Vale's pov
"Welcome to Hacienda Vientes Mr. Winderson"
The very familiar fresh air,green forest around.....
It's so very familiar.....
"Mr. Winderson?"
"Oh sorry,I'm just.....amazed...It's relaxing by just looking at.......I can't wait to see more about this place...."naisatinig ko nalang....
Minsan talaga nakakalimutan kong bulag ako.....
Kahit hindi ko nakikita ay nalalaman ko kung ano ang mga nasa paligid ko....Natuto akong bumase sa pakiramdam ko dahil sa tulong ni L..
Ngayon pariramdam ko nasa paraiso ako base lang sa naaamoy at nararamdaman ko...
Ang napaka sariwang hangin na humahampas sa balat ko.....
"Ah tama kayo Sir,makakalimutan niyo lahat ng problema niyo rito.."sabi ng kung sino man sa harap ko....
"Hope so"sagot ko nalang...
"Let's get inside Sir Winderson?"
"Yeah sure"
Naramdaman kong lumapit siya at nag punta sa gilid ko.....
At sabay kaming nag lakad....Nasabihin na to ni Sy....
Alam niya ang ginagawa niya...
Kahit bulag ako ay ayokong ituring nila akong bulag...
Kaya hindi ako gumagamit ng tungkod o nag papaalalay sa kahit sino...
Dahil sa tulong narin ni Vy at L ay natuto akong kumilos base sa galaw ng nasa paligid ko....
Tulad ngayon ay nag lalakad kami papasok ng mansion ng mga Vientes...
May tao sa gilid ko at nag sisilbing guide ko naman ang mga yapak niya....Mahirap sa una pero natutunan ko rin sa katagalan.....
"Are you my personal assistant that Mr. Vientes got for me?"
"No sir,I'm the personal assistant of Don William,and about your personal assistant sir darating ho siya maya maya"magalang naman na sagot nito..
"Oh sorry, I thought you are"natatawang sabi ko at narinig ko rin ang mahinang tawa niya...
"It's okay sir"
"Sir nandito na tayo sa living room,maupo muna kayo dito habang inaantay si Don William,tatawagin ko lang ho siya.."
"Yeah,thank you"
"Your welcome sir"
Dahan dahan kong kinapa ang sofa na malapit sa akin at naupo.....
Ito yung pinaka ayaw ko sa lahat simula ng nawalan ako ng paningin....
Ang mag isa.....
Dahil wala akong ibang maramdaman kundi kadilimam....
Ramdam na ramdam ko rin na wala na kong silbi......
Noong una hindi ko talaga alam ang gagawin ko..
Nagising akong tanging puro kulay itim ang nakikita....
At ang masakit pa don wala akong maalala kahit isa...
Kahit sa panaginip ko wala...
Nag ka idea lang ako dahil sa sinabi nila L....
Kaya kahit papano may pinanghahawakan ako.....
Simula ng narinig ko ang lahat ng kwento nila ay parang may nabuhay din sa loob ko.