"Hoy Adriana!" sigaw sa akin ni Gio na may hawak na bola. Akmang kukunin ko iyon ng itaas niya iyon.

Nahiya ang height ko.

Nakita ko ang pag-alis ng grupo ni Virales. Buti naisip niya iyon baka batuhin ko siya ng bolang makikita ko sa paligid.

"Yari ka!" si Gio.

"Ano'ng yari?! Eh siya nga itong nauna!" inis kong sabi.

"Tara na nga sa classroom, hindi naman ata mapapansin ni Mr. Mapeh na wala tayo." aya niya. Sumunod nalang ako sa kanya.

Sirang-sira ang araw ko. Masakit parin ang braso ko dahil sa bolang iyon.

Nagpunas lang ako ng mukha ng makarating sa classroom. Tiningnan ko rin ang braso ko kung may sugat ba. Namumula lang iyon kaya sinubukan kong hilutan, nagbabakasakaling mababawasan ang sakit pero lalo lang lumala iyon. Napa-aray nalang ako.

"Ano 'yan?! Pulang pula!" si Gio at hinawakan ang braso ko na kaagad kong hinila sa kanya.

"Masakit na nga hahawakan mo pa." inis kong sabi sa kanya.

"Lagyan natin ng band-aid." asar niyang sabi. Mukha bang magagamot ng band-aid ang pagkamula ng braso ko?!

"Samahan mo 'ko sa clinic." sabi ko sa kanya.

Sinamahan nya ako sa clinic. Nakasabayan namin ng lakad ang grupo ni Virales. Ginilid ako ni Gio para pumigil kung sakaling magkaroon ng round 2 awayan dito.

Pinagpahinga ako sa clinic at pinabalik sa classroom si Gio. Nakaupo lang ako sa kama ng clinic at hindi ginagalaw ang kaliwang braso ko.

"Uh, miss. Pinabibigay nga pala ni Mr. Perez baka daw magutom ka dito." paglapit sa akin ng isang babae. Tumingin ako dito. May hawak siyang softdrink, tubig at siomai rice.

MJ Villadar.
VII - Makadiyos.

"Thanks." pagpapasalamat ko at tinanggap ang pagkain at inilagay iyon sa kama.

"MJ, right?" paninigurado ko sa babae. Nagulat siya at tumango nalang. "Na sa akin pala yung Red Cross ID mo, nalaglag sa notebook mo nung mabangga mo ako." sabi ko sa kanya. She looks surprised when I said that. Hindi niya ba ako natatandaan?

"Kaso nasa bag ko iyong ID mo, Pupunta nalang ako ulit dito para ibigay iyon sa 'yo." sabi ko sa kanya.

"T-Thank you so much. Hinahanap ko 'yon sa pages ng notebook ko pero wala." aniya. "Pinagbigyan lang ako ng President namin sa Red Cross dahil kailangan ako ngayon dito sa clinic." dagdag niya pa.

"Thank you so much po talaga!"

Nginitian ko lang siya. Iniwan niya ako ng tawagin siya ng kasama niya. Kumain nalang ako ng siomai rice at uminom ng softdrink.

"Dito po, Mr. Virales."

Natigilan ako ng marinig ang apelyidong iyon. Tumingin ako sa gilid ko at nakita si Virales na inaaalalayang umupo sa monoblock na upuan sa harapan ko. May hawak na ice pack at nakalagay sa braso. Bakit ako walang gano'n?

Two little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon