Michael at Aries: Toss coin na pag-ibig

Magsimula sa umpisa
                                    

"None Madam!" si Aries.

"Oh, nagtext na si Ms. Marie, bilisan ninyo at baka daw abutan pa natin iyong pagbisita ng anak ng gobernador sa opisina nila eh matagalan pa tayong makaalis," sabi ni Ms. Gaoiran saka pinagmamadaling kumain ang mga kasama niya.

"Anak ng gobernador? Di ba mga Villafuerte ang namumuno dito?" sabi ni Lanie, kasamahan ni Aries.

"Yes! At iyong anak na iyon ang malamang na patatakbuhin this election dahil siyempre political dynasty. Ayaw umalis or ayaw ialis sa angkan ang posisyon," komento ni Aries.

"OMG! He's so cute! Sana makita ko siya in person!" may pagbiblink pa sa matang sabi ng dalaga.

"Magtigil ka nga Lanie, mukha kang baboy na nilitson. Kulang na lang ang apple," pagbibiro pa ng binata na agad namang nakatawag ng matatalim na titig kay Ms. Gaoiran na palibhasa ay isa ring dambuhalang balyena.

"Ooops, sorry!" paumanhin nito saka tahimik na tinuloy ang pagkain.

Sa sasakyan, katabi ni Kuya Kim si Aries, kakwentuhan habang ang dalawa niyang kasamahan ay nasa likuran at natutulog.

Bilang isang public servant, taos sa puso dapat ang ginagawang trabaho gaya ni Aries - na sobrang sama ng loob ang ginawang pagsama sa pagmomonitor ng proyekto ng kanilang ahensya. Palibhasa, dapat kasi ay may lakad silang magkakaibigan sa Puerto Prinsesa pero dahil sa biglaang pagsasama sa kanya sa lakad na iyon bilang photographer ay hindi niya nagawa. Labag man sa kalooban, ay hindi siya tumutol sapagkat ayaw niyang masabihang namimili ng trabaho. Kaya mula Quezon Province at paikot-ikot sa anim nitong munisipalidad, nandito sila ngayon sa Camarines Norte para muling magpakahilo sa byahe.

"We're here!" si Ms. Gaoiran saka bumaba ng van. "Bumaba ka na Aries!" utos pa ng ginang sa binata.

"Sorry po!" paumahin ni Aries. "May ano at ang daming sasakyan? Puro media pa," komento pa ng binata.

"Ayan, sa bagal mong kumain inabutan na tayo ng anak ng congressman," paninisi ni Ms. Gaoiran kay Aries.

"Ako na naman!" bubod ni Aries. "Palibhasa matandang dalaga."

"Waaaaah!" napapatalon at napasigaw si Lanie. "Si Michael Villafuerte!" sigaw pa ng dalaga. "Bilis kunan mo ng picture," sabi pa nito saka tulak kay Aries.

"Excited? Hindi makakapaghintay?" si Aries.

"Bilisan mo," pamimilit pa ni Lanie.

"Mamaya na, dito naman papasok yan sa entrance," sabi pa nito.

"Umakyat na tayo, maiwan na muna si Aries dito sa baba para makunan si Michael," si Ms. Gaoiran. "Gandahan mo Aries! Remember dapat may touch of news photography. There must be action," paaalala pa nito.

"There must be action," sarkastikong ulit ni Aries. "Siya na magaling."

Ang pinakahihintay ni Aries, ang pagdaan ni Michael. Gaya ng ilang tao na nanduon na sa tingin niya ay media, nakikuha ng picture ang binata. Picture, dito, picture duon., lahat ng anggulo, kaunting kibot pindot ng camera.

"Pag ba naman hindi pa siya nasiyahan dito," sa isip ng binata.

"Ano boss yang ginagawa mo?" harang ng isang guard kay Aries saka hablot sa camera nito.

"Ui, that's government property! Ibalik mo sa akin iyan," sabi ni Aries saka patingkayad na inabot ang camera niya.

"Wala kang authorization para kuhaan si Mr. Villafuerte," sagot nito.

"Bakit iyong iba d'yan?" si Aries. "You're unfair!" sa mataas ng tono sa sinadyang iparinig sa ibang media para makakuha ng simpatya. "So dapat may pinipili tayo? Hindi pa ba sapat na sabahin ko sa inyong galing ako sa government office? Anung tingin mo sa akin? Don't I have the freedom?" na may diin sa salitang freedom.

Silang mga "B" (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon