga nangyari kahapon.Napahinga na lamang siya nang malalim. Alam niyang kailangan nilang makapag-usap ng masinsinan ni Angelito; ayusin ang dapat ayusin;pag-usapan ang dapat pag-usapan. Dahil hindi nila maayos ang relasyon nila hanggang may mga bagay na hindi malinaw sa pagitan nilang dalawa.

Pagkatapos niyang magbihis, agad niyang pinuntahan ang nobyo sa room nito. Katok siya nang katok pero wala namang sumasagot.

"Good morning maam!"masayang bati ng isa sa mga resort staff. "May kailangan po kayo maam?"hindi naman agad nakasagot si K dahil sa pagkagulat.

"Ah,uhm...hi-hinahanap ko lang si--"si K.

"Ah,si sir Angelito po ba maam? Ma-maaga pa pong umalis pe-pero pinabibigay nya po ito,"sabi ng babae sabay abot sa maliit na envelope.

"Ganun ba?"kunot-noong tanong ni K. Kinuha niya ang envelope at nagpasalamat.

Nag-iwan ng note si Angelito na may nilakad diumano ito kaya naman nagpasya na lamang si Karylle na maglakad-lakad na lang sa beach.

Matapos siyang mag-ikot-ikot, nagpasya na siyang bumalik sa hotel. Nagbabakasakali siyang nakauwi na ang nobyo. Ngayong araw,hindi man niya alam kung paano,pero wala siyang ibang gustong gawin kundi ang bumawi kay Angelito. Kailangan niya ng perfect timing para magkausap sila nang masinsinan. Alam niyang kahit hindi nito sinasabi,ang mga nangyayari sa kanila lately ay tila matalim na punyal na nag-iiwan ng sugat sa puso nito,lalo na ang nangyari kagabi.

Battlefield |ViceRylle|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon