Lumuhod ako sa harapan nya at niyakap ang paa niya..
"Baby please...forgive me...please im sorry...im sorry baby...please...comeback to me...Miss na miss na kita" pagmamakaawa ko.
"Zion..Tigilan mo na si Via!Ano ba umalis kana!Tahimik na ang buhay namin" singhal ni Joshua saka ako nito pilit tinutulak tulak.
Mas lalong lumakas ang paghikbi ko.
"Please...Gusto ko lang syang makausap...Via please...Iloveyou pleaseee...patawarin mo na ako....Please Via...." sabi ko sa kaniya.
Matalim ang titig niya sa mga mata ko.
Pero alam ko...Alam kong sa kabila ng masamang tingin mo na yan mahal mo pa rin ako...
"Via...Bumalik kana sakin....Pangako...H-hindi na kita iiwan...Via...give me a chance...Alam ko mahal mo pa rin ako Via" lakas loob na sabi ko.
Pagak syang natawa.
"Mahal?...Zion...gumising kana...apat na taon na oh...Sinasabi mo mahal mo ako?Ni wala ka ngang nagawa diba!!" Singhal niya.
Meron Via..
Meron!!...
"Mas pinili mo na lumayo ako...Zion...wala ka ng babalikan...Masaya na kami.." singhal niya..
"Via...Hindi yan totoo...Via...Sinubukan ko...sinubukan ko Via.." sabi ko saka ulit siya niyakap...Pilit nya akong tinutulak...pero gusto kong madama sya...gusto kong mayakap siya...
"Mommy!...Bitawan mo ang mommy ko!!Bitawan mo siya!!" Sigaw ng isang bata saka ako nito hinahampas.
"Zion umalis kana...Hindi na kita mahal...May pamilya na ako...Masaya na kami" singhal ni Via.
"You're a monster!!Monster...!" Sigaw ng anak niyang lalaki habang hinahampas hampas ako ng laruan nya.
"Im sorry...Im sorry"huling sabi ko bago umalis sa kinaroroonan nila.
Mugtong mugto ang mga mata kong nagtungo sa bar...
Sa club..
Kung saan ko siya unang nakilala..
Kung saan nagsimula ang lahat....at kung saan mas natapos rin ang lahat....Via...Mahal kita...Sobrang mahal na mahal kita..
•
•
•
*****VIA'S POV*****
"Mommy nasaktan kaba?" Tanong ng anak ko..Umiling iling ako at mahigpit siyang niyakap habang umiiyak.
"Anak...Listen to me...okay...H-hindi siya monster!" Utal na sabi ko.
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa anak ko...pero mas mabuting hindi nya na nga muna alam..
"Pero Mom...He hurt you...I dont wanna see you crying!" Ngusong sabi niya.
Napangiti ako...Katulad na katulad sya ng ama nya....si Zion..
Pinapasok ko muna sya sa kwarto saka tumingin kay Joshua..Napabuntong hininga naman ito.
"Via..anong plano mo ngayon?" Tanong niya sa akin.
"M-maghahanap muna ako ng trabaho...sabi naman ng isang kaibigan ko may open daw na isang kompanya bukas" sabi ko.
Kailangan kong magtrabaho para mabuhay kami.
"Nandito lang ako palagi Via...kapag kailangan mo ako" sabi nya na ikinatango tango ko.
Pagkapasok ko ng kwarto...Doon ko mas nakita ang mukha ni zion kanina..
Luhaan....at namayat sya...
Pero kung gusto nya akong bumalik...bakit...bakit nya ako iniwan...bakit sinabi ng mga magulang nya noong gabi na sinabi kong buntis ako sinabi nila na ayaw daw ni Zion magka anak...
Kaya lumayo ako...at ilalayo ko ang anak ko sa kaniya...
*KRING*KRING*
"Bhesy....Samahan nalang kita bukas sa kompanya ha...yun lang kasi yung alam kong open up eh" sabi ng kaibigan ko.
Ngumiti muna ako bago ito pinatay.
Nang alam kong wala na si Joshua pumunta ako sa anak ko si Nero.
"Mommy are you crying?" Tanong niya.
"Hindi anak...Halika nga" mahigpit ko siyang niyakap..."Anak...Promise me...wag na wag kang magsasalita ng masasama ha...lalo na sa lalaking yon" sabi ko sa kaniya.
Kasi kahit papano...ama mo pa rin yun..
"Pero Mom..." nguso nya..
"Nero...!"
"Okay Mom...Pero...Nasaan na po si Daddy?...Diba po sabi mo nagwowork lang sya...Mom...I want to see him na." Nguso nito.
"Anjan naman si Tatay Joshua mo ah"
"But Mom...He's not my real Dad!" Sabi nya pa.
Hindi.....Hindi dapat malaman ni Zion na anak kanya....Tinalikuran nya tayo!!....
TO BE CONTINUE
A/N: SORRY FOR LATE UPLOAD