Kapag may isang malungkot sa amin, nagagawan ni Stell ng paraan para pagaanin ang mood nito. Pero ngayon na siya ang malungkot at may matinding pinagdadaraanan, nakakalungkot na wala kaming magawa para pagaanin ang sakit na nararamdaman niya.

STELL's POV

"Anak, tatawag ka sa amin palagi ha. Ia-update mo ko lagi ha." bilin sa akin ni Mama.

"Anak, mag-iingat ka doon ha. Sabihan mo kami ng Mama mo pag may problema."sabi ni Papa.

"Kuya, mami-miss kita" sabi ni Jean at yumakap naman siya sa akin

"Bro ingat ka dun ha, Tsaka Wag mong kakalimutan.........., size 40." Ani Kuya

"Hala, si Kuya para tong sira kayla Justin  lang ako pupunta, anong size 40 sinasabi mo diyan?!" Sabi ko at nagtawanan naman sila.

Nagdesisyon akong mag -stay muna kayla Justin mas malapit kasi ang bahay nila sa Studio at sa bagong  trabaho ko. Okay lang naman kay Tita Gemma na mag stay muna ako dun. Kung uuwi kasi ako dito, mapapamahal pa ako sa pamasahe.

"Aalis na po ako!" Medyo nilakasan ko ang boses ko dahil ramdam ko  sa gilid ko na nakatanaw sa amin si Lolo.

Nagdecide akong muling ayusin ang sarili ko, tama si Pau, kung magpapatuloy akong magpaka miserable mas lalo ko lang pinatunayan na dapat lang akong iwan ni Vien.

Unti-unti akong bumangon mula sa pag-iwan sa akin ni Vien. Pero hindi ko pa rin maitatanggi ang feelings ko para sa kanya. Hindi ko alam, iniwan niya na ako pero alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. May umaasa pa rin sa puso ko na babalik siya sa akin. Pero impossible na yun dahil sigurado naman ako na divorce na ang kasal namin at masaya na siya sa piling ni Peter.

       ---------3 YEARS LATER----------

VIEN's POV

"Bwisit ka talagang bata!" Galing ako ng trabaho at narinig ko mula sa pintuan ang pagsigaw na yun ni Peter at ang pag-iyak ni Star. Nakita kong inambahan ni Peter ng pagpalo si Star pero itinulak ko siya.

"Peter Ano ba!! Bakit mo sinasaktan ang anak ko?" Sabi ko at tsaka binuhat ang 2years old kong anak na Star.

"Sinabi ko na sayo Vien! Ilalayo mo sa akin ang batang yan dahil nag iinit ang dugo ko kapag nakikita ko yan! Piece of Bastard!"

"Enough!" Sabi ko kinuha ko muna si Star at ipinasok sa kwarto at ipinlay ang favorite video nito para hindi siya umiyak at isinara ang pinto at muling hinarap si Peter.

"Stop,Calling my son Bastard!" Pagduro ko sa kanya, kinakaya ko ang masasakit na salitang sinasabi niya sa akin at maging ang mga pananakit niya sa akin pero hindi sa anak ko.

"Ah, so matapang ka na ngayon ha?!" Akma niya akong hahawakan pero naunahan ko siya kinuha ko ang vase sa may side table at pa ambag itinutok yun sa kanya.

"Sige! Saktan mo ko! Subukan mo pa Peterson!" Naiiyak na ako "Peter, tatlong taon! Tatlong taon ko nang iniintindi at pilit na pinakikisamahan yang ugali mo! Pero para saktan mo ang anak ko, Hindi na ako papayag! Ayoko na Peter! Pagod na ko! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mong idadamay ang anak ko sa galit mo sakin dahil wala siyang kasalanan, pero hindi mo ko pinakikinggan. Kaya this time, lalakasan ko na ang loob ko para sa anak ko, maghiwalay na tayo!"

"Ha! Sige sa tingin mo kawalan ka?marami akong kayang ipalit sayo Vien!"

"Edi palitan mo! Sana nga noon pa ginawa eh!Para hindi na dumating sa puntong pisikal mo kong sinasaktan!"

"Matapang ka na nga talaga! Bakit? Are you trying to comeback to your 'EX'husband? Ha? Wag kang patawa Vien." Sabi nito nag umpisa naman na akong kumuha ng ilang gamit ni Star at binuhat na ito.

"You think im funny huh? You wanna know something funnier? Well, listen to me, Vester is 'not' my Ex-Husband." Nakita ko namang kumunot ang noo niya. "Becuase, He.Is.Still.My.Husband" sabi ko at umalis na sa bahay na yon kasama ang anak kong si Star.

STELL's POV

"Aba, talagang sikat na sikat na kayo Iho ano?!" Sabi si akin ni Manang Ason habang inaabot sa akin ang juice "At ang lagi ng ipinagbago mo, mas lalo ka pang guwapong bata ka." Pinanonood kasi nila ang ilan sa music video namin as SB19.

"Manang,ako pa rin naman po ito." Sabi ko narinig ko na may tumikhim mula sa itaas si Lolo Condrad.

"Aba,may artista pala sa bahay ko" sabito hanang nakatawang bumababa sa hagdanan. Nag mano ako ng makababa si Lolo Condrad.

"Kamusta na Apo? Medyo matagal na rin nung huli kang bumista rito ah., ganun ba talaga kapag artista na? Haha!"

"Pasensya ka na po Lo,  mas madalas na po kasi ang practice at meetings namin ngayon, minsan may mall shows pa kami, kaya hindi na po ako nakabisita. Siya nga pala Lo. Binilhan kita ng Prutas "

"Nako naman dapat hindi ka nag -abala. Pero salamat, buti ka pa, naiisipang dalawin ako samantalang yung tunay kong apo wala man lang akong balita." Pinilit ko nang ngumiti
Sa harap niya. Hindi lang ako ang malungkot sa pag alis niya, pati na rin ang ibang taong naiwan niya dito sa Pinas.

'Kamusta na kaya siya? Nabalitaan na kaya niya ang tungkol sa success namin as SB19?'

....to be continued...


My Secret Marriage With Stell AjeroWhere stories live. Discover now