END OF FLASHBACK



"Hoy Brace!" bigla akong sinigawan ni Alexa at muling nabalik sa realidad.


"Uhmm, ano ngang sinasabi mo?"


"Sabi ko, kung may alam ka tungkol sa lovelife ni Nash. May naging ex na ba siya?" oo Alexa. At kausap na niya yun kanina. Pero hindi ko sinabi yan, instead, nagsinungaling ako at nagpanggap na walang alam. "Wala akong alam. Pero parang ikaw naman yata first nun."



Nakita ko naman ang saya sa pagngiti ni Alexa. Ganyan ka na lang palagi ah. Lagi ka dapat nakangiti. Kahit hindi ako ang dahilan ng pagngiti mo.


Nakatingin pa rin kami sa langit ng may dumaang shooting star. Agad namang napatayo si Alexa sa saya at nagsalita


"Uy shooting star oh! Make a wish!"



Pinikit namin ang mga mata namin at maya maya ay iminulat ko na mga mata ko. Nakita ko naman na nakatingin sakin si Alexa at ngiting ngiti. That smile tho. You're driving me crazy.


"Ikaw ah! Tagal mo nagwish! Pwede ko bang malaman yan ha?!" tinusok tusok nito ang tagiliran ko at natawa naman ako.


"Ini-wish ko na sana... Maging masaya ka." tiningnan ako nito at nagsalita, "Ako lang talaga?!" agad ko din namang binawi yun upang di niya ako mahalata.


"Maging masaya ka, ako, sila. Lahat ng mga mahal ko sa buhay. Happiness."



Bigla nitong pinisil ang pisnge ko at tumawa. "Ang sweet naman! Cute cute mo talaga, dimples oh!"


Kinikilig na ako dito grabe. Feeling ko namumula na pisnge ko, buti na lang di niya ito nakita.


Pinisil ko din ang pisnge nya. "Mas cute ka kaya! Hahahaha!"



Bigla itong yumapos sakin at may sinabi.


"Brace, thank you for being there for me always ah. Thank you for this day. Super nag-enjoy ako!" hinigpitan nito ang yakap at nagsalita ulit, "I love you, couz!"


Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko noong sinabi niya yun. Di ko alam kung dapat ba akong maging masaya o hindi.


"I love you too.... pinsan."


Sana di na lang natapos ang araw na 'to. Pero imposible.



At hinatid ko na siya pauwi.


Off Cam [NashLene]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon