Tahanan

51 2 0
                                    

"Love, I missed you. Long time no see," isang ngiting pagbati ni Louis kay Heaven nang makita niya ulit ito matapos ang mahabang panahon.

"I missed you too, love," tugon naman ni Heaven kay Louis sabay yakap rito, "Pero you're not supposed to be here," dugtong nito sabay niluwagan ang pagkakayakap sa dating nobyo.

"What are you saying?" litong tanong ni Louis kay Heaven.

At ikinumpas ni Heaven ang kanyang kanang kamay at tumambad ang mga kamag-anak at kaibigan ni Louis na umiiyak.

"Many are waiting for you to wake up, love," wika pa ni Heaven.

"I know what you've been doing since I was gone. Thank you love but it's not worth it. The people who are still living should live happily and let go those people who have left them. I love you but you can go home now," mahinang wika ni Heaven habang nangingilid ang mga luha at itinuturo ang dulo ng bahaghari kung saan siya maaaring bumaba at bumalik sa kaniyang katawan.

Ilang minuto pa ang lumipas bago makasagot si Louis.

"Paano ako babalik kung 'yong tahanan na pinakamamahal ko ay narito? No. I will stay. I want to stay," paninindigan pa ni Louis.

"You've been comatose for 5 months now, love. If hindi ka pa bumalik sa katawan mo, tuluyan ka ng mawawala sa mga taong kasalukuyang nag-aalala at nagmamahal sa'yo. I hate to do this but.." wika ni Heaven sabay takip sa mga mata ni Louis.

"..ito lang ang alam kong paraan upang ipadama ang pag-ibig ko sa'yo kahit matagal na akong wala sa piling mo," dugtong pa ni Heaven habang pumapatak ang kaniyang mga luha at tuluyan nang nawala si Louis sa kaniyang harapan.

Iris [Write-a-thon Challenge 2023 - June Entry]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant