"Alam kong mali ang ginawang pagkidnapped sayo ni Raymond pero nakakatiyak ako na hindi ka niya sasaktan, sa ngayon dito ka muna hanggang hindi pa nakukulong ang Daddy mo.." Sabi nito na kinabuga ko.
"Ano ho bang kasalanan sainyo ng Daddy ko ha?! Wa---"
"Madami siyang atraso sa amin, lalo na sa akin!" biglang pasok nanaman ni Raymond.
"Kaya kung ikaw lang ang tanging paraan para mapakulong siya, why not." seryoso niyang sabi.
"At sa tingin mo ba papayag akong makulong ang Daddy ko dahil sa binibintang mo ha!" sigaw ko.
"Wala naman akong pakialam kung pumayag kaman o hindi..at saka anong sabi mo? Kami, nambibintang? Wala kaming binibintang!" seryoso at mariin niyang sabi sabay hawak sa braso ko ng marahas.
"Kriminal ang ama mo! Tandaan mo yan at ipasok mo sa kukute mo!" sigaw nito.
"Raymond, ano ba?! Nagusap na tayo!" saway sa kaniya ng babae at inis na binitiwan nito ang braso ko, lumabas na nga ito.
"Blythe, pakiusap lang, alam ko mahirap pero hindi ka niya sasaktan basta maki-operate ka lang.." Sabi nito at napailing ako.
"Paano ho ako makikipagoperate sainyo kung wala naman kayong sinasabi saaking dahilan! Wala akong alam sa sinasabi niyo!" sabi ko at napaupo nalang sa higaan.
"Gusto ko man sabihin pero...hindi ko alam kung kakayanin mo, eto lang masasabi ko sayo, malaki ang atraso nito sa pamilya namin...nais lang namin siyang magbayad sa kasalanan niya sa kulungan pero pinagkakait yon saamin...kaya hindi ko masisisi kung ganyan umasta si Raymond." Sabi nito na kinapikit ko. Dad, what did you do?!
______
"Aalis na muna ako, pinuntahan lang kita dito sandali, pero babalik din ako bukas." rinig kong paguusap nila kaya napatayo ako at agad lumabas.
"Aalis na ho kayo? Please naman po...wag niyo akong iwan mag-isa kasama ang kidnapper na 'to..please ho, isama niyo na po ako pauwi." Umiiyak kong pakiusap at kita ko ang pagirap ni Amon.
"Ibabalik ka din namin..pangako yan!" Sabi nito at umiling ako.
"Sige na aalis na ako...Raymond, napagusapan natin ha..pumapayag na ako dito sa gusto mo pero, wag mong tatakutin si Blythe!" Sabi nito pero hindi siya sumagot saka biglang nilabas ang baril at pinunas-punasan yun...
"Ako na hong bahala sa kaniya Nay!" Sabi nito at para naman akong aatakihin sa sinabi nito na parang sinasabi niya na any moment ay magpapaalam na ako sa mundong 'to.
Pagkaalis nga nung Nanay nito ay tumayo na ito at iniwan lang ako sa sala. Tanginang kidnapper na 'to?! Hindi ba niya alam na pwede akong makatakas dito.
Bigla naman 'tong tumigil sa pagpasok ng kwarto niya at tumingin sa akin.
"Kung iniisip mo na makakatakas ka, hindi ka magtatagumpay, bukod sa na saakin ang susi ng kotse mo, liblib din ang lugar na 'to at bago ka pa man makalabas dito ay for sure nahanap na kita." Sabi nito ng nakangisi at pumasok na nga tuluyan sa kwarto niya.
Argh! Kaya naman pala ang lakas ng loob na iwan lang ako dito. Pero hindi ako papayag, gagawa at gagawa ako ng paraan para makatakas dito.
Nag-antay ako ng ilang oras bago sinilip si Amon sa kwarto niya at natutulog na nga ito. Agad kong nakita ang bag ko kaya napangiti ako, dahan-dahan akong pumasok at kinuha 'yon.
Success!
Sabi ko sa utak ko ng tuluyan na akong makalabas sa kwarto nito. Kinuha ko agad ang cellphone ko at nang buksan ko ito ay potek na yan! WALANG SIGNAL!
Agad ko nalang hinanap ang susi ng kotse at nakita ko nga 'yon pero natigilan ako. HINDI AKO MARUNONG MAG-DRIVE! Tsngina, nakakapanghina!
BAHALA NA! Basta makatakas lang ako dito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi ako makagawa ng ingay at nang makalabas na ako ay mabilis na akong tumakbo palayo kahit hindi ko alam kung saan ba ako dapat dumaan. Walang kabahay-bahay man lang dito, sobrang dilim din.
Matagal-tagal na din ang paglalakad ko pero wala pa din akong nakikitang pwedeng pagtanungan, parang yung bahay na 'yun ang nagiisang bahay nalang na andon.
Kung hindi ko bibilisan ay baka mahuli pa ako ng kidnapper na 'yon.
Paglipas ng ilang sandali pa ay may nakita akong nagkukumpulan na mga kalalakihan kaya para akong nagdiwang.
"H-Hello po...excuse me po!" mahina kong sabi at napalingon naman sila sa akin.
"Ahmm...alam niyo po ba kung saan ako pwedeng makasakay?" tanong ko at nagkatinginan sila.
"Maglalakad kalang? Sa bayan pa 'yon ineng, aabutin ka ng dalawang oras o higit pa bago ka makarating don." Sabi nito at napapikit ako.
"W-Wala na po bang ibang way para makapunta po dun ng mas mabilis?" naiiyak ko nanaman tanong.
"Meron naman kaso gabi na ineng, wala ng trycicle sa ganitong oras." Sabi nito at napapikit ako.
"Baka naman po...AAAHHH!" napasigaw ako ng biglang may bumusina..
Ayokong lumingon. Wag kang lilingon, Blythe!
"At saan ka naman pupunta?" rinig kong tanong nito na kinapikit ko saka mabilis kumaripas ng takbo, nakalimutan ko pa na nakahigh heels pala ako kaya eto natapilok ako, natapilok na nga nagkasugat pa sa tuhod ko.
Naramdaman ko nalang na hawak na ako ni Amon at nong tingnan ko siya ay parang gusto kong magsisisi sa pagtakas ko.
"K-Kuya tulungan niyo ako!" pakiusap ko sa kanila pero tulala lang sila.
"Raymond, sino yang babae na yan?" tanong nito.
"Anak ni Montecillo." Sabi nito at napalingon ako sa kanila.
"Kuya, kinidnapped po niya ako, hindi niyo ho ba ako tutulungan?!" sigaw ko pero binuhat na ako ni Amon at saka pabalibag na pinaupo ako, as in literal na binalibag niya ako, buti nalang npahawak ako sa ulo ko.
"Hayop ka!" umiiyak kong sabi pero hindi siya nagsalita, wala siyang imik hanggang sa makauwi kami sa bahay nito habang hawak-hawak ang braso ko ng sobrang higpit.
"A-Aray...n-nasasaktan ako..ano ba?!!" sigaw ko pero mas lalo lang nitong hinawakan ng mahigpit ang braso ko, ang malala pa ay dalawang braso ko na ang hawak nito.
"Sabi ko naman sayo di ba, wag kang magtangkang tumakas! Hindi ka magtatagumpay! Akala mo ba hindi ko pinagiisipan ang mga ginagawa ko?!" mahina pero mariin niyang sabi.
"Alam mo kung anong nasa isip ko ngayon..gawin ko nalang kaya sayo kung anong ginawa ng Daddy mo sa asawa ko? Paano kung..." Sabi nito sabay tigil at may kinuha sa likod nito at yung baril nanaman niya..agad niyang tinutok sa sintido ko 'yun.
"Paano kung patayin nalang kita ngayon, sa paraan na yon tapos na! Makakaganti na ako sa Daddy mo, makulong man ako, ayos lang at least maparamdam ko sa kaniya ang mawalan ng minamahal, ano? Subukan ko sayo 'to?" tanong nito at tiningnan ko siya ng deretso.
"G-Gawin mo!" Sabi ko at pinanliitan niya ako ng mata niya.
"Akala mo hindi ko kaya?" tanong nito at inirapan ko siya at buong lakas na kinuha ko ang braso ko at naglakad palayo sa kaniya..ng makarinig ako ng putok ng baril na kinapikit ko.
Nanginginig at nanlalambot ang aking buong katawan na napatingin ako sa sarili ko pero walang tama...napatingin ako malaking white board na puno ng pictures namin ng pamilya ko pero nakapagitna si Daddy.
Doon nito tinama sa picture ni Dad ang bala ng baril.
"Second thought, mas masarap parin sa feeling na mismong Daddy mo ang papatayin ko." Sabi nito at tiningnan ko siya ng masama.
CHAPTER TWO
Start from the beginning