"So.. you're a virgin?" tanong nito. "Oo, NBSB ako" sabi ko pa. Parang hindi naman ito makapaniwala. "With that face? You haven't have any boyfriend?" tanong nito. "Oo. Hindi pa kasi ako handa eh" ang nasabi ko nalang rito. "Pero do you have manliligaw naman?" tanong pa nito. "Oo, nirereject ko na lang silang lahat, ayaw ko pa kasi talaga at hindi ako handa. Pero.." sabi ko naman sa kaniya. "Pero what?" paguudyok niya sa akin. "Ngayon meron na" pag-amin ko rito na nakayuko at parang nahihiya. "Really? Who?" tanong nito na hindi ko maintindihan ang tono, excited ba o ano. "Mangako ka muna na hindi mo sasabihin sa iba" turan ko rito. "Okay" pagsang-ayon niya with matching tango pa.
"Si Sir Juancho at si Sir Nathan" sabi ko rito na ikinagulantang niya naman, "Whaaat?" tinignan niya lang ako para kumpirmahin kung tama ba ang pagkakarinig niya. Tumango naman ako sa kaniya. Napa "oh" na lang ito at napatingn sa kawalan. Hindi ko naman mabasa ang emosyon sa mukha niya, parang may pinagdadaanan siyang kung ano sa isip niya dahilan ng pagka tahimik niya. Hinayaan ko nalang siya mag-isip at baka inaabsorb pa niya ang bagong impormasyong nalaman niya.
"Gabriel?" rinig kong tawag sa akin ng nanay ko sa medyo kalayuan. "Nay! Narito po ako" pagtawag ko naman rito. Lumapit naman sila sa akin kasama si tatay. "Uuwi na tayo anak. Uy ikaw pala iyan Sir Javier, happy birthday ho" pagbati naman ni tatay sa katabi ko. Kapwa kami napatayo ni sir Javier saka siya nagpasalamat. "Tayo na anak, Sir mauna na po kami, maligayang kaarawan ho" sabi naman ni nanay saka sila naunang maglakad ni tatay. "Sunod po ako 'nay" pahabol na sabi ko rito. "Bye sir, mauna na po ako, hiling ko na sana ay mahanap mo na ang kasagutan sa mga tanong mo" sabi ko rito saka ako umisang hakbang.
"Ah, Gabriel, pwedeng isang birthday wish na lang? Pwede mo ba akong Samahan sa Carmen, bukas?" tanong nito. "Aba'y namumuro ka naman yata ng birthday wish mo sir" natatawang sabi ko rito saka siya natawa rin. "Sige na, please?" pagmamakaawa pa ng loko na parang nagpapaawa sa nanay niya na bilhan siya ng tsokolate. Dahil may dinaramdam ito, at bilang kaibigan na rin, tmango na lang ako bilang tanda ng pag sang-ayon ko sa kaniya. "Thank you" sabi nito. Lumapit naman ito saka siya yumakap, ng mahigpit. Napayakap na lang rin ako rito saka ako nagpaalam na sa kaniya.
Linggo ngayon kaya wala kaming trabaho. Ngayon iyong napag-usapan namin ni Javier. Sumama daw ako sa kaniya sa Carmen. "May lakad ka ba ngayon anak?" rinig kong tanong ni nanay nang makita akong palabas ng aking kwarto habang nakasabit ang tuwalya sa aking braso. "Opo nay, inaya po ako ni Sir Javier, samahan ko daw siya sa Carmen" ang sagot ko naman rito sabay upo sa hapagkainan dahil kakain na kami. "Ganoon ba, o sya kumain na tayo" sabi ni nanay saka kami nagdasal tapos ay kumain.
Nakaharap na ako ngayon sa salamin at kasalukuyang tinitignan ang aking repleksyon. Tinatanaw ko kung okay na ba ang itsura ko. Nakasuot ng kulay puting over-sized shirt at blue maong shorts ang lalaking nakikita ko ngayon sa salamin. Litaw na litaw ang kaputian ng aking balat sa suot ko kaya naman naglagay ako kanina ng sunscreen. Bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin noon ni Jelly. "Hindi ka naman maganda, maputi ka lang" sabi nito.
Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan sa labas at bumusina ito kalaunan ng mapatay na ang makina. Isang sipat ulit sa salamin ang aking ginawa at nang makitang ayos na ako ay agad na akong lumabas ng bahay. Nagpaalam naman ako kila nanay at tatay na kasalukuyang nasa labas. "Mag ingat ka anak" sabi ni tatay na tinanguan ko naman. Matapos magmano sa kanila ay dumiretso na ako sa gate kung saan nakita ko ang isang baby blue sport car. "Wow, Ferrari?! Ang ganda naman nito" ang nasabi ko sa aking sarili sa sobrang hanga ko sa ganda at sa mahal ng sasakyan.
Lumabas dito si Sir Javier na mas nakakahang naman ang kagwapuhan. Nakasuot ito ng blue polo shirt at white pants na pinaresan naman ng black belt, black chunky shoes, at naka shades pa. Napakagwapo niya sa kaniyang suot. Ngayon ay convinced na talaga ako na kamukha niya si Luke Voyage. Ibinaba niya ang kaniyang shade saka ko nakita ang kaniyang simgkit na mata na tinitignan ako saka siya napangiti. "God, you're so beautiful" naging turan nito. Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya kaya ako nag blush. Binubulgar talaga ako nitong cheeks ko kapag kinikilig ako tapos ayaw ko pang magpahalata. "Ang gwapo niyo rin po" sagot ko naman rito saka niya ipinakita ang kaniyang million dollar smile.
BINABASA MO ANG
Hacienda del Salvador
RomanceIsang binatang pinangarap na umahon sa kahirapan, binatang ginawa ang lahat ng makakaya, pero isang pagsubok ang dumating. Bigo syang makapasa bilang isang agriculturist. Sa hindi ina-asahang pagkakataon, ito pa pala ang mag dadala sa kaniya sa luga...
VEINTICINCO: Compromiso con el Centro Comercial
Magsimula sa umpisa