NAGISING ako dahil sa kamay na humaplos sa noo ko pababa sa pisnge ko. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon.
Nakapikit pa rin ako habang iniisip kung nasan ako at kung anong nangyari after kong mahimatay.
Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko at alam kong kung pipilitin kong isipin ang nangyari kanina ay maiiyak ako.
"Bleu.." automatic kong naidilat ang mga mata ko nung marinig ko ang boses na yon.
Agad ko siyang nakita..
Nag-aalala ito habang nakatingin sa'kin..
Ramdam ko talaga ang pag-aalala at kahit pa nakangiti siya ay halatang nalulungkot din siya.
Nakatitig lang ako sakaniya at ganon din siya.
Unti-unting nawala ang ngiti niya nung makita ang nanlalabo kong mga mata dahil sa luha.
Hindi ko na napansing umiiyak na pala ako habang nakatingin sakaniya. Namalayan ko nalang na itinayo niya 'ko at niyakap ng mahigpit.
Pilit niya 'kong iniaalo pero hindi natinag ang luha ko. Iyak lang ito ng iyak一tila nagsusumbong tila may gustong ipahiwatig sakaniya.
I wrapped my arms around him too. I felt really comfortable.
Its warm.
Its really warm that I think it melts my cold heart.
Its really warm that it makes me want to cry even more.
Its really warm that It makes me want to be locked on his arms.
"Shh.. You're gonna be alright." pang-aalo niya sa'kin pero mas lalo lang akong napaiyak nun.
Masakit sa dibdib. Parang paulit-ulit na tinutusok ang puso ko ng isang matalim na maraming karayom.
Parang nanumbalik ang mga itinatago kong nararamdaman. Isa isa silang nagsisilabasan.
"Bleu.." maingat akong inilayo ni Lucas sakaniya para tignan ako.
Napailing ako at muli siyang hinigit para yakapin.
Nakasandal ako sa dibdib niya. Rinig ko rin ang lakas ng tibok ng puso niya一maaring dahil hindi niya rin alam ang nangyayari sa'kin.
"Lucie.. B-Bakit? B-Bakit ngayon ko u-uli siya nakita? B-Bakit ngayon p-pa k-kung kailan a-ayos na k-ko? B-Bakit ngayon pa k-kung kailan n-nagiging m-maayos n-na 'ko?" Sa gitna ng pag-iyak ko ay sinabi ko yun. My voice cracked because I'm having a hard time saying those words.
I'm having a hard time expressing the words that I want to forget.
"Bleu.." Tawag niya uli sa'kin.
"Lucie.. Bakit siya bumalik? Bakit siya nagpakita?! Bakit.. Bakit ngayon lang?" napapikit ako. Idiniin ko ang mukha ko sa dibdib niya tila nagtatago sa katotohanang after 11 years, nakita ko na naman ang taong 'di rin ako makapaniwalang sasaktan ako.
Bakit ba kasi ganon 'no?Yung mga taong ineexpect mong nariyan lagi sa tabi mo ay ang mga taong sasaktan ka pala talaga?
Yung mga taong akala mo'y magiging comfort at protector mo ay sila pa pala ang mananakit sa'yo.
Katulad ng tatay ko. Nang sarili kong tatay.
Funny isn't? Na ang tatay at ang kaibigan ko ang unang-unang mga tao na nanakit sa'kin.
Mga taong akala ko nariyan lang sa tabi ko kasi akala ko ay may halaga ako pero wala pa rin. Peste, bakit ganito na naman?
"Bleu.. I'm sorry." natigil ako sa pag-iyak nung marinig yun.
Chapter eight.
Magsimula sa umpisa