"What? Why?"
"He wants us to talk."
"And?"
"Ang kulit-kulit! Lasing na lasing kasi! Hindi ko nga alam kung bakit lasing na lasing 'yon samantalang late na siyang dumating at kanina niya pa ako kinukulit. Ayokong mag-away kami rito."
"Just talk to him."
"What?"
"Just talk to him. Lalo ka niyang kukulitin kapag hindi mo pa kinausap."
Nagsalubong ang mga kilay niya. Ang inis para sa kaibigan ay nahahati at napupunta sa nobyo.
"Why are pushing me to him?"
"What? No, Lauri. I'm not doing that. Sinasabi ko lang na you could talk to him para tumigil na siya sa pangungulit."
Hindi agad naalis ng paliwanag nito ang inis niya.
"Bakit, ikaw, kapag ba ayokong makipag-usap sa 'yo ay pipilitin mo 'ko?" Hindi niya napigilan ang ihalo ang inis sa pananalita.
"It depends on the situation, Lauri. Pero lamang ang hindi at pipiliin kong hintayin na gusto mo na akong makausap."
"See? Dapat ganoon siya. Magpahulas siya at kakausapin ko siya. Hindi 'yong maglalasing siya at ako ang bu-bwisitin niya nang bu-bwisitin."
"Okay, love. Calm down, hm?'
Nahigit niya ang hininga at marahas na ibinuga iyon. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang makipag-away kahit kanino, lalong lalo na sa nobyo.
"Makakapunta ka pa ba rito?" mahinahon ng tanong niya. Kapag naroon na ito ay tiyak na hindi na siya kukulitin ng kaibigan.
"Oo naman. Bakit ang hindi?"
"Baka kasi pagod ka na sa work."
"Pupunta ako, Lauri. Pero mayamaya pa dahil may tinatapos pa ako."
Nalingon niyang muli ang pinto nang marinig niya ang katok kasabay ng nagmamakaawang boses ni Daniel, "Lauri, please talk to me."
"Si Daniel ba iyon?"
"Oo. See? Ang kulit niya!" Tinaliman niya ng tingin ang pinto. Kung laser lang ang mga mata niya ay baka nabutas na iyon at tumagos sa katawan ni Daniel na patuloy ang pagtawag sa kanya.
"Where are you?"
"Nasa room."
"Ang mga kaibigan mo?"
"Nasa ibaba."
"Lumabas ka kung makikipag-usap ka sa kanya. Huwag sa kwarto."
"I know." Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Parang napapagod siya hindi sa pagpaparty kung 'di sa pangungulit ni Daniel.
"Okay, baby. Hintayin mo ako at may tinatapos lang ako."
"Okay. Mag-iingat ka."
"Thank you, love."
Pinatay na niya ang tawag. Patuloy pa rin si Daniel sa pagkatok at pagtawag sa kanya. Naihilamos niya ang kamay sa kanyang mukha.
YOU ARE READING
Keep Me Close
RomanceKung magkakaroon lamang ng pangalan ang salitang hate, that would be Lauri Jade Santillan. She hates everything about Isaak Villavor, ang saksakan sa kagwapuhan na pulis. Ngunit pagkatapos ng isang gabi ng kapahamakan na hindi siya nito iniwan, keep...
Chapter 20
Start from the beginning