"Sisiguraduhin kong ako ang kukunin nilang main lead beh, gagalingan ko talaga promise." Saad ko sa kaniya.
"Baliw, ikaw talaga kukunin niyang mga yan. Alam naming lahat na gusto mo yan at pangarap mo yan, tsaka magaling ka. Nakita na namin ang galing mo sa pag arte, nagsama na tayo ng ilang taon sa high school kung kaya't alam na namin ang capabilities mo." Mahabang lantaya niya, napangiti naman ako bago tumayo at bumalik sa upuan ko.
"Everyone, listen."
Tumayo ang president naming si Jordan, pumunta siya sa harap at tinawag ako. Agad naman akong tumayo at kinuha ang chalk. Secretary kasi ako sa room kaya't ako ang magsusulat sa board kung ano ang mapag-uusapan namin. Breaktime pa kasi namin kaya may oras pa kami upang pag-usapan ang gaganaping theater play.
"Since breaktime pa naman, let's talk about the theater play." Panimula ni Jordan. "Who do you think will take the role of the director?"
"Ikaw na yan Jordan, ikaw lang naman marunong mag-isip dito e."
"Tanga, ikaw lang yun dinadamay pa kami." Sagot ni Mark, nagtawanan ang lahat. "Pero, oo nga Jordan ikaw na yan, walang kukuha niyan."
"True, puno nalang ako sa gilid." Saad naman ni Kian.
"Mas bagay kang sahig pre.." Sagot uli ni Mark kung kaya't mas lumakas ang tawanan. Sasagot na sana si Kian nang magsalita ulit si Jordan.
"Okay, stop na." Saway niya. "Okay, I will take the role of the director. I also already have an idea abot what story we should do."
"Yun oh!"
Agad kong sinulat ang pangalan ni Jordan sa gilid ng salitang director. Buti nalang siya ang director, mabait si Jordan tsaka matalino pa. Magkaibigan kami, binibiro biro ko pa yan minsan kahit na medyo seryoso tsaka laging nagbibigay ng mga life lessons pero ayos naman siyang kausap.
Pagkatapos nun ay sinimulan naming pag-usapan kung sino sino ang kukuha sa role ng pagiging script writer at creative designs. Sa totoo lang, pwede rin akong maging script writer dahil magaling din akong magsulat, nakasulat na ako ng libro sa wattpad dati at nagsusulat din ako ng mga poem pero sa ngayon, gusto ko munang makita ng mga tao kung pano ako mag perform sa harap ng audience. I wanna be the center of attraction.
Si Cassie at Jade ang nakuhang mag script write tas yung hindi nakuha ay gagawa ng props. In short, lahat kami. Nung napunta na sa usapang actors, tumungo ako agad. Nahihiya ako kasi baka sabihin nilang ang kapal ng mukha ko para mag volunteer, dapat may magsabi ng pangalan ko tapos pabebe muna, sabihin kong ayoko para pilitin nila ako hanggang sa pumaayag ako hehe.
"So, with the main leads. Who do you think is deserving to get the role?" Dahan dahan akong tumingin sa mga kaklase ko at lahat sila ay nakaturo na sa akin.
"Si Seraphina na kunin mo Jordan, alam naman naming kanina pa nangangati kamay niyang ilagay pangalan niya sa board."
"Luh! Di ah, wala nga akong pake kahit sino pa kunin niyo e." Sabi ko, pero sa loob loob ay totoo ang sinabi niya.
Sige lang guys, pilitin niyo pa'ko.
"Talaga? Okay, sige, iba nalan-"
"Joke lang e" Putol ko agad sa kaniya. "Oh eto na, ako na maglalagay ng pangalan ko, nakakahiya naman kasi sa inyo"
"Wow?" Natawa lang ako sa naging reaction niya.
"Okay, so it's settled. Seraphina Everlyn will be our female lead. How about our male lead?" Tanong ni Jordan.
Namayani ang katahimikan sa loob ng classroom. Every guy in the class was looking down, ang iba naman ay patingin tingin lang sa taas. Natawa ako sa loob loob ko dahil alam kong walang gustong mag volunteer. Tinignan ko isa isa ang mga kaklase naming lalaki bago napako ang tingin ko sa isa.
His eyes were staring into my soul. He was already looking at me when I looked at him. His eyes were brown, like the chocolate. His thick eyebrows were glued with each other as he stared directly at my direction. Umiwas agad ako ng tingin dahil tumaas ang balahibo ko sa batok.
Grabe naman to maka tingin, parang gusto akong kainin.
Hoy, hindi ganung kain.
My eyes landed on Jordan's eyes before he smiled.
"How about we take Caspian as the male lead?" He suggested with a grin.
My eyes widened.
"Hoy, baliw!" Sigaw ko. "Wag..."
"Why?" He asked, laughing.
"Because...." I trailed.
"Because?"
"Nothing, basta ayoko!" mahinang bulong ko.
"Nope." Maiksing sagot niya bago tumingin sa buong klase. "Are you guys okay if si Caspian ang kunin nating male lead?"
"Ayos lang, basta wag ako."
"Yes bro, inyo na yan"
"Geh, kunin niyo na yan"
Nasapo ko ang noo ko bago tumalikod at humarap sa blackboard at sinulat ang pangalan ng lalaking pinaka kinamumuhian ko sa lahat.
Caspian Thorne Ellington
I looked back at him and he's still looking at me directly in the eye.
You'll be the death of me, Ellington.
YOU ARE READING
Theater of Tender Touches
RomanceSeraphina Everly Sinclair was always a performer, she dreamed of being the greatest theatrical actress. When given a chance to perform for their upcoming theater play, she made sure that the world would watch as she burned the stage with her charism...
Prologue
Start from the beginning