"Sino?"
Napalingon ako sa likod ng marinig ang boses ni Lexer. Lumilingon-lingon ito sa paligid at para bang may hinahanap. Tumaas ang kilay nito ng makitang nakatitig lang ako.
"Ikaw. " Nagtatanong ang tingin nito sa akin. "Akala ko umalis ka na."
Ngumiti ito at inabot ang isang paper bag. Kinuha ko iyon at tiningnan ang laman, isa iyong maroon dress. Tumikhim si Lexer bago nagsalita. Hindi ko alam kung anong klase ang gusto mo kaya nagpatulong ako sa kapatid ko.
Tumawa ako. "Parang kilala ako ng kapatid mo ah alam niya ang style ko." Pinagmasdan ko ang dress, simple lang ito pero maganda. "Pati paborito kong kulay parang alam niya. "
Nag-iwas lang ng tingin si Lexer at dahang naglakad palayo.
"Saan ka pupunta? "
Hindi ito sumagot at patuloy lang na naglakad. Sumunod na lang ako hanggang sa makarating kami sa isang tree house. Hindi siya kalakihan pero maganda, simple ang disenyo pero elegante ang dating. Humakbang siya sa hagdan paakyat roon at pinagmasdan ko lang siya hanggang sa marating niya ang bukana ng pinto.
Nilingon niya ako. "Ayaw mo bang umakyat?"
"Ha?" Agad naman akong sumunod sa kaniya. Binuksan niya ang pinto noon at nauna akong pumasok. Wahh! "Ang ganda."
Naupo siya at inayos ang maliit na mesang natitiklop. Kinuha niya rin ang basket na tingin ko'y pagkain ang laman. Isa-isa niyang nilatag sa mesa ang iba't ibang klase ng kakanin at cookies. Mayroon ding maliliit na cupcake at maliit na cake. Pinagmasdan ko lang siya habang inahahanda ang mga iyon.
"Ikaw ang may gawa niyan? " tanong ko.
Tinapunan niya ako ng tingin bago tinapos ang pag-aayos "Nagpatulong ako kay Ina."
"Talaga? " Tumango lang siya. Inabot niya ang maliit na kandila, inilagay sa cake at sinidihan iyon.
Cute.
"Happy Birthday Sally."
Mariin akong pumikit at nagwish. Hinipan ko ang kandila at ngumiti sa kaniya. "Salamat." Isa isa kong tinikman ang mga inihanda niya. Ang sarap, hindi iyon katulad ng mga nabibili lamang na kakanin sa labas.
"Hindi ko alam na magaling ka pa lang gumawa ng mga ganito. Ang sarap!" papuri ko sa mga pagkaing kasalukuyan naming pinagsasaluhan.
"Paggawa ng ganito ang nakasanayan namin ni Ina kapag nabuburyo kami sa bahay. Mabuti naman at nagustuhan mo."
Tumango-tango ako. "Bakit hindi ko isama ang kapatid mo minsan? Mamasyal tayo sa lungsod. "
Mabilis lang ang naging paglingon niya sa akin dahil muli niyang ibinigay ang pansin sa kinakain.
"Hindi kami maaaring makitang magkasama."
"Ganoon ba?" Nakakadismaya naman. " Kung gayon sa tahanan niyo lang kayo nagkikita? "
" Hindi naman, may nga lugar na lang na hindi dapat namin puntahan ng magkasama. "
Hiniwa niya ang cake at binigay sa akin ang isa sa parte noon. Nagpasalamat lang ako sa kaniya at kinain 'yon. Tahimik na lang namin naubos ang mga pagkaing dala niya dahil hindi na ako nagtanong muli. Wala rin naman siyang balak magsalita kaya naging ganoon na lamang ang naging sitwasyon namin.
Inayos niyang muli ang lahat sa basket na pinaglagyan noon kanina. Inaya ko rin naman siya pabalik sa talon dahil gusto kong pagmasdan ang kagandahan noon. Naupo lang kami sa malaking bato at pinagmasdan ang nga tubig na nahuhulog mula sa taas.
"Kamusta pala ang pakiramdam mo?" bigla niyang bukas sa usapan.
"Ayos naman." Tumango-tango lang siya na para bang natutuwa siyang marinig ang sago kong iyon. "Ngunit wala talaga akong matandaan. Bakit ako nawalan ng malay?"
YOU ARE READING
SHADE OF YOU:The Secret of Darkness
VampireAng mundong hindi sakop ng mapa. Maraming nagmamasid na mga mata. Pagkakamali ang manatili sa dilim. Kasalanan naman kung tatawirin. Ang pag-ibig niya'y hindi maaari. Dahil kailanma'y hindi nagsama ang dilim at liwanag. Kuryosidad ang papatay sa lah...
SY-XXIV
Start from the beginning