CHAPTER 37: De Ja Vu

Start from the beginning
                                    

Napatingin ako sa cellphone ko dahil nag-vibrate iyon. Inilagay ko ang coffee, hindi naman kami magkaharapan no Vile pero tama lang na sobrang lapit na namin sa isa't isa.

Kinuha ko ang phone at may text roon na,
'Bhie papunta na kami, see yahhh!' chat ni Katie sa GC namin, on pala ang data ko.

Nireplyan ko iyon at napangiti muna dahil may sinend na sticker si Jeroff na isang taong maitim na sumasayaw na nag twerk.

'ok' reply ko at pigil ang ngiti, nireact ko muna ng haha ang sticker na sinend nito.

Bagay sa kanya mukha talagang si Jeroff eh.

"Boyfriend?" rinig kong wika ni Vile na ikinatingin ko rito at nakaramdam ako ng kaba dahil nakakunot na ang noo nito.

Anong boyfriend sa pagkaka-alala ko siya lang ang boyfriend ko.

Iiling na sana ako pero narinig ko ang boses nila Jeroff at ang mga kaibigan ko na nasa labas na ng flowershop dahil ang lalakas kasi ng boses nito.

At doon ko lang narealized na kasama ko pala si Vile!

Nanlalaki ang mga mata ko na tumayo at hinila ang kamay nito, mabuti na lang at nagpadala ito sa hila ko sa laking tao kasi.

"S-Sumunod ka V-Vile" kinakabahan kong wika, wala itong salita habang nakasunod lang sa akin dahil hila-hila ko ito.

Pumasok kami sa loob, at bumungad sa amin ang iba't ibang buhay na buhay na bulaklak. Pagpasok mo kasi ay parang garden na malaki, parang connected na sa farm, dahil sa laki ng farm at may kataasan ang mirasol na flowers ay doon kami banda.

Tumigil ako at nakatalikod parin kay Vile at nagchat sa GC ng, 'Bhie nauna na akong umuwi ha,' siguro dadaan na lang ako sa exit.

Sakto dala ko naman ang maliit na bag ko at cellphone. At nakarobber shoes ako ngayon pero naka-skirt na pero may kafitan ang soot na damit na walang manggas.

Nakapuruntong ang buhok ko kaya kitang-kita ang leeg ko.

"Kinakahiya mo ba ako?" anito na ikinalaki ng mga mata ko, at napatingin kay Vile sa sinabi nito.

"Ha? Hindi Vile" sagot ko totoo naman eh, ayoko munang malaman ng mga kaibigan ko dahil ang alam ng mga ito ay hindi ko kilala si Vile at konektado ito kay Jewel.

Gusto ko muna ng tahimik na buhay, walang issue o ano.

"Bakit mo ako hinila?" malamig nitong wika.

"K-Kasi ano..."

"Hind ko pa tapos inumin ang coffee na gawa mo" napatingala ako dahil parang galit talaga ito dahil lang hindi nito natapos ang kape na iniinom na gawa ko.

"E-Edi gagawan kita ulit" sagot ko.

He stared at me, "Now?"

Napatango ako. "Saan ba?" wika ko at ngumiti sa kanya.

Nakapamulsa ito at kahit mababango ang mga bulaklak dito ay umaalingasaw ang bango niya na parang kinaka-adikan ko talaga pag kasama siya.

Pero mabilis ko siyang hinila at nagtago kami sa isang dingding dahil pumasok ang mga kaibigan ko, napakagat ako ng labi dahil kung sana lumabas na kami kanina pa, hindi sana ako kinakabahan at madadamay si Vile.

Naramdaman ko ang paghawak ni Vile sa bewang ko na ikinatingin ko rito.

"What are you doing?" Ramdam ko ang kaba sa boses ko, ang panginginig ng mga tuhod at kalamnan ko. Pinasadahan nito ang buong katawan ko na palagi nitong ginagawa.

"Make it clear to you that you're belong to me" anito habang sinasabi iyon sa tenga ko ko na ikinalunok at ikinalamig ng buong katawan ko.

"W-what do you mean?" nauutal kong wika dahil ang lapit nito. Kumakabog na ng mabilis ang dibdib ko. Alam kong namumula narin ang pisngi ko.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now