Kabanata 87

138 11 0
                                    

Kabanata 87. Caught

"Pwede ka bang isayaw, Sean?" Pormal na tanong sa'kin ni Reyniel nang makita niya akong tahimik lang na nakaupo dito.

"Hindi. Ayos lang naman ako, kayo na lang ni Ivy," walang gana kong sagot.

Natawa siya.

"Kanina ko pa kasayaw si Ivy. Ang totoo n'yan ay siya mismo nagsabi na puntahan na kita dito. Tsaka 'di ba't sabi ko sa'yo na isasayaw kita?"

"Ewan ko, wala talaga akong gana. Hanap ka na lang ng iba d'yan," sagot ko sabay inom sa basong may wine.

"Tss, sayang naman 'yang ganda ng suot mo. Tara na, kailan ka pa natutong tumanggi sa bestfriend mo? Sige, 'pag hindi ka pumayag isusumbong kita kay tita Beth,"

Syempre. Talagang mapilit 'tong si Reyniel kaya natatawa siya no'ng inabot ko na ang kamay niya. Alam niya kasing wala na akong ibang choice! Tsaka may point naman siya na sayang ang outfit ko ngayon.

"Kumusta? Ba't parang ang lungkot mo do'n? May nangyari ba?" Tanong ni Reyniel habang naglalakad kami sa gitna.

Tuloy lang 'yung mabagal na musika galing sa Harmonya. Gumagami sila ng piano at violin kaya nagiging romantiko ang atmosphere dito sa loob ng hall.

"Sinong matutuwa na napagtanto ko na tama ka,"

"Alin? 'Yung tungkol ba kay Trevor? Tss, sabi sa'yo eh. Kaya kung ako sa'yo humanap ka na ng iba kasi wala naman siyang kwenta," sambit niya at dito hinawakan niya ako sa magkabilang bewang.

Marahan akong kumapit sa kanyang balikat at dito kami nagsimulang mag-sway nang mabagal, 'Bakit ba gano'n na lang ang galit mo kay Trevor?"

"Mahanang kwento. Basta 'di ko talaga trip ugali ng isang 'yan,"

"Pero nasa iisang lamesa kayo,"

"Oo nga. Pero hindi ko naman pinapansin. Respeto lang sa pinsan ni Ivy kaya ako pumayag na umupo do'n,"

Napabuntong-hininga ko.

"Iyon bang pinsan ni Ivy at secretary ng council ay iisa? 'Yung sinabi mo sa'king babae ni Trevor?"

"Oo. Siya nga,"

Hindi na ako sumagot.

Parang bumagsak lalo ang metro ng kaligayahan ko at wala nang natira, nanghihina ang mga binti ko at para bang gusto ko na lang mapabagsak dito sa lupa.

Hanggang sa.

Natanaw ko si Trevor habang isinasayaw nang mabagal ang secretary ng council, nakayakap ito kay Trevor habang ang isang kamay ni Trevor ay hinahaplos ang likuran ng babae.

"Yakapin mo'ko, Reyniel." Bulong ko sa kaibigan dahilan para magtaka siya.

"Ha? Bakit naman? Anong trip mo?" Natatawang tanong niya.

"W-wala. Nakakainggit sila Pete oh, may kasayawan sila at ang romantic nilang tingnan, gusto ko rin ma-feel 'yon," palusot ko.

"Ang weird mo talaga," sabi pa niya pero do'n nga ay yumakap sa'kin si Reyniel habang kapwa pa rin kami nagsasayaw.

Nakatalikod siya kay Trevor kaya naman ako lang ang nakakakita sa direksyon nila. Kita kong tumalim ang tingin ni Trevor sa gawi namin dahilan para sa loob ko ay mangisi na lang ako nang sobra.

Tuloy ang musika sa paligid.

Marahan kong inikot ang dalawang kamay ko payakap kay Reyniel dahilan para lalong bumakas ang inis sa mukha ni Trevor no'ng mga sandaling 'yon, lalo na no'ng sandaling ihilig ko ang ulo ko sa kanyang balikat.

Loving Him Until When? (BXB) [Ongoing]Where stories live. Discover now