Sasapakin ko na sana kahit masakit ang katawan ko pero kumalma ang katauhan ko noong makita ko ang nag-aalalang mukha ni Khari. Halatang nagmamadali siya sa lakad niya at may mga bitbit pang paper bag, hindi ko alam kung ano ang mga iyon.

Nang makita niya ako ay nahinto siya, napahawak pa sa dalawang tuhod at naghabol ng hininga. Tumakbo ba siya? Bakit pawis na pawis ang isang 'to? At bakit kahit pawisan siya ay napaka-bango niya? At higit sa lahat, bakit sinisinghot ko siya?

Nang matapos siyang maghabaol ng hininga ay tinuwid ko ang tayo ko at nagpanggap na sa iba nakatingin. Noong maramdaman ko ang titig niya ay tsaka ko lang siya tinignan na nagtataka.

"Bakit wala ka sa bed room mo? Mag pahinga ka, Ley." umayos siya ng tayo at hinarap ako, he's smiking genuinely, i couldn't help but smile, napaiwas pa ako para hindi niya makita.

"Naghahanap lang ng babanatan," iyon na lang ang sinabi ko, hindi ko naman obligasyon na sabihin sakaniyang narinig ko kung paanong mag usap ang mga magulang ko.

"Tch, pilosopo," rinig kong bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kumain ka na ba? Let's go and eat at cafeteria, i bought foods outside, you'll like these." nakangiti niyang inangat ang mga dala niyang paper bag.

Tumirik muna saglit ang mata ko at umirap tsaka napaunang maglakad, tinahak ko ang daan papuntang cafeteria, hindi na ako tumanghi sakniya dahil nagugutom na rin ako. Nawalan yata ako ng lakas sa mga pinaggagagawa ng magaling niyang ama.

"Here, try this one. This one also, and wait i also bought a dessert." kung ano-ano ang mga pimaglalapag niya sa harap ko. Mukhang masasarap naman ang mga iyon kaya natakam ako.

Pinalo ko ang kamay niya noong kakain na siya, nagtataka niya akong tinignan, hindi ko naman siyang sinagot at nagdasal na lang bago kumain, ganoo na rin ang ginawa niya. Para siyang tangang naka-ngiti habang nilalapag sa harapan ko ang kutsara't tinidor.

Habang kumakain, doon ko lang nagawang pagmasdan ang lalaking 'to. Suot niya pa rin ang black suit niya na ginamit niya kanina sa graduation. Tahimik siyang nakayuko at kumakain, kaya siguro marami ang dinala niyang pagkain dahil gutom na gutom din? Hindi ko alam.

"You don't like it?" nag angat siya ng tingin nang mapansing hindi ko na kinakain ang mga nilagay niya. Hindi ko masabing tinititigan ko siya kaya hindi ako makakain, kunwari pa akong umubo at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Gusto," kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi niya, ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, gusto kong matawa dahil parang ito ang unang pagkakataon na gawin sakaniyan ang ganitong bagay. "Kumain ka pa, mukhang gutom na gutom ka."

"S-sorry, i haven't e-eaten yet. My last m-meal was 2 days ago...." hindi siya makatingin sa akin, kumakain lang. Nakagata ko pa ang dila ko sa loob, pinipigilan ngumiti dahil ang cute niyang tignan dahil punong puno ang magkabilang pisngi niya, para siyang bata.

"Okay," walang kuwentang sambit ko at kumain ulit. Kahit tanungin ko naman kung ano ang dahilan kung bakit hindi siya kumain sa loob ng dalawang araw ay alam ko naman hindi niya sasabihin.

"How are you? Masakit pa rin ba ang katawan mo? 'Yang face mo? I heard what happened, that bastard...." halos pabulong na lang ang huli niyang salita.

"Saks lang," walang ganang sagot ko habang kinakagad ang garlic bread na kasama ng carbonara.

Hindi naman na masakit ang katawan ko pati na ang mukha, kaya ko na nga ulit sumabak sa panibagong bakbakan. Kung tutuusin ay mild lang itong sakit sa katawan na nakuha ko sa tatay nitong nasa harapan ko, wala pa ang sakit na 'to sa mga sakit na nakuha ko noong nakikipag basag-ulo kami nila Von.

Ang Nag Iisang Babae Sa Section M&M [Book 2]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora