CHAPTER 46: First meet gone wrong

Magsimula sa umpisa
                                    

Natawa ito. " Paano ba naman e busy kana sa girlfriend mo. Balita ko ay naglilive in na kayo. Kelan mo ba ako bibigyan ng apo? " Tanong nito sa huli na ikinatawa ko.

" Wala naman akong hotdog para magawa 'yon. Kung meron lang sana. " Pareho kaming natawa ni Daddy Lo sa sinabi ko.

" Sana ay maabutan ko pa ang mga magiging apo ko sayo. " Napasimangot naman ako sa sinabi nito.

" Huwag kayong magsalita ng ganyan. Maabutan niyo pa. Malakas pa kayo. Gusto kong makilala ng mga magiging anak ko ang Grandpa nilang sobrang bait at cool." Tumayo ako at pumunta sa likod nito ay niyakap siya.

" Hay nako napakasweet talaga ng apo ko. Kaya marami kang nadaleng babae." Lumayo ako sakanya.

" Hala. Fake news 'yan." Pero napailing-iling nalang ito, halatang di naniniwala.

Pagdating ni Mommy ay sabay-sabay na kaming pumunta sa isang sikat ma barbeque house. Namiss naming magbarbeque kaya dito namin naisipang pumunta. Mas masaya nga lalo na at masarap ang mga pagkain. Para lang kaming simpleng tao na kumakain. Hindi expensive pero masarap at the best 'yong bonding.

Kahit si Mommy ay tinanong kung kelan ko ulit dadalhin si Daivynn sa restaurant niya. Namimiss niya na raw ito.

" Naku kung makakabuntis lang talaga itong apo ninyo ay marami na siyang panganay." Sabi ni Mommy. Ako na naman ang nakita nila.

" Dati lang 'yon. Loyal na ako ngayon sa baby ko. "

Binigyan nila ako nang mapang-asae na tingin.

" Akala ko ba Mommy mo rin 'yon?" Napaubo ako bigla sa tinuran ni Mommy.

" Mommy naman!" Maktol ko matapos kong uminom ng tubig. Tinawanan nalang nila akong dalawa.. Grabe nakakagulat naman itong Nanay ko.

PAGKATAPOS ng masayang dinner namin ay umuwi narin kami. Sa Penthouse parin ako ni Daivynn at may dala akong barbeque para sakanya.

Noong mga sumunod na araw ay tumawag si Daddy Lo at nasa Singapore na daw ito. Sa susunod na linggo pa ang balik niya.

" Baby.." tawag ko sa girlfriend ko habang busy ito sa laptop niya. Kanina pa siya busy.

" Hmm?"

I lick my lower lip and smile. Busy parin ito.

Tumayo ako at naglakad papunta sa likod nito. Nasa may living room kami at naka indian seat ito habang nasa lap niya ang laptop.

" Matagal pa ba 'yan?" Malambing na wika ko at nilagay ang dalawang kamay sa balikat nito.

" Yes po. You're sleepy na?" Walang lingong tanong niya.

" Hindi pa naman." Yumuko ako at hinalikan ito sa balikat. Saktong nakasando lang ito. " Pero gusto ko na magbebetime."

I heard her chuckles.." Later, love. Tatapusin ko lang 'to. Alright?" Ngayon ay nilingon niya na ako. Ngumiti siya.

" Okay po. I love you." I kiss her lips.

" I love you. "

Hindi ko na siya ginulo para mabilis niyang matapos ang ginagawa niya.

" Gago! Isa kang Luis?" Gulat na paglilinaw ni Aldwyn nang sinabi kong Luis ang totoong surname ko.

Natatawang tumango ako. " Ang oa naman ng reaction mo."

" Shuta ka, sinong hindi magugulat e alam kong billionaire ang mga Luis. Isa sila sa mga powerful na family sa Pilipinas tapos isa ka palang Luis. Seryoso ba?" Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. Ineexpect ko na magagalit ito sa nalamang tinago ko sakanila ang totoong surname ko. Pero base sa reaction nila, mukhang wala namang problema.

Tasting the sweet Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon