" How about you Shaya, how's your family? " Tanong ni Tita.
Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa dinamirami ng pwedi niyang itanong, bakit iyon pa? Ngumiti ako kay Tita bago siya sagutin.
" Maayos naman po... " Ani ko, ngumiti naman siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin, ang gaan kasi ng ngiti niya.
" Good to hear that.. "
Nag kwento pa sila ng kung anu-ano habang ako ay tahimik lang. Nang matapus na kaming kumain ay nag pahangin muna ako sa labas ng garden nila, si Grey? Nandon siya kinakausap pa ni Tita at nila Mina.
Napatingin ako sa kalangitan at madilim na, wala akong na tanggap na minsahe galing sa bahay kaya nakampanti ako.
" Why are you here? Nandon ang mga kaibigan mo at nag uusap-usap, and it's look like gustong gusto nilang kausap ang boyfriend mo. " Saad Nang papalapit na si Tita.
Bigla akong nahiya dahil sa sinabi niya pero kinikilig din. " H-hindi ko po siya boyfriend. " Ani ko.
" But you like him? " Nakangiti nitong tanong.
Napaiwas ako ng tingin bago tumango . Nagulat ako ng haplosin niya ang buhok ko kaya napatingin ako sa kaniya. " Dalaga kana talaga... " Ani nito habang hindi maalis ang tingin sa niya sa akin.
Gusto ko sanang itanong sa kaniya kung bakit galit sa kaniya sila Mama pero nag aalala ako na baka hindi maganda ang sabihin niya kaya nanahimik na lang ako.
" Pwedi bang kwentohan mo ako tungkol sa buhay mo? " Tanong niya .
" Wala naman pong nakakatuwa sa buhay ko. " Pilit akong ngumiti sa kaniya, totoo naman e , there's no special memories in my life...
"K-kahit ano basta tungkol sayo. " Ani pa niya kaya napakamot ako sa batok ko.
Wala naman akong maiikwento sa kaniya, baka nga ma bored pa siya. " Umm. Nag aaral ako sa Saint University at don ko nakilala si Grey, I mean sa Crenez University nag aaral si Grey as a Medical student pero lumipat siya sa Saint University, hindi ko alam ang rason niya at Una pa lang gusto ko na siya, hindi naman ako umaasa na magustohan niya ako dahil maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya. Sa gwapo niyang yan? Baka nga ipakulam pa ako ng mga babae kung magiging kami e. " Nakangiting kwento ko.
" You mean, na love at first sight ka sa kaniya? " Nakangiti ring tanong ni Tita.
" Opo, at mas nahuhulog pa po ako sa kaniya e, natatakot lang po ako na baka, na baka hindi niya talaga ako gusto, na baka nililigawan lang niya ako dahil sa kakulitan ko sa kaniya. " Ani ko at hindi maiwasang malungkot.
"I think he really likes you, the way he look at you Shaya, it's different.... " Nakangiting ani ni Tita.
Napakamot ako sa batok ko dahil si Grey ang naging usapan namin, wala naman kasi akong maisip, siya lang talaga, si Grey lang. Wala Nang iba.
" Tita, I just wanna asked you something. " Nag aalangang ani ko.
" What is it? " Nakangiti pa rin niyang tanong.
Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig ng hangin, nakatayo pa kami rito sa garden nila. " It's about my parents, when I mentioned your name nagalit po sila, I mean hindi naman po sa ano, pero bakit po sila ganon? May awayan po ba kayo? " Maingat kong tanong baka mamaya ipakaladkad niya ako dito sa mansyon nila.
Napaiwas ng tingin si Tita, " I-i think, wala akong karapatang sagutin ang tanong mo, but one thing is for sure, kinasusuklaman nila ako, especially your m-mother. " Ani nito na may lungkot sa mata. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sakit na dumaan sa mga mata niya.
YOU ARE READING
Aches Of Love ( Amorous Series #1)
RomanceUNDER EDITING!!! Shaya Reuza Viad is an ordinary woman, she just wants in her life is to loved by her family, and to get the loved that she wanted.. she study hard. But everything that she does for making her parents love her ends up for nothing!, u...
Chapter 15
Start from the beginning