"Baka depress!" natatawang saad ni Trix.

"Oo nga!" sang-ayon naman ni Gerald at agad na nakipag-apir sa kaibigan.

Kumunot ang noo ko sa asta nila. How dare they? Laughing like an animal predator because they killed a prey.

"Magsitahimik," saway sa kanila ni Froy. "Okay ka na ba?" tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Ah, oo," I smiled at him. "Okay na ako."

"Okay lang 'yan, malalagpasan din natin 'to. Huwag kang mag-alala," aniya habang hawak ang kamay ko.

"Salamat, Froy," I smiled once again.

"Nga pala," he licked his lower lip and looked at me seriously. "You know this guy, Brent? May hinala kami sa kaniya."

Oh, Brent Rivero. Siya 'yong isa sa officers ng class.

"Anong klaseng paghihinala?" kunot-noo kong tanong.

"May hinala kami na siya ang may pakana sa mga chess board. Dalawang chess board palang ang natagpuan natin, 'di ba? Apat pa ang hindi. I think he was distributing it to our schoolmates."

Imposible. Akala ko ba nasa pangangalaga ng trusted person ni Lolo ang mga ito? Bakit nandoon sa lalaking 'yon?

"Did you confirmed it?" tanong ko.

He nod. "Sinundan ko siya the other day, that's why I'm busy. Nakita ko mismo ang ginawa niya. Damn that guy, he's like a psycho."

I gulped. "Kahit sino hindi dapat pagkatiwalaan. Akalain mo nga naman, nasa malapit lang pala ang may kasalanan."

He nod. "Yeah, that's why I need your help."

"What kind of help?" I asked.

"I know that guy likes you," he started. "And I want to use that feelings to manipulate him."

| …♡♡... |

"Zab, punta tayong cafeteria," aya sa akin ni Brent.

I smirked and nod. Let's begin this operation: manipulating Brent.

"Balita ko paborito mo raw yung bubble gum?" panimula niya habang binabaybay namin ang daan papuntang cafe.

"Oo, bakit? Meron ka?" pagsakay ko sa trip niya.

"Oo, ito," sabi niya sabay abot sa akin ng gum.

Kinuha ko 'yon at binuksan tsaka nilagay sa bibig ko. "Alam mo, dapat hindi ka na nagsusuot ng glasses. Ang cute mo kapag wala 'yan," panggagago ko.

Napangiti siya sa sinabi ko. That's it, just fell.

"Hindi kasi ako makakita e," aniya.

Kinuha ko ang glasses niya at sinuot iyon. May grado nga. At least I already found his weakness.

"Nga pala, anong flavor ng ice cream gusto mo? Mag o-order na ako," tanong niya.

"Just chocolate," I said at umalis na siya.

8:00 PM
Lee Residence

"Ano pwedeng gawin ngayon? Boring!" reklamo ni Sol.

"Super! Sinabi mo pa, Solaris," ani Kate.

"Stop calling me by my full name!" inis na turan ni Sol.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now