"Kasi umiiwas kami sayo! Baka nakakalimutan mong nakablock ka sa aming lahat after the break up kaya wag mong sabihin na kami ang lumayo kasi simula't sapul palang Tiffany, ikaw na ang gumawa ng move para mas lalo kang kaawaan ng mga tao dito sa paligid mo, bagay na hindi tugma sa ugali mong nakakasuka!" Asik ni Devin. Akala ko ba busy tong lalakeng to sa dance practice nila?

"Devin" Pagmamakaawa nito. Pfft, anong klaseng acting skills yan? Pang elementary. Hindi pasok sa category for acting sa Metro Manila Film Festival. Ang pangit ng entry. The design is very Fidez del Prado. Masyadong paawa kahit hindi naman kinakawawa.

"Tumayo ka diyan" Madiing sabi nito kay Tiffany. Pagkatayong pagkatayo ni Tiffany ay agad na nakatanggap ito ng isang malutong na sampal mula kay Devin.

"Hindi ko ugaling manakit ng babae. Pero dahil si Tahiti ang topic dito, kahit babae ka pa hinding hindi kita uurungan. Ito na ang huling beses na iinsultuhin mo si Tahiti dahil sa susunod na malaman ko pa kina Clarence na nilalapitan mo si Tahiti, hinding hindi ako magdadalawang isip na i-escort ka palabas ng building na to. Naiintindihan mo?" He commanded as he grabs my hand palabas ng dance studio. Sumunod naman sina Clarence at Asher sa amin as Asher raises a middle finger up in the air, aiming at Tiffany who's crying all alone by herself.

"Okay ka lang ba love? Hindi ka ba sinaktan ng Tiffany na yun?" Devin asked, concern was etched all over his face. I silently cried and nodded.

"Tahiti" Clarence called. "Don't blame yourself please. Hindi mo naman kasalanan eh. After all, we all knew that you're just only defending yourself from her. Bagay na ikinapapasalamat naming lahat"."

"Saka, you just did the right thing naman eh. Kaya tahan na, baka isipin nanaman ni Devin na pinapaiyak namin ang girlfriend niya" Asher added. Kaso ang gago ng huling lines na sinabi niya ha. Nakakagago na medyo okay rin ang advice niya.

"Pinapaalala mo pa kasi eh" Devin joked. "Wag niyo na kasing paiyakin si Tahiti. Alam niyo na ngang umiiyak na girlfriend ko eh." He added as he looks at me.

"Are you okay na babe? Do you need anything?" He asked. Agad lumiwanag ang mukha ng dalawa nang makarining ng salitang "need anything".

"Pre, ililibre mo ba kami?" Patay gutom talaga tong si Clarence eh. Lumingon saglit si Devin saka nagtaas ng middle finger na ikinatawa lang naming lahat.

"Rence, puro ka na lang pagkain pre. Maawa ka naman sa pera ni Devin. Mag iipon pa siya para sa kasal nila ni Tahiti" Sabat ni Asher. Napanganga ako sa sinabi nito.

"Huh? Kasal? Ang advance mo naman mag-isip Ash." Sagot ko. Tumawa lang ito.

"Bakit, ayaw mo ba akong pakasalan babe?" Luh, isa pa 'tong Devin na to eh. Mga nakasinghot ba to ng baygon?

"Ang advance niyong mag-isip ha. Saka wala pang isang linggo. Antayin niyo muna motmot naming dalawa" Sabi ko.

"Nye, bat sa motmot niyo pa? Ang tagal pa nun eh" Reklamo ni Asher. Batukan ko kaya tong lalakeng to?

"Gago pre, wag muna. Mag-iipon muna kami ng girlfriend ko." Girlfriend ko? Shet, ang sarap sa feeling na kine-claim na niya ako as his girlfriend. Kinilig nanaman anteh niyo.

"So yun nga, saan tayo kakain? Baka mag alburoto na tiyan ng isa dito" Tukoy niya kay Clarence. Sinamaan lang siya nito ng tingin.

"Grabe pag pagkain, sa akin agad? Di ba pwedeng nagugutom din baby mo?" Sabay nguso sa akin.

"Hala, bakit ako nanaman?' Pagtataka ko. Humagalpak lang ng tawa sina Clarence at Asher sabay gulo sa buhok ko. Porket ako lang ang babae sa tropa eh.

"Stop ruining her hair nga. Wala ka lang girlfriend eh." Pang-aasar ni Devin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Strict Dance Mentor (Temptation Series #3)Where stories live. Discover now