"Inayos lahat 'to ni Sam?"

"Hindi po Sir, meron po siyang katulong kasi mukhang hindi niya kayang kumilos kanina"

"Anong oras siya dumating dito?"

"1pm Sir andito na siya, gusto niya kasing masunod ang gusto niyang design"

"Anong oras siya umalis?"

Nakita niyang nag-isip pa ito na tila inaalala ang oras. "Mga 3:30 na ata Sir, nasalubong ko pa siya sa lobby muntik na nga siyang matumba e, nung nahawakan ko siya mainit pala siya"

Nagtangis ang kanyang panga dahil sa narinig. "Anong sabi niya bago siya umalis?"

"Hintayin ka daw Sir hanggang bukas, kapag di ka dumating itapon na lang daw po yung mga nandito" lalo siyang nakaramdam ng galit para sa sarili niya.

Napabuntong hininga siya. "Pakiligpit lahat to Rodel, dadalhin ko lahat yan, pati yung mga ginamit na design, wala kang itatapon kahit ano. Hintayin kita sa parking" hindi na niya hinintay ang sagot nito dahil umalis na siya dala ang paper bag.

------

------

HABANG HINIHINTAY SI Rodel ay ilang beses niyang sinubukang tawagan si Samantha pero nakapatay pa din ang selpon nito. Sa sobrang inis niya ay napahampas siya sa kanyang manibela.

"Stupid! Stupid! Alex!!" sigaw niya sa kanyang sarili.

Nag-isip siya kung saan ito pwedeng dumeretso pero wala siyang maisip nang bigla niyang maalala si Mike.

"Mike?" sabi niya nang sagutin nito ang kanyang tawag.

"Yow Bro, whats up?" halata niya na nagising niya ito sa pagtulog.

"Mike, alam mo ba kung saan sa Batangas pumunta si Samantha noong hinanap niya yung Tatay niya?"

"What?"

"Diba magkasama kayo na pumunta sa Batangas kasi may nakapagsabi sa kanya na nandoon ang Tatay niya" nakaramdam pa siya ng pagkainis sa pagmamang-mangan nito.

"Teka, naguguluhan ako ha. Wala kaming hinanap ni Samantha sa Batangas, gusto niya lang mag-unwind, gusto niya lang munang huminga dahil feeling niya suffocated na siya sa mansyon"

Napakunot noo siya. "Wait, so nagsinungaling siya sa amin ni Daddy?" nagtatakang tanong niya.

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Mike sa kabilang linya. "You know what, isa lang ibig sabihin niyan. Hindi pa din kayo nakakapag-usap ni Samantha. Bro don't tell me na hindi mo nakikita ang lungkot kay Samantha, hindi siya okay, sobrang lungkot niya. At noong sumama siya sa Batangas, doon siya tumira sa bahay mo" hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Malungkot si Samantha?" hindi niya naiwasang malakasan ang kanyang boses na tanong niya para sa sarili niya.

Nakikita niya ang lungkot sa mga mata ni Samantha pero ang akala niya ay iniisip niya lang ito.

"What the fuck Alex, what is happening to you? Kung gaano ka ka-protective sa kanya dati ngayon parang wala na lang sayo" sabi nito. "Huwag mong hayaan na lalong lumayo sa'yo si Samantha"

Magsasalita na sana siya nang biglang kumatok si Rodel sa kanyang sasakyan.

"I'll go ahead Mike, thank you" agad niyang binaba ang tawag.

"Sir Alex, ito na po lahat"

"Wala kang tinapon na kahit ano?"

"Wala po Sir"

"Good, thank you Rodel" pumasok muli ng sasakyan si Alex.

Tatawagan sana niya sina Sandy at Sunshine ang kambal na kaibigan ni Samantha nang biglang tumunog ang kanyang selpon at nakita niyang tumatawag ang kanyang ama.

"Yes Dad?" walang gana niyang sagot.

"Where are you? Nakausap ko si Samantha, pupuntahan niya daw ang kakilala ng Tatay niya, kasama niya daw si Mike, when I asked her kung saan, naputol ang tawag baka na-lowbat na siya. Better call Mike"

Bahagya siyang napangisi. "Alright Dad" binaba na agad niya ang tawag.

"I am sorry Baby Girl!" mahinang sabi niya.

------

NANG MAKABALK SIYA sa mansyon ay naabutan pa niya sila Loisa, Andres, Rebecca, Angela, at kanyang ama na nasa sala na tila naglalaro.

"Saan ka galing Alex?" tanong sa kanya ni Angela.

"May pinuntahan lang" walang ganang sagot niya.

"What is that, son?" tanong ng kanyang ama nang mapansin ang kanyang bitbit.

"Walang gagalaw nito, kahit sino walang gagalaw nito" sabi niya. Pumunta siya sa silid kainan at tinawag si Manang Letty.

"Manang, paayos na lang muna nito. Palagyan din ng note na walang kakain ng mga yan" hindi na niya hinintay ang sagot ni Manang Letty dahil lumabas na siya sa kusina at deretsong naglakad paakyat.

"Alex, where are you going? Dito ka muna" sabi ni Angela pero hindi niya iyon pinansin.

Pagdating niya sa kanyang silid ay walang gana siyang nahiga sa kanyang kama.

"Where are you Sam?"

"Bakit ka ba malungkot?"

"Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?"

"Bakit ba ang tanga tanga kong nakalimutan ko ang usapan natin, bakit nakalimutan kong may sakit ka"

Hindi na niya napansin ang mga luha sa kanyang mga mata.

------

"ALEX, CAN YOU go to Pierre para sabihin sa kanya na makakalabas na siya next week, okay na yung release documents niya need na lang asikasuhin ng lawyer niya"

Kasalukuyang silang nag-aagahan at nagpasya siya na hindi muna papasok para hintayin si Samantha, kahit anong mangyari ay aabangan niya ang pag-uwi nito.

"Dad, wag na ako kailangan kong hintayin si Sam" nakikiusap na sabi niya.

"Mabilis lang yun Alex, dapat ako ang pupunta doon pero may biglaang meeting with the investors" sabi nito. "Please?" pakiusap uli nito.

Napabuntong hininga na lang siya dahil sa pakiusap ng kanyang ama.

"Can I go with you Alex?" singit ni Angela sa usapan nila.

Kung dati ay madalas siyang tumatabi kay Angela, ngayon ay hindi niya ito tinabihan, umupo siya sa katabing upuan ni Samantha. Pakiramdam niya ay masyado siyang nasasabik na magiging ama na siya at dahil sa sobrang iniintindi siya ni Samantha ay nakalimutan niya ng intindihin ang nararamdaman nito.

"No Angela, I'll go alone" walang ganang sagot niya.

"Please, gustong lumabas ni Baby" nakangusong sabi nito.

"I told you no!" hindi niya napigilang mapalakas ang kanyang boses. "Sorry" agad na bawi niya. "I'll go ahead Dad" baling niya sa kanyang ama.

"Okay" maikling sagot ng kanyang ama. Alam niyang nagulat din ito sa pagtaas ng boses niya pero hinayaan na lang siya.

Bodyguard (Ang Pagpapanggap)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon