His gaze met mine as his lips curved into a faint yet boyish smile. Umiwas na rin siya agad ng tingin at saka pumasok na sa music room. Sukbit niya ngayon ang electric guitar niya sa likod.

"You're early."

"Aga mo, ah."

I simply pursed my lips, a bit embarrassed because we even spoke at the same time!

Kinakabahan ako sa puntong 'to. His utter presence was enough for my heart to find its route towards him. Wala, siya lang talaga. Dumagdag pa ang sinabi niya sa akin kaninang umaga lang.

Either way, I should make a move.

Pero paano ko naman 'yon magagawa kung natataranta at kinakabahan na ako agad kahit nasa malapit lang siya?!

Hindi ganoon, Rize! Dapat harapin ko 'to! Abot kamay ko na siya, oh!

Napansin kong pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. I was wearing his windbreaker jacket. Naalala kong kinuha ko ito sa bahay kanina nang umuwi ako para mag-lunch.

"Wassup! Ang aga natin lahat!"

Natuon ang atensyon naming dalawa ni Jayscen nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Luis na labas ang gilagid kung ngumiti.

Kasunod niya naman si Wine, she's from ABM 11-A, ang bagong miyembro namin at marunong siyang kumanta. She plays keyboard and violin as well, pero mas prefer niya raw ang kumakanta.

"Hi, Ate Rize!" She beamed while waving her hand at me.

Her hair was in a pixie style with violet highlights that perfectly complemented her small face.

I joyfully grinned as I waved my hand back.

Kahit last week lang kaming nagkakilala, mabilis kaming naging close ni Wine dahil tulad ko, mahilig din siyang mag-skateboard, pero paminsan-minsan lang daw. She's very lively and fun to be with.

Minsan nga ay ayain ko siya sa Ground One.

Nagsimula na rin kaming mag-practice, tatlong kanta na naman ang tutugtugin namin. Makakasama pa rin namin ang Caelus at Alliac Band dahil active talaga ang banda nila.

It took us almost an hour of practicing before the bell rang. Malapit na rin magdilim ang langit. Hindi ko nga pala naidala ang skateboard ko kaya no choice, maglalakad na lang ako pauwi.

"What the fudge? Bakit nandito ka pa?!" I exclaimed, surprised to see Yuen when I went out from the music room.

He was comfortably leaning his back against the bench across, naka-de-kwatro pa. His headphone was hanging on his nape as well.

He lifted a brow as he glanced at me with lazy eyes. "I'm waiting for someone."

"Dito sa music room?"

"Kuya Yuen!"

Lumingon ako agad sa pinto ng music room nang marinig ang boses ni Wine. What the? Magkapatid sila?

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa at na-confirm kong magkapatid ang dalawang 'to. Magkamukha nga sila!

"Wine, papansin," dinig kong bulong ni Yuen.

Nagpaalam pa sa akin si Wine na aalis na sila ni Yuen. Medyo naririnig ko pa ang mahinang reklamo niya.

I just simply shrugged as I made my way out from the gate. Medyo lubog na ang araw pero maliwanag pa rin ang paligid dahil sa mga food stall.

Marami pa rin palang students na nakatambay kaya dumukot na ako ng barya sa bulsa ng palda ko para bumili ng mamemeryenda.

Nang matapos bumili ay nahagilap pa ng paningin ko ang paglabas ni Jayscen mula sa gate, sukbit ang electric guitar niya. Papunta na rin siya sa parking lot dahil naroon ang kotse niyang yayamanin.

Traversing with the Infinity (Sun Rays Series #1)Where stories live. Discover now