69 | Drifting Back

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero mukhang masamang damo yatang talaga si Kuya Bastian at ipinagpapasalamat namin 'yun. Hindi sumuko ang mga healers at doctors dito na i-revive siya hanggang sa naibalik nga siya sa amin.

Agad nilang sinimulan ang paglinis kay Kuya Bastian. Ang ibig kong sabihin ay gamutin at i-purify sa epekto ng dark magic o cursed sabi nga nila Ms Lena.

Sa madaling sabi, nagawa nga nilang linisin si Kuya Bastian kahit pa nanibago sila sa dark magic na sinubukan nilang alisin sa kaniya no'n. Ngayon, malayo na ito sa kapahamakan pero isang linggo na itong walang malay.

Gayunpaman, kahit na sigurado na silang nagawa na nilang alisin ang sumpa sa kaniya at linisin siya sa epekto ng dark magic ay may iniwan naman itong bakas sa katawan niya at 'yun nga ang mga dark patches sa dibdib at leeg niya. Para tuloy siyang nabuhusan ng kumukulong tubig.

Sa ngayon, iniintay na lang namin lalo na ng mga healer at doctor na magkamalay siya upang makita o masuri pa ang ibang naiwang epekto ng nangyari sa katawan niya.

Kay Ms Lena na rin kasi nanggaling noon na posibleng may mga maaaring pagbabago sa kaniya sa oras na magising siya. Hindi raw biro ang pinagdaanan ng katawan niya at posible talagang may iba pang side-effects ang nangyari bukod sa patches sa balat niya.

Umaasa na nga lang kami na sana 'wag ang mga alaala niya ang maapektuhan. 'Yun kasi ang karaniwang naapektuhan ng dark magic ayon na rin sa mga healers.

Hindi rin nagtagal si Ms Faye Lena at nagpaalam din sa amin. Tunog ng makina lang ang maririnig sa apat na sulok ng silid ni Kuya Bastian nang maiwan kami ni Aaron.

Narinig kong huminga ng malalim si Aaron bago humila ng upuan at tumabi kay Kuya Bastian. Nanatili lang akong nakatayo sa likuran niya.

Bago ako dumating sa buhay ni Aaron, si Kuya Bastian na ang naging parang kapatid niya. Saksi naman ako sa lapit ng dalawa kahit na magkalayo ang personalidad nilang dalawa.

Si Kuya Bastian— para ko na rin siyang tunay na kapatid kaya nga kahit na nagmukha akong ewan noong araw na 'yun ay nagmakaawa pa ako sa demonyong boses lang ang puhunan para iligtas siya.

"I will never forget that man's face. I swear, I will find him and make that witch pay for what he did," ani Aaron na umani ng atensyon ko.

Nakaramdam ako ng panlalamig at bigat sa paraan at tono ng pananalita ni Aaron. Masyadong mapanganib. Masyadong matalas.

"Kitang-kita ko ang ginawa niya. Wala pa ni isang cases akong nakita o nabalitaan sa katulad ng ginawa niya kay Sebastian. Witchcraft. An old and forgotten magic," dagdag pa niya.

Tinapik ko na ang balikat niya nang makitang mariin na ang pagkuyom niya sa kamao niya. Kumpara sa kanilang dalawa ni Kuya Bastian ay mas maayos na siya pero naging kritikal din ang lagay niya. Ngayon pa nga lang ito bumabawi.

"Hindi ka nag-iisa sa kagustuhan na 'yan. Sisiguraduhin ko ring babasagin ko ang mukha ng mga tangnang 'yun sa oras na magpakita ulit sila," sabi ko habang nakatingin kay Kuya Bastian.

Hindi ako nagbibiro. Nakatatak na sa utak ko ang paghihiganti ko para sa lahat ng katarantaduhan na ginawa ng Kincaid na 'yun at ng mga kasamahan niya. Lintek lang ang walang ganti.

"Itigil mo 'yan, August. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero tatandaan mo ang katayuan mo ngayon," ani Aaron na kumuha ng atensyon ko.

"Minsan lang kayong nabigyan ng permiso at mabuti na lang na pinalagpas ito ng agency at naligtas ang pangalan ni Sebastian ngunit hinding-hindi na ito pwedeng maulit. Hindi na kayo pwede pang masangkot sa anomang gulo na kaming mga agents ang may saklaw. Kaya tumigil ka, August, dahil kapag pinagpatuloy mo 'yan, titignan ka na bilang kalaban ng batas."

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon