Ilang minuto, dumating si Didi. Umupo siya sa tapat ni Andy at nag-usap sila. Nakipagkamay pa nga si Andy. Tapos may nagserve sa kanila at kumain na. Napansin kong parang napapaubo si Didi kaya ininom niya yung juice.

Nakita ko ang reaksyon ni Andy nang ininom ni Didi yun. Ilang segundo, nawalan na nga ng malay si Didi. At may sinenyasan siya mula sa labas. Pumasok yung foreigner na kausap niya kanina. (Nadaanan pa nga ako ng foreigner na yun)

 "Aba, aba! Saan naman nila dadalhin si Andy?" nakatutok parin ang tingin ko sa screen habang nagrreact natong si Jeff sa tabi ko.

"Manuod ka nalang."

Lumabas sila sa kabilang pinto at hindi na namin siya nakita.

"Saan nayun?" tanong ko.

"Try niyong tingnan yung cctv cam sa mga hotel rooms. Baka dinala nila yung babae dun." Suhestiyon niya kaya naman chineck namin yung cctv cam sa mga hallways at nakita nga namin yung foreigner na binubuhat si Didi at si Andy naman ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

"Paano na yan? Meron bang cctv sa loob ng rooms?" tanong ko sa kanya. Tumango naman ito.

"Ayun. Iclick mo yung room 492." Sabay turo sa screen. Icinlick ko naman yun.

Nakatingin lang kaming lahat sa kung anumang gagawin nila kay Didi. Inihiga nung lalake si Didi sa kama at naghubad siya ng tshirt niya. Hinubaran naman ni Andy si Didi pero yung pantaas lang. Napapatakip tuloy ako sa mata.

Tumabi na yung lalake kay Didi at iniharap ito sa kanya. Pumwesto si Andy sa harap ng kama na may dalang camera at ayun, nagflash pa nga. Pagkatapos non, binihisan na ulit ni Andy si Didi at may inabot siyang envelope sa lalake. That explains everything. Tama nga ang kutob naming lahat. Pagsisisihan to ni Dray at ng Andy na yun.

"Pwede bang gumawa ulit kayo ng file nito? Yung part lang sa caste verde at room 492." Sabi ko at agad namang kumilos yung tagabantay. Ilang minuto kaming naghintay at natapos na niya sa wakas. Nagpasalamat kami at naghiwalay na kami ng daan ni Jeff.

Napaisip ako. Ano kayang magiging reaksyon ni Dray kapag nalaman niya ang totoong nangyari? Mababaliw na siguro yun kakaisip kung gaano siya kagago.

Sumakay na ako sa motor ko at tumungong Kwon Enterprises. Ang pagkakaalam, nagttrain na siya dito every MWF. Wednesday ngayon kaya sigurado akong andito siya.

"Andito ba si Dray Kwon?" tanong ko sa nadadaanan kong employee. Napanganga siya sa kagwapuhan ko. Haha.

"A-Ah, o-opo. N-Nasa office of the president po."

"Thanks." Kumaripas ako ng takbo papunta dun sa office kuno. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa boom karakaraka. Pumasok na ako ng walang katok katok. Pero ang panget ng nadatnan ko. Nakaupo lang naman si Andy sa table ni Dray tapos relax na relax pang nakaupo yung mokong sa swivel chair.

"What the fck, Enzo?! Don't you have manners??"

We Got Married By Accident [DaraGon][Completed][Season1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon