“Oum,” tanging sagot ko.
“E bakit ka nakasimangot?” tanong nito.
“Pupunta parin ako sa eskwela. May ibinigay ako kay Cloud,” aniko.
“Ano?”
“Ah basta... Magpapaturo ako ng guitar para sa parating na valentine's day,” sagot ko.
“Valentine's day? Hoy Bloom, next two months pa iyon,” taas kilay niya.
“Oo nga eh. Pero Glow sa tingin mo, may pag-asa ba'ko kay Dark? Gusto niya rin kaya ako?” Tanong ko.
Nagkibit balikat siya. “Hmmm Iwan,” sagot niya.
Niyakap ko nalamang siya at kaagad ng lumabas ng pinto upang tumungo sa skwela.
Nasa gate na ako upang magpahatid sa driver nina Glow ng bigla rin itong lumabas para sumama.
“O kala ko ayaw mong pumasok?”
“Hinahanap mo si Cloud diba? Hahanapin ko rin si Glaze hehehe,” Saad nito kaya napangiti ako sabay na hinila siya papasok ng sasakyan.
Matapos ang mahabang byahe ay kaagad na kaming tumungo ni Glow papunta sa SSG office.
“Grabe Bloom no. SSG Office lang siya pero kapag tingnan mo sa labas parang office na isang CEO?” Anito.
“Ang espesyal kasi ng mga nandiyan sa loob eh. Matatalino ba sila lahat Glow?” Tanong ko na nagpatango sa kaniya.
“Gagi ang taas ng standard nila. Kapag hindi 97 and above ang average grade mo hindi ka magiging SSG Officer. Mga academic geniuses ang nasa loob ng office na 'yan,” sagot niyang nagpamangha sa akin.
“Eh si Ace ba matalino? Parang hindi naman ah. Kumukopya pa nga sa akin iyon eh,” salita kong nagpamangha kay Glow.
“Weeee 'di nga,”
“Gagi bakit ka manghang-mangha? E sagot mo iyon,” pasimpleng sambit ko sabay ngisi.
“Hala. Hoy g*go kamusta score niyo?”
Malakas akong napahalakhak. “Zero!” sagot kong sumalpal sa mukha ni Glow.
“Takye. Bloom? Hahahaha.” Natatawang sabi niya.
“Baliw joke lang. Kaya nga siya komokopya kasi lagi kaming perfect eh hahaha,” pagbabawi kong nagpaseryoso ng mukha ni Glow.
“Baliw... Pero totoo Bloom. Ang talino-talino ni Ace. Bakit Siya sa'kij komopya? Like ugh?” Pagmamayabang niya dahilan para e tulak ko siya palayo.
“Prood ka? Prood ka?” panunulak ko sa kaniya.
“Anong prood? Proud! Bobo.”
“Ay prood pala iyon? Hahaha proud pala gago!” natatawang sambit ko sabay sampal ng malakas sa mukha niya dahilan para tumalbog ito pa shoot sa kanal.
“Hoy Bloom! Gago ka talaga, nag shoot tuloy ako hahaha,” natatawa na parang naiiyak na mukha nito.
Ako naman ay nakahawak na sa tiyan.
“Hahaha s-sorry Glow!” mabilis ko siyang pinaakyat. Mabuti nalang talaga at hindi mabaho iyong kanal, nakatayo rin siya kaya iyong pang-ilalim lang iyong nabasa.
Mabilis akong kumuha ng panyo ko sa loob ng bag at ipinahid ito sa kaniya. Malamang pati rin sa katawan ko e niyakap niya ako ng mahigpit eh, nadamay pa tuloy ako.
“Hahaha... O.M.G! Who the heck is that?” malanding bosis na narinig namin ni Glow mula sa malayo.
“Si Shaferha nanaman,” iritang saad ni Glow.
YOU ARE READING
Basagulera Bloom Meets The World's Four Famous SSG Officers
RomanceMeet Bethany Cheery Blossom Grayzeil. She's not just any girl; she's a whirlwind of courage and individuality. Often mistaken for foolishness, her bravery sets her apart. Bethany isn't weird-she's extraordinary, and it's this captivating difference...
CHAPTER 29
Start from the beginning