So, yun na nga, pero pagtingin ko sa phone ko, si Kyle pala. (^_^)
Fr: ( Kyle )
"Chicken little = )"
To: ( Kyle )
"Ha? Pinagssbe mo? XD"
Fr: ( Kyle )
"Maliit."
To: ( Kyle )
"Ankonek nun sa chicken little? -_-"
Fr: ( Kyle )
"Mukha ka kaseng manok tas maliit pa. Chicken little :-P"
To: ( Kyle )
"So? Giant lizard!"
Fr: ( Kyle )
"idontcare chicken little =P"
Arghh! Di siya affected. Pero mukha naman talaga siyang lizard. (-_-)
Fr: ( Kyle )
"May bf ka?"
OMG! Tinatanong nya ko. HAHA. Di kaya mag-aapply siya? Bwahahaha! Assumera (-_-)
To: ( Kyle )
"Ha? Hmm.. Wala eh. Baket?"
Fr: ( Kyle )
"Wala lng. Msma ba magtanong? Kaano-ano mo si Ian?"
To: ( Kyle )
"Hmm.. Bestfri :) Baket?"
Fr: ( Kyle )
"Ah. K"
Ang tipid naman nento magreply. Kaboring kausap. Hindi na rin ako nagreply kase ang hirap kaya sagutin ng reply nya.
"Ah. K" Ano pa ba masasagot dyan? Hmmm. Alam ko na! Tatanong ko nalang kung may gf siya kunyare di ko pa alam! Galing-galing Athena. :D
To: ( Kyle )
"Eh ikaw? May gf ka ?"
Fr: ( Kyle )
"Oo. Mahal na mahal ko nga yun at sa tingin ko, true love ko na toh = )"
So? Di ko tinatanong? Oo o hindi lang isasagot dami sinabi. (>_<) True love? Sus! Puppy love lang yan. Mukha pang muchacha girlfriend niya. HAHAAHAHA ang mean ko. :D
To: ( Kyle )
"Ahh."
Ayan! Nagantihan ko na rin siya sa reply niyang "Ah. K"
Fr: ( Kyle )
"Bket? Selos ka no?"
To: ( Kyle )
"Lol. Asaness :P"
* SENDING FAILED *
Naahh! Wala na akong load!! Ako? Selos? Sa muchacha?! No way! Yuck talaga (>_<)
Fr: ( Kyle )
"Haha. selos nga = ) "
Argh! Kainis. Tinignan ko yung wallet ko. Five pesos nalang laman! HAYS. Makakapagload ba yun?! Putek. Isipin nya na nga lang gusto niyang isipin. (-_-)
**
KINABUKASAN.
* Tsukurimashou. Tsukurimashou. Sante santé .. *
Hmm. Epal naman 'tong alarm clock na to eh! (>_<)
Wala na kong magawa dahil studying is life, kaya bumangon na ko at --
"OH MY GAAASHHH!!"
"LATE NA KO. LATE NA KO!"
Nagmadali na ko maligo. 10:30 na , di man lang ako ginising?! Pagtapos ko maligo, syempre nagbihis na ako tas nagsuklay konte.
"Athenaaa. Athenaaaa?", si Kate. Kasubdivision ko lang kasi siya. Kaya minsan paglate na ko sa usapan, dinadaanan na niya ko dito sa bahay. :D
Teka, ano oras na ba? SHOCKS! 11:25 na! Antagal ko pala mag-ayos? Syete lang talaga. (>_<)
"Kate! Una nalang muna kayo . Na-late ako ng gising eh!"
"Ah sge, text mo na din si Yanna ha."
"Oo na, sige, kakain pa ko!"
"Ge. BYE!"
Pumasok na ulet ako sa bahay. Tapos kumaen. Toothbrush. Tas konting pulbo. Then, gora na! Ay wait, baon pa pala.
"Ma, baon ko?"
"Ohhh. Kala ko nakalimutan mo na eh.", sabay abot sakin nung baon kong pera.
"Di no. Sige, bye ma!"
Tas umalis na ko. 11:45 na pala. Tsk! Malelate talaga ko nento. Sumakay na ko ng jeep, tapos syempre nagbayad. DUH! Tapos putek, traffic pa! Haybuhay (-_-)
"Shocks! 12 na >_<", bulong ko sa sarili ko. Anlayo ko pa sa school!!
Buti nalang at dalawa lang kaming nakasakay dahil sobrang init! Ayy, tatlo na pala.
"Bayad po. Makikisuyo."
Inabot ko yung bayad nya tapos tapos pagbalik ko ng sukli nya, bigla kong nabitawan. Kase, si muchacha pala. Shocks! Alcohol please. Hahahaha. Arte ko!
"Ah-ay, sorry po" syempre pinulot ko pa rin yung sukli nya. Kakahiya kaya sa kanya.
"Ah, okay lang.",buti naman. Mabaet rin naman pala sya eh. Ako lang tong masama! Bwahahaha!
Nginitian ko nalang sya pabalik tapos dumungaw na sa bintana ng jeep. Nakita ko sila Ian. Kasama yung dalawa nyang tropa.
"Uy Athena! Lakad ka na. Malelate ka nyan" sabe nya na nakasilip sa bintana ng jeep.
"Nye? Ayoko nga, mainit.", sagot ko. Dang tirik kaya ng araw. Baka mangitim ako no!
"Hoy! Sumakay na kayo. Wala ng traffic oh!" sigaw ni manong driver. Tas sumakay naman sila Ian.
Ang ingay nga nila eh. Saket sa tenga (-_-)
"Uy! Andito pala si Kyle GF!" sabi nung kasama ni Ian. Palibhasa maluwag kaya pwede nila gawin gusto nilang gawin.
"Oy Athena, baket ikaw lang?" - Ian
"Ahh. Nalate kase ko ng gising. Pinauna ko na sila."
"Ahhh."
"Hoy Ian! Nangchichix ka jan ah. Lagot ka kay Nica!", kantyaw nung tropa niya.
"Hoy. Hindi no. Teka, papakilala ko sa inyo to. Si Athena nga pala, bestfri ko. Athena si Joseph, tsaka si Carl. Mga classmate ko."
"Ah. Hello." bati ko.
"Ay tsaka pala to si Diane, girlfriend nung isa ko pang tropa." sabi nya pa.
"Yung si, Kyle.", bulong nya. Tsk! Nang-aasar pa 'tong mokong na to. Palibhasa alam nyang crush ko yun. (>_<)
And after idk time, finally! We're here. Anong oras na? Edi 12:45! How nice diba? Muntikan pa kaming hindi papasukin nung guard. Watta day!
BINABASA MO ANG
The Story of Us
RomanceThis story was dedicated to a very special friend of mine, Shaira aka crazYoona ^o^