Special Project

4 1 0
                                    

Ako si Migs, nag aaral sa University of Luzvimin at ang aking kurso ay BS Archeology. Hindi ito inooffer sa ibang eskwelahan, kaya naman nung tinayo ang bagong paaralan dito sa Pilipinas eh, ito talaga ang kinuha kong kurso, hilig ko kasi noon ang mangulekta ng kung ano anong makikita ko sa paligid kagaya ng mga shells, buto at kung ano ano pa.

January na nga ngayon, malapit lapit na kong gru-maduate at mag martsa sa marso. O ga graduate nga ba?

Eh paano ba naman, kamote. Aminado naman akong naging pabigat ako sa thesis namin, kaya ang siste' eh tinanggal ako ng leader namin sa thesis. Kaya ang ending, ayun tagilid ang aking grades sa dito sa sunject na to.

Pero hindi ako tamad, working student talaga ako at nag ta trabaho ako sa isang fastfood chain. Kung tutuusin ay matataas ang grado ko sa ibang subjects. Sinusubukan ko namang mag comply, yun nga lang hindi nga lang kaya ng time ko.

Pero tama na sa excuses nang yare na eh. Hayys.

"Mr. Cruz. Ilang buwan nalang ay malapit na ang graduation nyo." Ani ni Mr. Escalona na professor ko sa subject na ito, habang tutok na tutok ito sa mga papeles na nasa desk nya.

"Eh, opo sir." sabay kamot ko sa ulo. Alam ko namang tungkol sa pag kakatanggal ko sa thesis ang dahilan kung bakit ako pinatawag ni sir sa opisina nya.

Mula sa pagiging abala sa pag checheck ng mga papeles na nasa desk nya ay tumitig ito sa akin ng diretso.

"Nasabi sa akin ng mga groupmates mo sa Thesis na hindi ka nakapag comply sa mga tasks na pinagagawa sayo ng leader mo. Kaya ka nila tinanggal, tama?" striktong tanong nito sa akin.

"Ah eh, tama po sir. Hindi na po ako mag bibigay ng excuse. Yun po talaga yung nang yare, kasalanan ko naman po." sagot ko dito.

Hindi ko mawari pero nag bago ang ekspresyon ng mukha nito, mula sa pagiging strikto ay gumaan ang awra nito.

"Accountability. That's great of you, Mr. Cruz. Because of that, I'm willing to give you a special project. If you will be able to comply this time, I will give you a passing grade" ani nito.

Nabuhayan ako ng loob, dahil sa pag kaka alam ko, ay maipasa ko dapat ang thesis na siyang final requirement para makapasa.

"Pero sir, thankful po ako sa special project na to, pero ano po ba yun?"

Mula sa pag kaka upo ay tumayo ito, unti unti lumapit sa akin at bumulong sa aking tenga.

Sa mga sinabi nito ay tumayo ang aking balahibo dahil hindi ko inaasahan ang hinihingi nito.

"Ihanap mo ako ng agimat."

---------

"Olats naman yan, pre. Anong agimat pinagsasabi nyan ni Mr. Escalona? Eh sa panahon ngayon, di na uso yun. Kamo baka nasisiraan na ng --" Hindi na naituloy ni Gelo, kaibigan ko, ang sasabihin nya, dahil nabatukan ko na sya bago pa sya, matapos. Paano kung may makarinig sa amin, edi mas lalong na bagansya ang grades ko.

"Pre una sa lahat, kahit buto pa ng dinasour yang ipahanap ni Mr. Escalona sakin eh gagawin ko. Makapag Martsa lang. Kaya yang agi-agimat na yan? Sisiw yan." sagot ko dito sa kaibigan ko.

"Oh eh kung sisiw ba't di ka nalang nag submit ng mga kailangan ng team mates mo sa Thesis, edi sana di ka mag hahanap ng agi-agimat na yan." sagot naman ni Gelo habang tuma tawa tawa.

Medyo natulala ako sa sinabi nya, pero tama naman sya, kung nag submit nalang sana ako edi sana ay hindi na ko mahihirapan ngayong maghanap nung Agimat na pina pahanap ni Mr. Escalona.

Bakit ba naman kasi sa dami ng ipapa special project ay yun pa? Kaya ko namang gumawa ng research papers, o kaya naman short dissertation. Kung sabagay eh anong petsa na rin, at hindi kakayanin ng tatlong buwan kung research paper ang ni require ni sir.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Migs: Sa Lupain ng LumarthaWhere stories live. Discover now