CHAPTER 4

10 2 0
                                    

Lei Ann's POV

Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Isang linggo na ang nakalipas mula nang magising ako sa kakaibang mundo na ito, at ngayon nandito ako sa unang araw ko bilang estudyante ng Athenia Academy.

Pumasok ako sa unang klase ko,ELM 101. Halatang gulat ang ilang estudyante nang makita ako. Bagong salta nga lang ako, kaya siguro ganoon ang reaksyon nila. at kung gusto niyong malaman kung paano ako nakapasok agad, thanks to our mysterious headmistress. Ang level na napasokan ko ay sa Novice level since kakapasok ko lang daw. Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa window. Pagkatapos ay pumasok ang aming guro, si Sir Herlock.

"Good morning class, before we begin may gusto lang akong ipakilala sa inyo. Please welcome Ms. Shae, she's a new student here in Athenia," sabi ni Sir Herlock. Nilingon ako ng buong klase. Napangiti na lang ako kahit awkward. Pakiramdam ko parang display sa museum na tinititigan. "Ms. Shae, would you like to introduce more about yourself?" tanong sa akin ni Sir. Tumayo ako at nagpakilala ng maikli bago naupo. Our first lesson was about the four elements—fire, water, earth and air. Kahit nagugulohan ako pinipilit kong makinig kahit wala akong ka edi-ediya sa ganitong bagay. Ako naman, wala pa akong alam na kapangyarihan ko gaya ng sabi ng headmistress. 

After ng klase, lumapit sa akin ang ilang classmates at tinanong tungkol saan ako nagtatransfer at bakit bigla na lang ako dumating. Sinagot ko na lang ng "It's a long story" dahil ako mismo di ko parin alam ang sagot don. Nag-ring na ang bell, senyales na tapos na ang unang subject.

Pumunta ako sa next room for the next subject ko which is Creature Studies naman, isa pang intriguing na subject dito sa magic school. Pumasok ang aming guro na si Miss Dawn. Maganda siya at mukhang bata pa at naka-glasses na bilog ang hugis. Pero sabi ni Headmistress, lahat ng staff dito ay hindi ordinaryong tao ring gaya ko. 

"For this week, we will study about guardian fairies," simula ni Miss Dawn. "Can anyone share what they know about them?" Someone raise their hand. "They have wings and magical powers connected to nature." "Very good, Ms. Akari!" sagot niya. 

"Guardian Fairies are the little creatures to be your guardian for the rest of your life, each one of us has a designated guardian fairies. Kung ano ang kapangyarihan natin, ganyan dn ang kapangyarihan nila ngunit ......"Habang nagdi-discuss si Miss Dawn, bigla kong naalala ang mga fairies noong bata ako tuwing nananaginip ako. Ano nga ulit pangalan nun? Star..? Ast-

Naputol ang pag-iisip ko ng mapansin kong tapos na pala ang klase namin ngayon kinalabit ako nga dalawa kong kaklase na babae.

"Hi Lei! Ako nga pala si Seraphie"

" Ako naman si Lyssa, gusto sana namin magipag-kaibigan sayo. Okay lang ba?"

"Uhh. O-Oo, okay lang sakin. Hehe. Lei Ann, pwede niyo akong tawagin Eiya. Hehe" hiya kong sabi sa kanila

" Kung ganun, gumala tayo sa Central? Game ka ba Eiya? wala naman tayong klase ahh. Kung gusto mo sama kana" bungad sa akin ni Sera. Huh? parang ang bilis naman nila. gagala agad. Pero okay lang para mayroong alam diin ako dito sa lugar na kinalalagyan ko.

"Okay! Game ako jhan." sagot ko sa kanila sabay ngiti.


"SIGURADO ba kayo na okay lang ganito karami bibilhin? parang ano na kase ehh..." nangangambang tanong ko sa kanila dahil ilang boutique na ang nadaanan namin at marami na ang nabili nilang mga gamit, damit at kung ano-ano pa. Samantalang ako, isang gamit lang mabibili ko sa isang boutique na madadaanan namin. Hindi naman ako masyadong palabili ng mamahaling gamit ehh.

"Ano ka ba Eiya. Maraming mga magagandang gamit kaya dito, hindi ka na makakabili sa mga mall ng mga ordinaryong tao dahil palaging sold out samantalang dito parang unlimited lang." sabi sa akin ni Sera na singa-ayunan ni Lyssa naman.

"Oo nga naman Serra. At sapagkakatanda ko sa loob ng isang buwan mo dito daw sa academy umlimited ang green cards na inibigay sa atin. So that means that pwede natin mabili ang kahit na ano ang gusto natin dahil matapos ang isang buwan mawawala na ito at limited lang ang savings na nakapaloob sa green card ayun sa rank level mo." mahabang sabi niya, at dito kami ngayon papunta sa isang kainan na parang branch lang ng isang fast food.

"Ano ba rank level na tinurukoy niyo? hanggang dito rangko din ang basehan kung makapangyarihan ka?" tanong ko sa kanila. Dahil sa tanong ko na yun binigyan nila ako ng confused look na seriously kahit yun hindi ko alam. Sorry naman napadpad ako dito sa lugar na ito na walang kaalam-alam.

"Oookayy. So ganito Eiya, ipaliliwanag ko isa-isa ang mga rank level sa academy na pinapasokan natin." panimula ni Lyssa

"Wait lang, order muna tayo. Ano sayo Eiya?" biglang sabi ni Sera

"Uhm. Dark Choco sliced cake at frappe na Choco kisses. Yun lang" Sagot ko sa kanya

"Sige Eiya, sasama muna ako sa counter kasama siya. Undecided pa kase ako kung ani kakainin ehh. Hehe" sabi ni Lyssa sa akin sabay ngiti at tumango naman ako bilang sagot sa kaniya na okay lang.

Nang paalis na sila, may napansin akong figura na ng tao na nakaitim ang kanyang pananamit sa labas na nakatingin sa direksyon namin. At ng naramdaman ko na tumingin siya sa akin biglang nanidig ako sa kaniyang sinabi sa akin. Sa hindi mapaliwanag na nararamdaman, bigla akong kinabahan.


KINDLY VOTE, LEAVE A COMMENT FOR THE NEXT CHAPTER.

THANK YOUU PO 😊

Echoes of the Elemental in Athenia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon