Hindi siya sumagot sa sinabi ko saka 'to bumuntong hininga. "Kuya Reagan.. may nangyari ba? Nasaan ang asawa ko? Ano ng balita?" Sunod-sunod kong tanong sakanya dahil hindi parin 'to nagsasalita.

"Nakita mo naba ang video ni kuya?" Tanong niya sa 'kin kaya dahan-dahan akong tumango.

Bumuntong hininga siya saka hinilot ang sentido niya. "Sa loob ng dalawang taon wala siyang ginawa kundi pagsisihan ang mga nangyari, Herrah. Gusto nga sana niyang ipakulong si mama n'ong araw na 'yun, ngunit na pigilan ko lang siya." Sabi  ni kuya Reagan.

"Alam mo bang hanggang nagayon ay nasa kulongan parin si Kaye?" Tanong sa 'kin ni kuya Reagan.

"Bakit naka kulong?" Tanong ko sabay punas ng luha ko.

"Pinakulong siya ni kuya. Sa sobrang galit ni kuya ay pati ang companya ng pamilya nila Kaye ay kinalaban niya at pinabagsak 'to. Iba magalit si kuya, kaya pati ang pamilya ni Kaye ay dinamay niya." Sagot ni kuya Reagan. Napatulala nalang ako sa mga sinabi niya, ngayon ko lang din naman nalaman na ginawa pala 'yun ni Zacreus.

"Maging si mommy ay pinutol na niya ang ugnayan nila. Hindi na nagpapakita si kuya kay mommy. Kahit anong hingi ng tawad ni mommy sakanya, hindi niya 'to pinatawad." Dagdag na sabi ni kuya Reagan.

"Pabalik-balik lang si kuya sa Europe at dito sa Pilipinas. Lagi kasi niyang sinisiguro na nasa mabuti kang kalagayan. Bumabalik din naman siya agad ng Pilipinas at lagi siyang tumatambay kung saan ka na aksidente." Sabi niya sa 'kin.

"Patawarin mo na si kuya, Herrah. Alam kung hindi naging madali ang paghihirap mo ng mawala ang anak niyo. Ngunit pareho lang kayo ni kuya Zacreus na nasasaktan." Sabi niya saka tumingin sa 'kin.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi maiyak lalo na ng maalala ko ang video ni Zacreus.

"Maayos na ang kondisyon ni kuya. Nailipat na siya ng private room kanina lang." Sabi ni kuya Reagan.

"Kung ganun.. anong ginagawa mo dito sa harap ng emergency room?" Kunot nuo kong tanong sakanya.

"Hinintay kita eh," sagot niya saka tumayo. Inakbayan niya ako sa balikat saka kami naglakad. "Halika na, sister in law. Puntahan na natin ang asawa mo." Sabi niya kaya nagpatianod nalang ako sakanya. Nabunutan yata ako ng tinik sa dibdib na malaman kong maayos na ang kalagayan ng asawa ko.

Nakarating kami sa isang private room na agad binuksan ni kuya Reagan ang pintuan. Pumasok ako at nakita ang walang malay na si Zacreus habang may benda ang ulo nito at may nakakabit na dextrose sa isang kamay. Naka benda din ang isang paa nito kaya naawa ako habang nakatitig sakanya.

Dahan-dahan kong inilapag ang bag na dala ko sa mahabang sofa saka ako lumapit sa hospital bed ni Zacreus. Umupo ako sa upuan saka hinawakan ang kamay niya. "Nandito lang ako sa tabi mo, Zacreus. Hindi kita iiwan." Bulong ko sakanya.

"Sister in law, ayos lang ba kung iwanan na muna kita? May meeting pa kasi ako," sabi  ni kuya Reagan.

"Ayos lang po, kuya. Sige na po, ako na bahala sa asawa ko." Naka ngiti kong sabi kay kuya Reagan. Tumango naman siya saka 'to naglakad ng dahan-dahan papunta sa pintuan saka tuluyang lumabas ng kwarto.

Ibinalik ko ang tingin sa mukha ni Zacreus saka ko hinaplos ng mahina ang mukha niya. May mga gasgas din siya sa mukha pati narin sa mga braso. Hawak ko lang ang kamay niya habang binabantayan siya.

Lumipas ang tatlong araw, hindi parin nagigising si Zacreus kaya mas lalo akong nag alaala sakanya. Lagi ko siyang kinakausap na gumising na dahil naghihintay ako sakanya.

Pang-apat na araw na ngayon ngunit hindi parin siya nagigising. Umupo ulit ako sa upuan saka hinawakan ang kamay ni Zacreus. Inaantok ako kaya isinandal ko ang katawan ko sa likod ng upuan.

Wicked Billionaire Series 2: Zacreus Salazar (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now