"Ano bang problema mo, pwede mo naman akong ibaba ng dahan dahan!" Bulyaw ko rito matapos maka recover.

"Tsk, wala ng lakas ang braso ko" saad nito at bumalik na sa ginagawa niya.

"Walang lakas pero kung makawasiwas sa espadang kahoy ay wagas" bulong ko sa hangin.

It turns out, Youm was the one who caught me. How did I know? Simple lang, nakita ko ang itsura niya sa ala-ala kaya namukhaan ko ito. I'm thankful of him but at the same time I'm kinda mad at him, akala ko pa naman ay mabait siya.

Naglakad ako habang minamasdan ang bawat galaw niya, ang sexy niya sa paningin ko. Pwede na siya maging model sa mundo ko, saka ang anim na pandesal niya ay nakikita ko dahil sa nipis ng damit na suot niya tapos puno pa siya ng pawis.

"Alam kong hot ako pero hindi mo kailangang maglaway at tumingin sakin na para bang gusto mo akong lapain" agad akong napaiwas ng tingin ng magsalita ito, akala ko di niya ako mapapansin, masiyado kasi siyang busy sa ginagawa niya.

Hot nga siya, oo. Pero hindi ako naglalaway 'no! Tinaasan ko ito ng kilay, paano kaya siya naging kaibigan ni Zurielle. "Hot? Saan banda? Mukha ka ngang basang sisiw"

Inirapan ko ito ng tumigil siya at tiningnan ako. "Zuri, ikaw ba talaga 'yan? Hindi mo naman ako ginaganyan noon ah" ngumuso ito na ikinangiwi ko.

"Ew wag ka ngang ngumuso, nagmumukha ka lalong pato eh"

"Ang sama mo sakin, matapos kitang iligtas kanina--"

"Para sabihin ko sayo, hindi mo ako nilapag ng maayos, para na rin akong bumagsak non!"

"Tsk, ano bang ginagawa mo doon sa itaas?" Kunot noong tanong niya. "Isang buwan mo rin akong hindi binisita, tapos makikita kita ulit na ganito"

Youm, akala ko talaga ay nakalimutan na niya si Zurielle. Noong nakaraang araw lang bumalik ang ala-ala ni Zurielle tungkol kay Youm kaya eto ako uma-acting na para bang kilala ko talaga siya.

"Wala, may nangyari lang na di ko inaasahan" sagot ko at tinalikoran na siya. "Mauna na ako, sa susunod na lang tayo mag usap"

"Eh? Aalis ka agad? Ngayon na nga lang tayo nag usap ulit tapos--"

"Don't worry, Yu. Babalik ulit ako rito bukas" nilingon ko ito at nginitian..

"Fine, basta ah pag may ginawang masama na naman 'yung hayop na 'yun nandito lang ako para bugbogin siya" saad nito saka ngumisi na para bang may binabalak.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. "Akala mo naman ay kaya mo siya"

"Tsk, ako na nga nagmamalasakit sayo gaganyanin mo pa ako"

"Oh sya, alis na ako, babalik din ako bukas" saad ko at kumaway sa kaniya, hindi naman ako nahirapang makita ang labasan dahil sa sobrang laki ng pinto nito.

Nakangiti akong naglalakad papalayo doon, mayroon na akong plano para maiwasan ang kamatayan ko saka hindi na rin ako mabo-bored dito sa mansion dahil nagkita na kami ni Youm, maiiwasan ko na rin si Vile!

Lumiko ako ng bigla na lang akong nabangga sa matigas na bagay, kaya eto hawak hawak na naman ang pwet ko. Pangalawang beses na 'to ah!

Masama kong tiningnan ang taong pa harang harang sa daanan ko pero agad ko rin 'yung binawi ng makilala kung sino ito.

Anong ginagawa ng lalaking 'to rito? Agad akong tumayo sa kinauupuan at hindi inalintana ang sakit ng pwet ko.

"Bakit ba palagi ka na lang humaharang sa daanan ko?" inis na tanong ko rito.

"Tsk, where have you been?" Pake mo kung saan ako galing? Inirapan ko lang ito at lalagpasan na sana. "I'm asking you" malamig na saad nito habang hawak hawak ang braso ko.

Ano ba naman 'yan, balak na naman ba niyang lagyan ng pasa ang braso ko? Malakas kong hinila ang braso ko, masiyado pa namang sensitive ang balat ni Zurielle.

"Pake mo ba?" Saad ko at pinagpagan ang braso ko, baka nadikitan na ng kasamaan dahil sa paghawak niya.

Nakita kong nagsalubong ang kilay nito, mukhang naiinis na naman siya sakin. Dapat nga ako ang mainis eh dahil nakaka badtrip pagmumukha niya, ako na nga itong lumalayo siya pa itong lapit ng lapit, tss.

"Tsk! I'm just asking, also we need to greet an important visitors"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, sinong bisita na naman ba 'yan? Saka akala ko ba ayaw niyang sinisira ko ang moment ng mga bisita niya.

"It's your visitors, right? Why don't you greet them yourself?" Taas kilay na tanong ko, malamig naman niya akong tiningnan.

Akala niya matitinag niya ako sa tingin niyang 'yan, hindi 'no! Nang hindi na ito nagsalita ay tinalikoran ko na ito, pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ay nagsalita na naman siya na ikinatigil ko.

"The visitor is a royalty, also it's your visitor, not mine" royalty? Does that mean ang naghihintay ngayon ay ang male lead!?

Pero hindi pa naman kami nagkikita--o baka naman ay nagkita na sila ni Zurielle? Pero anong kailangan niya? Bakit siya nandito!?

"What?! Ano pang ginagawa mo? Halika na!" Saad ko, hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako.

Ang isa sa mga importanteng karakter ay makikita ko sa personal!! Tingnan na lang natin kung totoo nga ba ang description ni author sa kaniya, kyaahhh!! Saka crush ko siya dati 'no, malaking bagay na sakin ang makita siya sa personal.

"Woi, saan ba sila naghihintay?" Tanong ko kay Vile.

Ilang minuto pa bago ito nakasagot. "Drawing room"

Mauna na ako kay Vile, uwahh makikita ko na siya sa personal!! Tumakbo ako papuntang drawing room, napapatingin na nga sakin ang ibang mga maid pero wala akong pake!

Hingal na hingal akong nakarating sa harap ng pinto ng drawing room, inayos ko muna ang sarili ko saka nanginginig kong binuksan ang pinto.

Agad na sumalubong sakin ang tatlong tao, pero nasa isang tao lang ako nakatingin, nagtagpo ang mga mata namin na ikinakabog ng sobra ng puso ko.

S-Siya ba ang....male lead?! Golden hair, green eyes, pointed nose, makapal na kilay at natural na mapupulabg labi! Kagayang kagaya nga sa description...a-ang pogi!!

"Ehem" napaigtad ako ng may presensiya sa likod ko.

"Greetings the sun of the empire, crown prince Lux and prince Pierre" saad ko at bahagya pang yumuko.

"Big sis Zurielle!!" Napakunot ang noo ko ng bigla na lang tumakbo ang batang kasama nila at niyakap ako.

Teka, kilala ko ba ang batang 'to? O baka naman si Zurielle?! "Big sis, thank you for saving me last time"

"Huh?" Tanging lumabas sa bibig ko, oh wait...nanlaki ang mata ko ng makilala ang bata, siya ba 'yung batang kinawawa ng tatlong bata?

I didn't expect na

The Villain Is My Husband Where stories live. Discover now