PHM II: Pangalawang Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa gitna ng pag-iisip ko'y nag ring bigla ang cellphone ko. Tumatawag si Papa.

"Hello Pa?"

"Oh anak, kumusta?"

"Okay naman po, enrolled na po ako. Kukunin ko nalang po yung ID ko ngayong hapon"

"Mabuti naman. Kumusta naman ang nararamdaman mo?"

"Nararamdaman?"

"Yung tungkol sa nangyari kagabi? Kasi..."
"Ah, 'wag kayong mag-alala Pa, okay na'ko. Medyo nara-rattle lang pag nakakarinig ulit ng mga parang putok pero okay naman, 'tsaka pro-protektahan naman ako ni Tito"

"Wala naman akong duda diyan sa Tito mo, talagang mapo-protektahan ka niyan. Pero anak, kung kailangan mo ng kausap... nandito ako ah. Hindi man ako ang Mama... pero..."

Natigilan si Papa sa sinabi niya't ramdam ko ang pangkalungkot niya nang maalala niya si Mama. Maging ako ay miss na miss ko na rin ang taong palagi kong kausap sa tuwing may mga ganap ako sa buhay, ramdam niya ako. Wala pa nga akong sinasabi ay alam na ni Mama ang nararamdaman ko. Siya lang ang nakakaalam ng mga sekreto ko. Ilang taon na din ang nakalipas, ilang taon na ring nakabaon kasama sa hukay niya and sekretong iyon.

"Alam ko Pa, at malaking pasasalamat ko sa inyo ni Ate't nandiyan parin kayo para sa'kin." pag a-assure ko kay Papa na nagiging emosyonal na. "Mag ingat kayo palagi diyan Pa ah, kumain na ba kayo? Kakakain ko palang dito ngayon sa isang convenience store"

"Oo tapos na kami, naghahanda na nga ang ate mong pumasok sa trabaho. O siya, tapusin mo na muna 'yang pagkain mo diyan at tatawag nalang ako ulit sa susunod. Mag-ingat ka palagi bunso"

"Salamat Pa!"

Napa buntong hininga nalang ako ng bahagya pagkatapos ng usapan namin ni Papa. Nakakamiss na agad sila sa bahay, wala pa nga akong tatlong araw dito.

Maya-maya pa'y natapos na akong kumain at naisipang bumalik na muna sa bahay para magpahinga't umidlip ng konti. Tutal ID nalang naman ang kukunin ko sa school, pwede na sigurong mamaya na ako pumunta or bukas ng umaga.

Naglalakad na'ko pauwi, nang madaanan ko yung malapit na park sa'min. Wala pa masyadong tao dahil na din siguro tanghali't mainit pa. Napapansin kong dumadagsa ang mga tao dito bandang mga alas tres papuntang gabi. May mga mag ja-jogging, or biking sa may rotunda, may mga maglalaro ng tennis, volleyball, basketball, at frisbee. Mostly mga estudyante lang din sa school ko. May mga tumatambay lang din galling ng klase or kapag naghihintay sa susunod na klase.

Bigla kong napansin na may tatlong batang nag-uusap sa may monkey bars, isang lalaki't dalawang babae. Patuloy lang sana akong lalakad nang mapansin kong umiiyak pala ang lalaki. Mas maliit siya ng bahagya't mas payat din kumpara sa mga babae. Marumi rin ang damit niya't parang batang hindi naaayusan. Napatigil ako para pagmasdan sila ng konti, nagulat nalang ako na itinulak ng isang babae 'yong batang lalaki. Dali-dali akong lumapit at unti-unti kong naririnig ang pag-iyak ng batang lalaki.

"Bakit niyo ba ako inaaway? Hinahanap ko lang naman ang kuya ko" pag-iyak ng batang lalaki.

"Wala kaming pakialam, marumi ka kaya umalis ka dito. Ayaw ka naming makita habang naglalaro kami dito."

"Oo nga" tugon ng dalawang babae.

"Excuse me... mga bata, anong ginagawa niyo diyan?" pagsingit ko't hinawakan ng bahagya ang likod ng batang umiiyak.

"Wala po..."

"Naglalaro lang po kami" sagot ng mga babae.

"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong ko sa lalaki, hindi niya ako tinitingnan at patuloy lang siyang umiiyak at kinukusot-kusot ang mga mata. "Tahan na" dugtong ko't umupo sa damuhan para mas makita ko ang mukha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Gitna ng HatinggabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon