Napatigil ako sa pag-iisip nang lumitaw ang chat head ng GC namin nina Kate. May ipinasa itong link at iyon ang video na ginawa namin kanina.
Kate: Our "How you like that?" dance cover is up! Share niyo na, girls, para rumami agad ang views!
Akmang tatawagin ko na sina ate nang bumaba sila ni Kyrous. "Ate, meron na 'yong-" napahinto ako nang lumabas rin si mama mula sa kusina.
Agad na kumunot ang noo ni ate. "Anong meron, Scarlet?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nag-isip ng isasagot.
"Her gadgets are back, love. I think that's what Scarlet is trying to say."
Mabilis akong tumango dahil sa sinabi ni Kyrous. "Tama, ate! Binalik na ni ama 'yong iPhone at lumang cellphone ko," pagmamayabang ko.
"Pero kukunin ko ulit kung naging demonyita ka na naman," dagdag ni mama na ikinawala ng ngiti ko.
Humalakhak lang si Ate Serenity pati na ang boyfriend nito bago tumabi sa akin. "Excited ka na ba para bukas, Scarlet?" tanong ng kapatid bago kumuha ng pagkaing dala ni mama.
"Opo, ate! First time kong makakapunta sa Manila," sagot ko at nang magpaalam si mama na lalabas siya ay ipinakita ko ang phone sa magkasintahan.
"Ate, panoorin natin 'yong ginawa naming sayaw kanina!" Pumunta ako sa gitna nila at sabay-sabay naming pinanood ang dance cover namin.
"Ang ganda ng effects! Bumagay sa sayaw," puri ni ate dahil may neon effects na nilagay si Lexous, ang taga-eedit rin ng mga video ni Kate.
"Kaya pala basang-basa ka umuwi kanina!" Kinurot ni Ate Serenity ang hita ko nang mapanood kaming sumasayaw habang umuulan. Napadaing ako sa sakit kaya napaangat ang katawan ko at napaupo sa lap ni Kyrous.
"Ate, tama na nga! Ang sakit kaya!" reklamo ko sa kapatid habang tawang-tawa siya.
"Scarlet..." Natauhan ako nang hawakan ni Kyrous ang bewang ko at in-ayos niya ako ng upo.
"Sorry. Si ate naman kasi e!" sumbong ko at napanguso.
"It's okay."
Muli ay pinanood namin ang video hanggang sa matapos na. "Ang ganda, 'no?" tanong ko sa dalawa at umalis sa pagitan nila.
"Yes. All of you danced how sexy and fierce the song was. Good job for that. Also, I like how the videography and editing skills made your dance cover so lit! Congratulations to all of you, Scarlet." Kyrous commented that made my cheek heated up.
***
Kinagabihan ay nag-impake na kami ng gamit para sa pag-alis. Tinawagan ko na rin ang mga kaibigan ko para sabihin ang patungkol sa bakasyon.
"Excited na ako, ma!" Humagikgik ako nang makapasok sa sasakyan ni Kyrous. Nasa backseat kami ni mama. Sa front seat si Ate Serenity at nasa driver's seat si Kyrous.
"Tumahimik ka, Scarlet! Matutulog ako habang nasa biyahe. 'Wag mo kong istorbohin," pabalang na sagot ni mama at humarap ito sa bintana.
Napanguso ako at tumingin nalang din sa bintanang nasa gilid ko. Kinuhanan ko ng litrato ang mga nadaanan namin at pumili ng ilan para i-upload sa social media.
Nang magsawa sa kaka-scroll ay sinalpak ko ang earpods sa tenga para makinig ng kanta. Akmang ipipikit ko na ang mga mata para matulog nang magtama ang paningin namin ni Kyrous sa rear view mirror.
Ngumiti ako ng kaunti. Tumango lang ito at nag-iwas ng tingin. Napabuntonghininga ako at isinandal ang ulo sa malambot na upuan bago ipinikit ang mga mata para matulog na muna.
BINABASA MO ANG
Desiring His Ruthless Ways
RomanceAt the age of twenty, Kyrous Lorcan is already contented on his life. But everything ruined when he met Scarlet Agape, his girlfriend's younger sister. Because of rage, he hated her and planned ways to punish her. Until one night, he found himself...
Chapter 5
Magsimula sa umpisa