mae 1

4 0 0
                                    

Entering a room full of people that are filled with familiar and  unfamiliar faces made me anxious. As someone who is not good at socializing, I don't know how to associate myself to them. Today is the first day of school. I am now at level 9 and I know that I still have a long way ahead of me and I'm preparing myself ever since. It's been a while since I stepped out the house and I'm still in shock of course. I mean, who wouldn't?.


I went to school early today to observe my surroundings and the people I will be spending my year with. I was also aiming to sit at the back but because of my  eyesight I don't think I will be sitting at the back. I was just sitting in my chair quietly roaming my eyes when someone entered the door. Our adviser with a girl. She's not familiar and I'm sure na transferee siya. When she walked passed me I can tell na ang gaan ng aura niya. Not to mention ang bango niya rin. She looks so innocent habang kinukuha yung attendance form. She looks uneasy while filling out the form at the front. Lumilinga-linga siya, probably wondering kung saan siya uupo. When she met my eyes I smiled at her, a comforting smile. I was surprised when she smiled back and took the empty seat beside me. And the day started.

Ang una naming ginawa ay halos di naman na bago ay ang pag introduce sa sarili, pero ang amin pinasulat kami sa papel at nung tapos na, tumawag ang adviser namin ng dalawang tao. Kailangan mong makipagpalitan ng papel at ipapakilala mo siya at ganun din siya sayo habang binabasa ang papel. Lumingon ako sa katabi ko.

"Tapos ka na?" Sabi ko. Nakita ko sa mukha niya na naguguluhan siya, hindi ata ako narinig.

"Tapos ka na?" Inulit ko. Narinig na ata kasi lumiwanag na yung mukha niya. "Ah oo" sabi niya.

Nagtawag na ang adviser namin at ako na ang tinawag, pagkatapos ay yung katabi ko na. Zavina Yeon C. Vasquez. Yan ang pangalan niya, at mas bata siya saakin ng isang taon. Pagkatapos magpakilala ng buong klase ay lumabas ang adviser namin at maya-maya bumalik din siya.

"Okay so class, suspended ang klase natin today due to low pressure. Babalik muna ako ng office for further announcements, keep your things." Pagkasabi na pagkasabi ng adviser namin ay hindi ko alam ang irereact ko, shet sana pala natulog nalang ako. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa para i-message si mama na suspended. Pagkababa ko ng phone ko, nakita ko ang gulat sa mata nitong si Zavina.

"Oh my god, nctzen ka din?!" sabi niya. Tumango ako, halata pa rin ang gulat sa mukha niya. Kahit ako, I'm shocked na we're in the same fandom.

Maya-maya ay bumalik na ang adviser namin at nagdasal na para makauwi na kami. Papalabas na ako ng room ng may tumawag sa pangalan ko.

"Xay!" Paglingon ko nakita ko si Zavina. Nginitian ko muna siya bago siya sagutin. "Yes?" sabi ko, "May sundo ka? Malapit lang ba bahay niyo?" I really like her voice, it may sound maarte pero halatang ganun lang talaga siya magsalita hindi pilit at hindi rin ipit.

"Oo, andun na nga ata sa labas. Ikaw? may sundo ka?" Tanong ko sakaniya. "Ah wala nauna na ata sila, lalakarin ko tutal malapit lang naman. Ingat ka pauwi Mauna nako!" kumaway siya saakin bago naglakad paalis at sinalampak ang earphones sa Tenga. Nakita ko na ang sundo ko at umuwi na rin kami kaagad.

Paguwi ng bahay ay agad akong nagpalit ng damit at nagpatuyo ng buhok. Umupo ako sa sofa at nagkalkal ng cellphone. Bibitawan ko na sana ang cellphone ko nang may nag pop-up na notification na galing sa Facebook. Friend request. Tiningnan ko ang pangalan ng nag friend request at nakita kong si Zavina ito kaya naman pipindutin ko na sana ang accept ng bigla iyong nawala. Binalewala ko nalang iyong at pinagpatuloy ang aking naudlot na tulog.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : May 29, 2023 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

LMBS Où les histoires vivent. Découvrez maintenant