kabanata 49: The Final Battle Part 2

Start from the beginning
                                    

Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo dahil papatayin na kita sabi niya at kinasa ang baril.

Isang malaking pagkakamali ang lumapit ka sa akin. Agad ko tinabig ang baril na hawak niya at hinila ang kanyang kamay at binali ito. Narinig ko kung paano mabali ito. Sinunod ko ang kanyang paa. Habang iniinda niya ang kanyang kamay ay hinawakan ko ang kanyang binti at inikot ito. Isang malakas na tunog naging bunga. Namimilipit na siya sa sakit habang nakahiga sa sahig.

Tumayo ako pero biglang nandilim ang paningin ko. Agad naman umayos ito, siguro dahil sa mga dugo na nawala sa akin. Kinaladkad ko siya. Ipinuwesto ko siya kung saan makikita ni Sol ang mangyayari sa kanya ng harapan. Kinuha ko ang kanyang ulo.

Yan ba ang nagmamahal sayo? Tignan mo hindi ka nga matulungan ngayon. sabi ko sa kanya habang nakatingin kami kay Sol. Nakita kong patulo na ang mga luha nito.

Mahal niya ako! sigaw ni Saph

Kung mahal ka niya sana andito na siya para tulungan ka. Mukhang ini-enjoy ka pa nga niyang panuorin eh sabi ko. Hinigpitan ko ang pagkakasakal sa kanya ng biglang may sumigaw.

STOP!

Nakatayo na si Sol habang nakatingin sa akin.

PLEASE STOP! tila nagmamakaawa niyang sabi sa akin.

See? Mahal niya ako. Ikaw lang naman ang hindi niya minahal. Kahit patayin mo man ako ngayon napatunayan ko naman sayo na mahal niya ako sabi ni Saph. Kahit nanghihina na siya ay nakuha niya pa akong galitin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inikot ang kanyang leeg. Muntik pang mahiwalay ito sa kanyang katawan. Tumayo ako at lumapit kay Sol. Tinaas ko siya habang nakahawak sa kanyang leeg.

H..hon nahihirapan niyang sabi sa akin.

Patas na tayo. Pinatay mo ako nang paglaruan mo lang ako, ngayon pinatay ko naman ang taong mahal mo. Huwag ka nang magpapakita sa akin dahil sagad sagaran ang galit na nararamdaman ko sayo sabi ko sa kanya

OMG! CL YOU ARE BLEEDING! sigaw ni Bom kaya napatingin ako sa kanya. Tinuro niya ang aking hita kaya napatingin ako dito.

Dugo ...

H...hon you're ... hindi ko na narinig ang sinabi ni Sol ng bigla akong kinain ng dilim.

•••••••

Dara's POV

Sabay na sumugod sa akin sina Pearl at Ruby. Pareho silang may hawak na mahabang patalim. Iwinasiwas nila ang kanilang kunai sa akin pero agad akong tumalon at sinipa sa batok si Pearl. Agad namang nahimatay ito. Kinuha ko ang kunai na hawak niya.

Mmmm ikaw pala ang pilit sumisira sa relasyon nila Bom at Top. Pero sadyang mahina ka dahil hindi ka nagtagumpay. sabi ko sa kanya habang kinakaladkad ko ang kunai na hawak ko.

Siguro nga ay mahina ako pero nagtagumpay kami na sirain ang buhay niyo. sabi ni Ruby. Isang mapang asar na ngiti ang binigay nito.

Mabilis akong pumunta sa likuran niya. Tila nagulat pa ito sa ginawa ko.

P...paano ? sabi niya.

Welcome to hell sabi ko at pinutol ang kanyang ulo. Tumalsik pa ang iba sa aking mukha. Kinuha ko ang ulo niyo at hinagis ko kay Amethyst. Isang malakas na sigaw ang narinig ko at pumunta na kay Pearl. Wala pa rin itong malay hanggang ngayon.

Binuhat ko siya at hinagis pataas.

Blagggg ...

Urggghhhh daing niya ng bumagsak. Agad akong lumapit sa kanya at tinaas ang ulo niya.

Asan si Virgo? tanong ko sa kanya. Tanging nangiinis na tawa ang sinagot niya sa akin.

Uulitin ko ... Nasaan si Virgo? Kapag hindi mo inayos ang sagot mo may paglalagyan ka nakatingin lang ako sa kanya ng biglang sumigaw si Bom. Nakita kong biglang natumba si CL agad siyang sinaklolohan nila Minzy.

Si Virgo ba ? siguro sa mga sandaling ito kasama na niya si santanas. -Pearl

Sinagad na niya ang pasensya ko. Sinapak ko siya sa tiyan. Napaubo naman siya.

SHE'S PREGNANT! sigaw ni Rhie.

Kung siya napaniwala mo sa kagaguhan mo para lang makuha siya pwes ako hindi. Mali kayo ng kinalaban sa umpisa pa lang. Kung ano man ang ginawa mo kay Virgo ganun din ang gagawin ko sayo tumayo ako at binalibag ang mukha niya sa sahig. Dinampot ko ang kunai at binalatan siya.

Tanging malalakas na sigaw ang ginagawa niya habang ang mga nanonood naman ay tila masukasuka sa aking ginagawa. Maya maya ay bumigay na ang katawan niya at binawian narin ng buhay.

I...isa kang d..demonyo iyan lang ang tanging nasabi ni Amethyst. Tinignan ko ang paligid. Mga walang buhay na katawan ang makikita mo at malansang amoy galing sa mga dugo nito.

It's your turn bitch ..... tinapon ko ang kunai na hawak ko. Nilabas ko ang kadena kong ginto. Kinaladkad ko ito palapit kay Amethyst. Naririnig ng lahat ang ingay na ginagawa ng aking gintong kadena. Pamilyar na tunog na nakakapangilabot. Tunog na ibig sabihin ay kamatayan.

Nilabas niya ang isang mahabang armas na may matulis na espada sa magkabilang dulo.

Nagawa na kitang sirain, magagawa ko ulit iyon at sa pagkakataong ito lahat ng nasa iyo makukuha ko sabi niya. Nagbago ang kilos niya. Nawala na ang kaninang takot na pinapakita niya. Ang galing talaga niyang umarte. Wala akong nakikitang takot sa mga mata niya. Nag-unat ako ng bahagya. Tila nakaramdam ako ng pagkahilo pero agad ding nawala.

Hinigpitan ko ang hawak sa aking kadena at mabilis na sumugod kay Amethyst. Ganun din ang kanyang ginawa.

Isang demonyong ngiti ang binigay ko sa kanya.

It's payback time.

Chasing Ms. Gangster [COMPLETED]Where stories live. Discover now