Unexpected 80

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam ko 'yon, Zandy pero alam mo 'yong masakit?" Marahas kong pinahid ang luha sa mga mata ko. "Ako, hindi mo nabigyan ng oras dahil busy ka sa kompanya, kahit kaunting oras man lang para sa akin hindi mo naibigay pero nagawa mong puntahan ang babaeng iyon! Ang hindi ko pa matanggap, binigyan mo siya ng kwentas na katulad nang binigay mo sa akin. Sana naman hindi mo pinahalata para hindi ko nalaman," umiiyak kong sumbat sa kaniya.

Pumikit ng saglit si Zandy. "I'm sorry, Honey! Alam kong mali ako na nakipagkita ako kay Beverly pero wala akong intensyon na balikan siya o kung anuman. I already done with her because I don't love her anymore. At 'yong kwentas, hindi ko alam kung saan nakuha ni Beverly iyon, kung paano niya nalaman ang tungkol doon pero hindi ko iyon ibinigay sa kaniya. Wala na akong nararamdaman kay Beverly simula nang ma-realize kong ikaw na ang mahal ko. Paniwalaan mo naman ako," patuloy ni Zandy habang bakas sa mukha ang pagmamakaawa.

Pumikit ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Pilit na pinoproseso ng isip ko ang mga sinabi ni Zandy. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang paniniwalaan ko dahil maging ang isip ko, nagtatalo sa dapat kong gawin.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. Pinagdikit ko ang mga labi ko, saka nag-angat ng tingin kay Zandy. "I'm sorry, Zandy pero siguro, sa pagkakataong ito, mas mabuti nang bigyan muna natin ng space ang isa't isa para magkaroon tayo ng pagkakataong mag-isip," malungkot kong sabi. Agad din akong umiwas ng tingin para itago ang totoong nararamdaman ko na nakarehistro sa mukha ko.

Hindi agad nakasagot si Zandy. Napaawang pa ang bibig niya. "Seryoso ka ba, Honey? You want space? Bakit kailangan nating layuan ang isa't isa kung pwede naman nating ayusin ito. Please, Honey, huwag mong hayaang maging ganito tayo dahil kay Beverly. Hindi ba't sabi mo, ipaglalaban mo ako, bakit ngayon parang isinusuko mo na ako?" Gumuhit ang sakit sa boses niya.

"Dahil ito ang mas makabubuti para sa atin, Zandy. Kapag nagkaroon tayo ng space sa isa't isa, maiisip natin ang mga bagay na nangyari hanggang sa ma-realize natin kung ano ba talaga tayo. Kapag sigurado ka na sa nararamdaman mo, nandito pa rin ako para tanggapin ka pero sa pagkakataong ito, kailangan muna nating layuan ang isa't isa." Kasabay niyon ang pagtulo ng luha sa mga mata ko na dulot ng matinding sakit.

Ngumisi si Zandy. Bahagya akong natulala sa kaniya nang makita ko ang nanunubig niyang mga mata. Bahagya pa siyang kumiling na bakas ang sakit at lungkot sa mukha niya.

"I don't need space, Honey kasi ako, sigurado ako sa nararamdaman ko para sa 'yo. I love you. Mahal kita at alam ko 'yon. Honey, please, huwag namang ganito."

Nadurog ang puso ko nang makita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Zandy. Mabilis niya iyong pinahid at yumuko. Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero alam kong iyon ang dapat at mas makabubuti para sa aming dalawa. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko pwedeng gawin.

Muling pumatak ang luha sa mga mata ko. "H-hindi naman kita susukuan, Zandy, eh, kailangan lang nating gawin ito para ma-realize ang lahat. Kung talagang mahal mo ako, kung talagang totoo ang nararamdaman mo para sa akin, patunayan mo hanggang mawala ang doubt sa puso ko. I'm still here dahil kahit nasaktan mo ako, mahal pa rin kita. Pero ngayon, ito ang dapat nating gawin." Hindi ko na napigilang mabasag ang boses ko dahil sa pag-iyak. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa matinding sakit pero wala akong magagawa.

"Honey!" tanging nasambit ni Zandy. Pinahid niya ang luha sa mga mata at masuyo akong tiningnan. Ngumiti si Zandy kahit bakas ang sakit doon. "Kung wala na akong magagawa para baguhin ang desisyon mo, tatanggapin ko iyon. Pero hindi ako titigil para patunayan ang nararamdaman ko para sa iyo. I love you, Honey!" Bumuntong-hininga siya. Saglit siyang hindi umimik. "I'm sorry kung nasaktan ka. Kailangan mong magpahinga at magpagaling. I'm worried."

Tumango si Zandy. Pinagdikit pa niya ang mga labi, saka nagpamulsa. Pumihit siya patalikod at nagsimulang humakbang palayo. Parang slow motion iyon sa paningin ko. Gusto ko siyang pigilan.

"Z-Zandy, mag-iingat ka. I want you to be happy at gusto kong matupad pa rin ang pangarap mo," sambit ko. Saglit na huminto si Zandy pero hindi na siya umimik at lumingon sa akin hanggang mawala siya sa paningin ko.

Sunod-sunod na tumulo ang luhang tila ulan sa mga mata ko. Bahagyang akong napatingala at napakiling. Parang dinudurog ang puso ko sa katotohanang sa pagkakataong ito, maghihiwalay muna kami ng landas ni Zandy. Gusto kong sumigaw para ilabas ang sakit pero hindi pwede. Tahimik akong umiyak. Patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko kasabay ng matinding sakit na umaagos sa puso ko.

Ito na muna kami ngayon, kailangan naming maghiwalay ng landas para sa sarili namin. Para sa maraming bagay na dapat naming ma-realize. Pero ang katotohanang mahal ko pa rin si Zandy, hindi iyon mawawala.

Merry Christmas everyone! Enjoy and be safe always. Thank you for the support💛

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon