My eyes widened as I feel my heart pounded in fear. Walang ibang puwedeng gumawa no'n kundi si Kael lang. Marahas akong napalunok kasabay nang panginginig ng kamay ko. Haharapin ko ba siya? Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para harapin siya. I let out a deep breath and calmed myself down. Maybe this is the time. Kailangan ko siyang harapin upang tuluyang tapusin ang namamagitan sa aming dalawa.

Lumabas ako ng bodega at tinungo ang daan papunta sa gate ng mansyon. Hindi pa man din ako tuluyang nakakalabas at malayo pa ay rinig ko na ang malakas na sigaw ni Kael.

"Hervisca! Lumabas ka dyan, please talk to me! Hindi ako makakapayag sa gusto mong mangyari! Please, kausapin mo ako, pag-usapan natin 'to!"

Napatigil ako sa paglalakad at mariin na kinuyom ang palad ko. I bit my lower lips to avoid myself getting crying. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Muli akong bumuga ng isang malalim na buntong hininga. Nanginig ang kamay ko nang hawakan ko ang pintuan ng gate at unti unti itong binuksan.

The moment na makita niya ako, kaagad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko nagawang pigilan siya. Niyakap niya lang ako ng napakahigpit. Para bang ayaw niya na akong bitawan o pakawalan. I can feel na nag-aalala siya sa akin. Kitang kita ko iyon sa mga mata niya. I didn't feel anything. I don't even hug him back. Siya lang itong nakayakap sa akin at malaya ko siyang hinayaan na gawin iyon. Ito na siguro ang huling yakap niya sa akin kaya susulitin ko na. I have to feel his warm hugs.

Bumitaw siya sa akin. "Why did you text me like that? Huwag mo na ulit gagawin 'yon, hmm?" malambing niyang saad.

Hindi ako sumagot. I just keep my gaze on the ground.

"Nasaan na ang mga gamit mo? Tapos ka na bang ayusin ang lahat ng gamit mo?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Ituro mo na sa akin kung saan ang bodega para matulungan na kita at madala na natin dito sa sasakyan."

Hindi pa rin ako sumagot. Tahimik lang ako na para bang naubos na ang lahat ng sasabihin ko.

He held my face and lifted it. Nagtama ang paningin naming dalawa. "Love, what's wrong? Bakit namamaga ang mata mo? Did you cry? May ginawa na naman ba sila sayo? Tell me, I'm going to kill them, just tell me kung anong ginawa nila sayo."

My lips quivered. Marahas kong tinabig ang kamay niya na naging dahilan ng pagkagulat niya.

I looked at him. "Nabasa mo naman siguro ang text ko sayo, hindi ba? Ano pang ginagawa mo rito? Tapos na tayo, Kael. Umalis ka na." walang emosyong bigkas ko.

Pain passed across his eyes. "Love . . . pagod ka lang dahil sa nangyari kagabi. Nasabi mo lang 'yon dahil nasaktan ka sa narinig m—"

Kaagad kong pinutol ang sasabihin niya. "That's the point, Kael. I'm tired kaya nakikipaghiwalay na ako sayo."

Umiling siya at humakbang pa lalo palapit sa akin. "Then rest with me, love. Magpahinga ka sa akin, sasamahan naman kita. Hindi solusyon ang pakikipaghiwalay, I'm not going to break up with you. Hindi ko gagawin 'yon."

"Hindi ka ba marunong umintindi, Kael?! I'm breaking up with you! Ayoko na! Itigil na natin 'to! Pagod na ako!"

Dumaan ang sakit sa mukha niya. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan ito. "S-Saan ka ba napagod? M-May nagawa ba akong mali? Did I say something wrong? Do we have a problem? Sabihin mo sa akin at itatama ko, huwag lang 'yung ganito. Hindi ko kaya, please."

Marahas kong binawi ang kamay ko sa kaniya at tinulak siya. Namilog ang mata niya sa ginawa ko.

I glared at him. "I don't have time with you, Kael. Marami pa akong gagawin kaya umalis ka na. Tapos na tayo."

Tides Turned (Ruin #1) Where stories live. Discover now