"Ano?" naiinip niyang tanong.
"Sorry." 'Yun lang ang tangi kong nasabi.
Huminga ulit siya ng malalim. Magsasalita na ulit siya nang pumarada ang kotse nila sa harap namin. Tinatawag na siya ng mga magulang niya.
"Sa chat na lang tayo mag-usap," malamig niyang sabi.
Tumango lang ako at pinanood siyang sumakay sa kotse nila. Seryosong tumingin sa'kin ang mga magulang n'ya bago itinaas ulit ang bintana. Nanatili lang ako sa waiting shed hanggang sa maka-alis ang kotse.
Nagpakawala ako ng hininga at sinandal ang ulo ko sa pader ng waiting shed. Tumingin ako sa langit habang iniisip ang lahat ng nangyari sa pesteng araw na 'to.
Alam kong ayaw sa'kin ng mga magulang nina Rachel kanina. Mabait lang siguro sila kaya wala silang sinasabi, pero halata naman sa mga mata nila. Kitang-kita ko na ayaw nila ako para sa anak nila.
Hindi ko naman sila masisisi. Hindi ako kasing-yaman nila, at parehas wala na ang mga magulang ko. In short, magulo ang buhay ko at alam kong ayaw nila nang ganoon para kay Rachel.
Ang dami talagang tumatakbo sa isip ko ngayon. Katulad kung posible kayang magka-syota ako ng hindi nawawala si France sa'kin? Kasi kung palagi lang rin naman akong papipiliin, tatanda na lang siguro ako na binata.
Kahit kailan, hindi ko nakita ang sarili ko na pipiliin ang iba kaysa kay France. Masyadong espesyal ang tao na 'yon para mawala sa buhay ko.
Iwan na ako ng lahat, huwag lang si France. Hindi ko kaya.
Nang dumidilim na ay sumakay na ako ng tricycle at umuwi. Sobrang nakakapagod ng araw na 'to, kaya habang pauwi ay hinihiling ko na payapa ang bahay namin ngayon. Kaso ginagago ata ako ng tadhana. Pag-uwi ko sa'min, nakita kong lasing na naman ang tiyuhin kong magaling.
"Nandito na pala ang paborito kong pamangkin, e!" gumegewang-gewang niyang sabi. Nag-inom na naman siguro 'to habang nagsusugal.
"Wala akong pera." seryoso kong sabi at nilagpasan siya. Nagmano ako kay Tiya Bessie bago nagpaalam na pupunta na ako sa kwarto ko. Hindi ko na pinansin ang tito ko kahit ilang beses niya akong tinatawag. Naroon naman si Tiya Bessie, kaya na niyang pakalmahin 'yon.
Pagpasok ko ng kwarto, sumalubong sa'kin ang kapatid kong si Thunder. Abala ito sa panonood sa cellphone ni Tiya ng cartoons. Anim na taong gulang siya ngayon at pumapasok na bilang Grade 1.
Agad siyang tumayo mula sa kama nang makita niya ako. Tumalon-talon pa siya sa kama habang nakabukas ang mga bisig niya. Ngumiti ako at niyakap siya.
"Kamusta?" paggulo ko ng buhok niya.
"Ayos lang po, Kuya!" masaya niyang sabi.
Binuksan ko ang backpack ko at inabot sa kanya ang car toy na nabili ko lang sa gilid ng school. Hindi talaga ako masyadong gumastos kanina para mabili 'yon.
"Wow! Thank you, Kuya!" Kinuha niya ang laruan mula sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.
Ngumiti ako ng malapad at pinisil ang pisngi ni Thunder. Isa ang masayahing mukha ni Thunder sa nagpapagaan ng loob ko. Basta makita ko siyang masaya, ayos na rin ako. Ang cute-cute niya.
Namana niya siguro sa tatay niya ang pagkakaroon ng chubby cheeks dahil hindi naman matambok ang pisngi ng nanay namin. Singkit din siya kaya ang tawag namin sa kanya minsan ay 'Paopao' in short for Siopao. Malayong malayo ang itsura niya sa pangalan niya na Thunder Zachary Natividad.
Magkaiba kami ng tatay ni Thunder pero parehas naming hindi kilala ang tatay namin. Nabuntis si Mama ng tatay ko sa Maynila. Parehas silang factory worker sa isang pabrika ng ceramics at ayun, nagka-developan. Hindi ko alam kung bakit sila naghiwalay. Hindi ko rin alam kung alam ba ng tatay ko na may anak siya sa nanay ko, pero wala naman akong pake. Hindi ko naman siya hinahanap.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.
Chapter 3
Magsimula sa umpisa