Chapter XXIII: Philia

Magsimula sa umpisa
                                    

In the distance, I could make out the figures of my friends—Ehann, Oliver, and Alistair—waiting for us at the lake's edge. Oliver, in his usual exuberance, waved his hand mid-air, attempting to catch our attention amidst the serene ambiance.

The surroundings exuded an almost magical allure, with lush foliage framing the crystal-clear lake, creating a picturesque view that seemed plucked from the pages of a fantastical tale.

"So that's why they had us bring those decorations. They're actually building a treehouse. It's almost finished." I exclaimed with a spark of realization.

The pieces started coming together as I observed the materials we were asked to bring turning into the structure of a magical treehouse, the enchanting project nearing its completion.

"Paano tayo makakaakyat sa itaas?" tanong ko habang tinatanaw iyon.

Napakataas niyon dahil itinayo ito sa rurok ng puno ng Emberwood. Bukod sa higanteng sukat ay napakatibay din ng puno kaya hindi ako nangangamba sa seguridad. Iyon nga lang, namomroblema kung papaano makatutungo sa itaas. May lahing unggoy lamang siguro ang makararating sa tuktok niyon or 'yong may mga pakpak.

"This tree has its own spirit. I don't know how it happened; Ehann just mentioned it to us. It seems like a habit for him to speak to himself, then suddenly it answered, so that's how he found out it can speak." he said seriously.

"And then?" Morgan curiously asked.

"You say its name, and it will appear. You command that you're going up, and it'll return one of its branches for you to climb on, then it will take you up." Oliver explained.

"What's its name?" I inquired.

"Burikat."

"WHAT?!" the three of us exclaimed simultaneously.

"It's Buricut, B-U-R-I-C-U-T. You say, 'Buricut appear!' and your hands must be placed against the tree. Try it together, all at once." Oliver said.

Although hesitant, we followed his instructions.

"BURICUT APPEAR!" we shouted while our palms were against the tree.

Nothing happened except for a burst of laughter from Oliver behind us.

"Mga uto-uto! Naniwala nga HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

"OLIVER!!" sigaw namin sa kaniya.

"Joke lang kasi, haha.. Seryoso na, katok kayo ng tatlong beses sa puno tapos sabihin ninyo ang salitang 'Sherbet Lemon'. A door will appear. May staircase doon pataas." sabi niya.

"Ikaw ang gumawa, tutal ikaw ang may alam." sabi ni Morgan.

"Right, baka mamaya pinagtitripan mo naman kami." sang-ayon ko.

"True na 'to, ayaw maniwala." si Oliver bago kinatok ang puno ng tatlong beses. Pagkasabi niya ng salitang 'Sherbet Lemon' ay unti-unting lumitaw ang pinto. Pumasok kami sa loob niyon at mayroon ngang hagdanan. Naka-circular ito na para bang umaakyat kami sa isang lighthouse.

Nang makarating kami sa tuktok ay bumungad sa amin ang napakaraming kalat. Hindi tuluyang maitsurahan ang treehouse dahil sa mga kagamitan na nakalagay sa sahig  pero malawak ito at tiyak na magandang pagtambayan.

"Buti dumating na kayo. Tamang tama dahil tapos na kaming mag-ayos. Ligpitin na ninyo ang mga kalat dahil sunod na ilalagay ang mga dekorasyon na dala ninyo, Morgan." utos ni Alistair sa amin.

"Ang aatat ninyo kasi umakyat, napaglinis tuloy tayo." sisi pa ni Oliver habang nagdadampot ng basura.

Kinuha ko ang walis upang linisin ang sahig samantala inalis namin ni Penelope ang mga alikabok na nasa pader. Ibinigay ni Morgan ang mga dala-dala naming pandekorasyon. Puro ito Christmas decor dahil ilang tulog na lamang at nalalapit na ang pasko. Inabot kami ng isang oras bago tuluyang natapos sa paglilinis at paglalagay ng mga gamit.  Ngayon ay akin nang nakikita ang kabuuan ng tree house.

Hurnorth: School of Witchcraft and WizardryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon