"What if it does?"

Saglit na natigilan si Laby sa pagsasara sa huling butones sa ibaba at sinalubong ang tingin ni King. Binasa pa niya ang reaksyon nito para malaman ang ibig nitong sabihin pero kalmado lang at malamig ang tingin nito sa kanya.

"Iniisip mo pa rin bang magagamit mo 'ko para makuha ang bioweapon?" mapanghusgang tanong ni Laby at tinapos na ang pagbibihis saka tumapak paalis ng shower.

"Bakit mo kailangang sayangin ang buhay mo para sa mag-asawang 'yon?"

Napahugot ng malalim na hininga si Laby at nagdire-diretso lang ng lakad. Hindi na inabalang sagutin ang tanong ni King.

"Alam mo bang nanghihinayang kaming lahat sa kahihinatnan mo pagkatapos ng larong 'to."

Binalewala na naman iyon ni Laby na lalong ikinairita ni King kaya bago pa siya makalampas dito ay hinatak na nito ang braso niya saka siya marahas na hinatak paharap dito para makapag-usap sila nang masinsinan.

Parehong nakakunot ang noo at salubong ang kilay ng dalawa nang magsalubong ang matatalim na tingin.

"This is too much, Etherin," pabulong nang sinabi ni King at napalitan ang nagagalit na tingin ng awa. "I wanna know where's that kid."

Umiling si Laby. "You can't have the bioweapon, Havenstein."

"But that kid is mine," mariing sinabi ni King. "That kid is ours. Stop lying to everybody."

Napalunok si Laby at napapikit-pikit habang pilit na hinuhugot ang hininga niyang tila pinigil ng mga salitang iyon sa lalamunan niya. Pilit niyang inawat ang panginginig ng labi at kinagat iyon nang mariin.

"Iniisip mo bang diyos ka, hmm?" pigil na pigil na sinabi ni King, sinusubukang huwag magtaas ng boses. "Na paglalaruan mo ang lahat ng buhay na kaya mong gawin dahil lang alam mong kaya mo silang palitan?" Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Laby. "Na kahit sarili mo, isasakripisyo mo. Na sasalo ka ng bala para lang sa isang walang kuwentang chamber, magawa mo lang ang gusto mo?"

"Hindi mo 'ko kahit kailan maiintindihan," nanginginig na sinabi ni Laby.

"Sinubukan kong intindihin ka!" Hindi na napigilan pa ni King na magtaas ng boses habang pinandidilatan ng mata ang kausap. "I was asking myself, why me? Why it has to be me? Why not Ran? Why not Sam? Or even Richard Zach. I want to know why!"

Sinubukang alisin ni Laby ang kamay ni King na nakahawak sa braso niya kahit na walang lakas na lumapat ang palad niya sa kamay nito.

Ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon dahil babagsak ang sagot sa kasagutang hindi magugustuhan ni King. Wala siyang ibang maisasagot dito kung bakit niya ito napiling maging ama ng bioweapon.

"Get your hands off me," mahinang pakiusap ni Laby habang paisa-isang tumutulo ang luha sa mga mata niya.

"Kahit ngayon lang, hindi mo ba kayang magsabi ng totoo?" nanghihinayang na tanong ni King.

"There are things that are better be left unsaid."

"You used me," ani King na parang iyon na ang sagot na gusto niyang manggaling kay Laby. "You're worst than all of the guild's living demons. You're just a liar, faux god on Earth playing with our lives."

Natigil ang pag-alis ni Laby ng kamay ni King sa braso niya. Nanatili lang ang palad niya roon habang nararamdaman ang mainit na kamay ng lalaking mahigpit na nakakapit sa braso niya. Sa sobrang bigat ng nararamdaman niya, humugot na lang siya ng hininga at tumingala para patigilan ang luha niya sa pagtulo bago ilipat ang tingin kay King.

"I deserved all of my pains," maluha-luha niyang sinabi sa lalaki. "I deserve my punishments, and I committedly accepted the truth that I can't be with the people I love because I don't deserve them." Pinunasan niya agad ang bagong luhang tumulo sa pisngi niya. "Bakit ikaw? Bakit hindi si Ran? Bakit hindi si Sam? Bakit hindi si Josef? Hmm?" Unti-unti niyang naramdamang lumuluwag na ang pagkakahawak ni King sa kanya. "Kasi wala kang pakialam. Wala kang pakialam sa 'kin o sa kahit anong mangyayari sa 'kin, pero sila, oo. They cared too much and I can't be with the people who care a lot about me. That's why it had to be you."

Doon lang bumitiw si King sa kanya. Wala siyang ibang mabasa sa mga mata nito kundi kawalan. Hindi galit, hindi masaya, hindi naiinis. Blangko, walang mensaheng ipinararating.

"Huwag ka nang umarte na parang may pakialam ka sa 'kin at sa batang hinahanap mo dahil alam kong pareho lang tayong naggagamitan dito," huling salita ni Laby at akmang lalabas na ng banyo nang pigilan na naman siya si King.

Ngunit imbis na hatakin ulit siya at ipinalibot lang nito ang kaliwang braso patawid sa balikat at marahang ipinatong sa ibabaw ng dibdib niya. Naramdaman na lang niya ang mainit na hininga nito sa kanang tainga niya.

Iyon na naman ang hininga niyang saglit na huminto at gumapang ang kilabot sa buong katawan niya. Nakuyom niya ang magkabilang kamao habang natitigilan. Napapikit siya habang nagmamakaawa sa sariling puso na huwag tumibok nang malakas dahil alam niyang mararamdaman iyon ni King.

"Sana alam mo kung gaano kahirap magpanggap na wala kang pakialam sa taong wala ring pakialam sa 'yo," mahinang sinabi ni King at saka siya binitiwan. Ito na ang naunang lumabas ng banyo bago siya.

Napapikit na lang siya nang mariin habang pinupunasan ang mga luha niyang walang tigil sa pag-agos sa mga sandaling iyon.


Hunting Project: ZONE (Book 9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon