"Okey lang naman Psalm. Kayo kumusta?" tanong niya rin sa akin at binigyan ako ng halik sa tuktok ng ulo ki.
"Okay lang naman po uncle nasaan po si Llishan?" magalang na tanong ko habang nilalaro ang wedding ring nila ni auntie Faith.
"Hay nako!" sabi niya at bumuntong hininga.
"Ang batang iyon. Dinalaw ang mapapangasawa niya raw sa Siargao," sagot niya sa akin kaya na tahimik ako.
"Gano'n po ba uncle," malungkot na sabi ko at bumaba na sa kandungan niya
"Kailan raw po uuwe?" tanong ko ulit.
"Kapag bumalik na ulit kami sa America, "sagot naman ni uncle kaya malungkot akong tumango ulit.
" Tignan mo Princess Psalm ang anak ko subrang bata niya pa pero iyon ando'n na siya sa magiging daughter in law ko sa hinaharap, "saad niya sa akin.
"Taken na ang anak ko, Psalm. Ang bata niyang TAKEN talaga, "tawang sabi niya pa kaya tumango ulit ako.
"Sige po, uncle. Alis na po ako, " malungkot na paalam ko at mabilis na lumabas sa bahay nila.
Umuwe ako sa bahay na wala akong napala. Wala rin naman pala ang taong sinabing babalikan ako kapag umuwe dahil may iba palang binalikan. Akala ko pa naman totoo na ang promise niya. Sabay mga bata pa lang kami kaya siguro gano'n.
"Oh, bakit ang lungkot ng mukha mo?" tanong ng isang yaya ko.
"Ang mommy yaya nanganak na ba?" tanong ko rin at hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Nasa hospital Princess. Manganganak na ata, "sabi niya pero hindi pa sigurado.
"Palagi naman nasa hospital ang mommy eh, "sagot ko rin at mabilis kong kinuha ang telepono sa my bandang dulo ng sala bago tinawagan ang daddy.
"Daddy," tawag ko.
"Asan ang mommy?" tanong ko agad.
"Lalabas na ba ang baby JP?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Ang tagal naman, eh!" reklamo ko.
"Wala po akong kalaro, " sabi ko at nagsimula na akong umiyak.
"Huminahon ka anak ipapakuha kita diyan," sagot ni daddy sa kabilang kaya binaba ko na ang tawag at pinunasan ang luha ko.
"Yaya Kim?"
"Yaya Bim?"
"May kapatid na daw po ako,"sabi ko pero tumawa sila.
"Wala pa nga, eh. Excited?" tawang sabi nila sa akin kaya sumimangot ako at pinag cross ang dalawang braso ko at padabog na umupo sa harapan nila.
"Wala naman kasi akong kalaro po," wika ko. Lumapit silang dalawa sa akin at umupo sa magkabilang ko side ko.
"Asan pala mga kalaro mo?" tanong ni yaya Kim. Umiling ako dahil ayaw ko sabihin.
"Diba bumalik na sila Mc?" tanong niya pa.
"Wala naman si Llishan yaya!"sagot ko at umiyak na ako sa harapan nila.
"Nasa mapapangasawa daw niya sabi ng uncle, " sumbong ko habang umiiyak.
"Ang bata mo pa Psalm Jaxeen. Tama na ang iyak," sita ni yaya Bim at niyakap niya ako ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
A Painful Mistake (BOOK 1) COMPLETED
RomanceOne relationship ruined because of a one night mistake. Bata palang si Psalm Jaxeen ay may lihim na siyang pagtingin sa kababata niyang si Mc Llishan pero habang lumalaki sila ay nararamdaman niyang lumalayo na ang kababata sa kaniya. Hindi niya ma...
Kabanata 21
Magsimula sa umpisa