Lumapit siya sa aken at kinuha yung kutsilyo.

"Arrghhh!!!" -> ako. Pagkatapos niya ung tanggalin...

"Ah!!" Isinaksak naman niya sa hita ko. Ang saket!!

"Hahaha---" napattigil sa pagtawa at hinawak kan yung gilid ng tyan ko kung saan sumaksak yung kutsilyo kanina.

"Papaanong nawala ang....." Pinakiramdaman ko yung gilid ng tyan ko at wala na yung saket--- Ha!?!?!

"HAhaha magiging masaya to...." tinanggal niya yung kutsilyo sa hita ko at isinaksak naman sa braso ko.

At isinaksak niya ng isinaksak yung kutsilyo sa katawan ko.

(Pagkatapos ng sampung minuto....)

*cough* Napaubo na ako ng dugo.

Nanghihina ako. Ang saket saket ng katawan ko. Nararamdaman kong unti-unting naghihilom ang katawan ko.

"Nakakatuwa naman yang katawan mo...." Pagkatapos niya yun sabihin, biglang nagkaroon ng bunganga sa gitna mukha niya. Papalapit siya na papalapit..... Nagkaroon ng magic circle sa tapat ng bibig niya.

Aasan ako!? Nung mawala ang liwananag napunta ako sa isang kwarto... naka-kadena ang kamay at paa ko sa bakal na kama at may mga malalaking blade na nasa ibabaw ko.... Ilang saglit pa at sabay-sabay yung bumagsak sa akin...

Paulit-ulit na bumagsak sa akin ang patalim at paulit-ulit ang sakit.

"Arrrghhh!!!" Nagwawala na ako. Ayoko na bago pa bumaksak sa akin ulit yun. Kailangan ko nang umalis!! Pero nanghihina na ako....

"Arrrgghhhh!!!" Ayoko na...... ayoko na....

"Umiiyak ka na agad??"

Napatigil ako, hindi ko na maigalaw ang katawan ko kaya hindi ko na siya nilingon.....

Ilang saglit pa biglang ako nalipat sa ibang lugar.....

"Anong?" Nakatali at nakasabit ako sa isang pahigang metal. Sa ilalim ko ay may dalawang pahabang bilog na maraming......

"Tingnan natin kung mabubuo parin ang katawan mo kapag nahulog ka na dyan, hahaha"

May gilingan sa ilalim ko. Ayoko ko na.... mamamatay na ako.... hindi ko alam kung bakit pero, biglang nawala ang takot sa buong katawan ko.... Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at sinubukang matulog.

"Pangako pro-protektahan kita...."

Ha??

*booom!!*

Napamulat ako nung marinig ko ang pagsabog.

"Ray!!"

"Hay nako..... humanda ka nang mamatay...." walang kaemo-emosyon niyang sinabi dun sa lalaking walang mukha. Pula ang mata ni Ray at may kulay itim na tatoo sa mga braso niya.

Nagkaroon ng malaking itim na magic circle. At liwanag yun.

*booom!* sa pagsabog na yun, tumilapon ako. Natanggal na ang talinsa katawan ko.

"Aaaahhh!!!!" Sa sakit ng katawan ko di ko na halos maigalaw ang binti ko.

"Ayos ka lang??"

"Ha?" Sa isang iglap napunta ako kay Ray. Buhat-buhat niya ako ngayon.

"Hinde" -> ako

"HAHahaha....... Death.... Nagbalik ka na sa wakas...."

Magkakilala ba sila?? Gumawa si Ray ng isang malaking bula at ipinasok niya ako doon. Dahil sa lakas ng pagsabog ay nasira narin ang bubong ng lugar na 'to-- hinde wasak na wasak na ang buong paligud at ilang mga poste nalang ang natayo. Tumaas ang bula hanggang sa malapit na ako sa ulap.

Nagsimula na silang maglaban, nararamdaman ko ang lakas ng kapangyarihan nila hanggang dito...

Parang may pinag-uusapan sila habang naglalaban pero hindi masyadong marrinig. Tiningnan ko ang pula kong buhok. May biglang sumigi sa utak ko.

Isang batang babae na nakahandusay sa lupa at naliligo sa dugo niya...

A-ano yun?!

*booom* Napatingin ako sa baba. Duguan na yung lalaking walang mukha. Kahit na hindi nagpapakita si Ray ng emosyon nahahalata kong pagod na siya.
Nagawang paring tumayo nung lalaki. Hinanda na ni Ray ang darili niya, parang magpapakawala siya ng napakalakas na pag-atake...

Isa,dalawa,tatlo....

NAgliwanag ang lahat at halos wala na akong makita.... hanggang sa namalayan ko nalang na nasa disyerto kami....
End of Flash Back

Nagpahinga kami saglit ni Ray. Hindi mainit dito pero nakakasilaw ang araw. May mga ibong nakaistak lang sa himpapawid.

"Mapanglinlang ang lugar na to. Kahit na wala na tayo sa lugar na yun, hindi parin tayo nakakalayo mula sa palasyo...."

Sabi niya at mukhang pagod na pagod. Sabi sa akin ni Ray na kailangang ibagay ko ang 3/4 ng buhay mo para makaalis doon....

Maya-maya pa nagbago ang paligid....

"Nagsisimula na..." -> Ray...

Nagbago ang lahat. Ang disyerti naging isang malaking gubat. Nagbago din ang katawan ko....

"Bakit lumiit ako!?" Sigaw ko habang tinitingnan ang kamay ko.

"Hindi ka lumiit bumalik ka lang sa pagiging bata..." -> Ray.

Nagulat din ako sa itsura ni Ray. Bumata din siya, kaso may matutulis siyang tenga at maitim ang balat niya. Pula ulit ang kulay ng mata niya.

"Anyare sayo?" -> ako

"Eto yung totoo kong itsura.... Nakakatakot noh?" Sabi niya sabay ngiti....

Hinawakan niya ako sa kamay na naglakad na kami sa gubat na yun. Lakad lang kami ng lakad hanggang sa.

"Ray!"

Bigla siyang napana sa puso..
Anong!?

Michel POV

"Wah!!! Ayoko na!!" Sabi ko at nagtago sa likod ni Skye.

"Hay..... paano natin mahahanap si Sio kung ganyan ka? -_-" sabi ni Rie habang nakapamewang...

"Eh sa nakakatakot yung mukha nila! Daig ang The Grudge! Tsaka kanina pa ako nakakaramdam ng masaya...."

"Sa lugar na to. Kapag mahina ka kakainin ka nila...." pananakot ni Skye...

"I can't it anymore!" Sigaw ko ng may humawak sa balikat ko.

"Kyaa!!!" Napatili ako pero napatigil din. Ewan ko kung bakit pero nakakalma ang mukha ng lalaking to. Hindi katulad ng mga spirits kanina.

"Alam kong hinahanap niyo ako... Sumunod kayo sa akin."

Sumunod na naman kami. Nakarating kami sa lugar na may garden at may lamesang may apat na upuan.

"Nakaalis na sina Ray at Cyrie sa lugar na pinagtapunan sa kanila. Kailangan nalang nilang malapagsan ang Nigery" yes! Makikita ko na ulit si Cyrie-- teka lang...

"Ha? Nige ano??" Tanong ko at namanghan ng may lumitaw na cookie.

"Ang Nigery ay isang mundo kung saan magiging bangungot ang lahat ng ala-ala mo.... Nakamamatay rin pumasok doon...." sabi niya ng seryoso...

"Wala na ba kaming maitutulong?" Malungkot na tanong ko.

"Meron pero hindi dito... kundi sa Fantaria... Protektahan niyo ang lahat hanggang sa dumating ang susi...."

Mas seryoso niyang sinabi...

Nakaramdam ako ng takot... PAra kasing may mali sa mga sinabi niya... pero ano yung mali na yun??

Kinakabahan ako... Cyrie... Sana maging maayos ka...

END......

To be continued
Or
To be not...
.

Anime High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon